Chapter 31
Sinat
Achilois:
Hey Babymine! Good Morning!
5:29amAchilois:
Wake up now babymine! I have a surprise for you. Text me when you're awake ;)
5:53amKumunot ang noo ko sa nakitang text niya. Should I be glad because of his text? Kairita!
Dinelete ko yun at tinanggal ang battery ng phone ko saka nagtalukbong ulit ng kumot. I didn't sleep that well... Nakatulog ako ng 12 at nagising ng 2:00 am tapos hanggang ngayong mag-aalas sais na, siguradong magmumukha akong zombie.
Napatulala ako sa labas kung saan papasikat na ang araw. Dahil sa nakita, naalala ko na naman ang nangyari noong umamin siya at naging kami. Inayos ko ang pagkakatalukbong at pinikit ang mata.
Nagising na lang ako nang may marinig na katok sa pinto ng kwarto ko. Agad akong nahilo sa pagmulat pa lang. Niyakap ko nang maigi ang comforter nang makaramdam ng labis na lamig.
"Vereen Iha!" It was Nana. Tamad kong nilingon ang pinto saka napahinga ng malalim. I don't want to stand up! My head is fuzzy right now. Para na akong pinukpok ng bato sa ulo!
"Tulog pa siguro Iho... Magigising rin yan mamaya..."
Iho? May ibang tao sa labas ng kwarto ko?
"Ah ganun po ba? Hihintayin ko na lang po sa baba."
It was Achilois. Irita kong tinakpan ang mukha ko ng comforter. So what if I heard his voice right there?
"Malelate ka. Di ba may pasok ka mamaya?"
"Ayos lang po. I'll wait..."
"May sakit ata si Brin. Dun ka muna sa baba, bubuksan ko ang kwarto niya."
"Sige po." Halos mahinang sabi ni Achilois. Puno ng pag-aalala ang boses niya at hindi nun tinunaw ang lahat ng nangyari kahapon. Totoo pa ba yan Achilois?
Nang marinig na binubuksan ni Nana ang pinto, agad kong pinikit ang mata. Lumapit siya at agad na hinawakan ang noo ko.
"Sus Ginoo! Inaapoy ka ng lagnat!"
What?
Napamulat ako ng mata at nilingon si Nana. Nakatalikod siya at mukhang may tinatawagan.
"S-ir! Pasensya na po napatawag. Si Miss Brin po kasi may lagnat po... Opo. Sige po. Aalagaan ko po muna bago dumating yung doktor. Sige po."
"Nana. You should not call my father." Mahina kong sabi na ikinalingon ni Nana. Nanlaki ang mata niya at agad na lumapit sakin.
"Ayos ka lang Iha? Anong masakit?" Aniya at hindi pinansin ang sinabi ko.
Umiling ako at tipid na ngumiti. "Malamig lang po... A-yos lang!"
Hinawakan niya ulit ang noo ko at napahinga nang malalim. "Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig sa baba."
Tumango na lang ako. Nakita kong hininaan niya ang aircon saka nagmadaling lumabas ng pinto. Tatawagin ko sana siya ulit para hindi sabihin kay Achilois ang nangyayari sakin pero tuluyan na siyang nakalabas.
Noong bata pa ako, sakitin na talaga ako. Mama always take care of me when I was sick. Nung nag teenager na ako, ganun pa rin...sakitin pero paminsan minsan naman. Kaya hindi nakapagtatakang lalagnatin ako ngayon dahil hindi ako nakatulog nang maayos at umiyak nang umiyak kaya pa nagkasipon.
Pinikit ko nang mariin ang mata at bahagyang napaubo. Ayoko talaga ng ganito!
Inayos ko ang higa ko at tinalikuran ang pinto. Bumungad agad sakin ang alarm clock ko na nagsasabing 8:30am na pala. Achilois' class starts at 8:00am. Hindi siya umalis?
BINABASA MO ANG
First Love To Last (COMPLETED)
Teen FictionHe's my first love and he's my last... She's my last love and first to last... Highest rank #256 in Teenfiction out of 72.6k stories #50 in Text