Dedicated to: JFstories ❤❤
I love you po. Isa ka po sa mga Favorite writer ko dito sa wattpad. Hihihihi.Kabanata 2
H E R A ' S P . O . V .
Hindi pa rin ako makapaniwala na natanggap na ako sa trabaho nang ganoon lang kadali. Pero hindi ko maipagkakaila na masaya ako kasi naman ay may pambili na ako ng feminine wash.
Nakauwi na ako sa bahay para maghanda ng isusuot kong damit para sa trabaho. Mabuti na lang at may nahiram akong corporate attire sa kapitbahay kong mabait dahil kung wala ay wala akong isusuot. Poorita pa naman ako, wala akong pambili ng bagong damit. Tsaka na lang ako bibili kapag nagkaroon na ako ng pera. Napanguso ako habang umuupo sa kama. Hinihintay ko na lang talaga ang tawag mula sa kompanya para
masiguro ko na talagang totoo na natanggap talaga ako sa trabaho.
Nag-unat muna ako bago ako humiga sa kama ko. Napabuntonghininga ako dahil sa sobrang pagod. Matutulog na nga sana ako nang bigla akong napabalikwas ng bangon dahil tumunog ang cell phone ko. Dali-dali ko itong kinuha at walang pagdadalawang-isip na sinagot.
"Hello? Who's this?" kinakabahan kong tanong.
"Can I speak to Ms. Hera Buencamino?" tanong ng babaeng nasa kabilang linya.
Napalunok ako. Hindi ko maiwasang kabahan.
Tanggap na ba talaga ako sa trabaho o tumawag lang sila para sabihing binabawi na nila ang pag-hire sa akin?
Tumikhim muna ako bago ko ito sinagot. "It's me. What can I do for you?" nangangatal ang labing tanong ko. Mabilis ang pagtibok ng puso ko dahil sa pinaghalong excitement at kaba. "I'm Shane Flores from HR Department of Sandoval Corp. I want to inform you that you can start your job by tomorrow. Congrats."
Napatalon agad ako at napasigaw dahil sa sinabi nito.
Oh my God! It's Real. May trabaho na talaga ako. Yes! May pambili na talaga ako ng feminine wash.
Lubos ang sayang nararamdaman ko kaya naman nawala na sa aking isipan na may kausap pa pala ako sa cell phone. Nahihiyang tumikhim ako. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha. Masyado akong nadala sa bugso ng damdamin.
"Uhmm, Ms. Hera? Are you still there?" mahinahong tanong ni Shane. "Ye-yes. Sorry, na-excite lang ako," nahihiya kong paghingi ng tawad. Tumawa lang ito sa kabilang linya.
"Yeah! It's alright. Normal na 'yan. Ganiyan din ang reaksyon ng iba kong natatawagan. By the way, I have to go. Congrats ulit," pagpapaalam nito. Pagkasabing-pagkasabi ko ng 'bye' ay naputol na agad ang linya.
Sa sobrang saya ko ay hindi ko na naiwasang magtatalon sa kama. "Yes! May trabaho na 'ko. Sa wakas ay may pambili na rin ako ng feminine wash," masayang sigaw ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomanceThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...