Chapter 5

261 29 0
                                    

Chapter 5

Support

"So, alam mo na ang likes and dislikes ni Heil. Mas mapapadali ang panliligaw mo. Kaya kung umuwi na siya next week, makipagkita ka na sa kanya at umamin." Sabi ko habang nagtetake down notes. Pinakita ko sa kanya ang pwedeng plano para umamin.

"Una, dahil ayaw ni Heil ng maraming atensyon, hindi niya gustong sa harap ng maraming tao. Siguro dapat kapag nanliligaw ka na saka mo na gawin yung surprise pero sa ngayon, tutulungan kitang dalhin siya sa isang romantic place. Gusto ni Heil ang maraming fireflies kaya matutuwa yun na unique ang pagpapakita mo ng feelings sa kanya. Kilala ko si Heil, matutuwa yun sayo."

Nakanguso lang na nakatingin si Achilois sa papel at parang may malalim na iniisip.

"Achilois! Nakikinig ka ba?"

"Huh?" Napakurap siya bago ako tiningnan. Ngumiti siya sa akin. "Ano yun?"

Napailing ako at hinablot ang notebook ko. "Kung ano man yang iniisip mo sana tungkol yan kay Heil baka mabasag ko yang bungo mo kung malaman kong ibang babae yan."

Natawa siya at napakamot ng batok. "Sorry... Medyo wala kasi akong tulog kagabi."

Tiningnan ko ang ilalim ng mata niya.
"Kaya pa ang laki ng eyebags mo. Ang pangit mo."

I smirked when he widen his eyes to me. "Woah! Ang dami kayang nagkandarapa sa akin kahit malaki ang eyebags ko ah! Nakita mo siguro kanina halos pinagkaguluhan ang kagwapuhan ko."

I rolled my eyes to him. "Kita ko nga. Kung di ka baliw bakit ka napunta sa stage at nagsalita sa mike para sabihing 'let the party begin!' Kaya talagang pagkakaguluhan ka. Nakakahiya ka swear."

Natawa siya sa sinabi ko. "Gwapo kasi ako saka sikat." Tawa niya.

Yumuko ako sa wooden table nang makaramdam ng antok. Mabuting nandito ulit kami sa garden at kaunti lang ang tao dito.

Nakakainis kasi yung club president namin na kung makamandatory ng attendance ng first day ng foundation day akala mo naman tatakasan na. Plano ko pa naman ngayon matulog nang maghapon.

Napaidlip ako ng ilang minuto at nang magising nasa harap ko si Achilois na nakapikit ang mata at nakayuko rin sa mga braso niya pero nakaharap ang mukha sakin. Ganito pala talaga kapag gwapo, kahit na tulog, may itsura pa rin. Now I realize why students are into him, total package na kasi tong baliw na to.

Kumunot ang noo ko nang may nahulog na dahon sa buhok niya. Parang may sariling isip ang kamay ko at inabot yun doon sa ulo niya at dahan-dahan yung tinanggal.

Saka naman siya dahan-dahan niyang minulat ang mata at ngumiti agad. "Anong meron?" Tanong niya habang nasa ulo niya ang kamay ko. Napangiwi ako. "Inalis ko lang yung dahon sa buhok mo. Baka may mabalahibong uod." Inalis ko ang kamay ko sa ulo niya at pinakita ang dahon. Napatingin naman siya doon at napangiti.

Nagkatitigan kami at agad akong ngumiwi sa kanya. Umayos ako ng upo at hinilot ang balikat ko. Nakakangalay!

Humikab siya nang malakas. "Nakakaantok!"

Inayos ko ang buhok at mukha bago tahimik na nilagay ang mga gamit sa bag.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Uuwi na. Bawal bang umuwi?"

Ngumiti siya at umiling. "Sabay na tayo, uuwi na rin ako."

"Ayoko nga. Nandyan ang mga nahuhumaling sayo at kung ano pa ang isipin sakin kaya... "

"Pwede bang payakap? Kahit ngayon lang?" Mabilis niyang sabi.

Pinagkrus ko ang braso.

"Sino ka para yakapin ako? At isa pa lalaki ka! Manyak na to."

First Love To Last (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon