Kabanata 27
Kasalukuyan kong ipinapasok ang aking mga gamit sa bag. Mabilis ang bawat pag-galaw na ginagawa ko, kailangan ko na kasing magmadali dahil kanina pang nag-hihintay sina Mich sa parking lot.
Kanina pa sana ako nakapunta sa parking lot pero ilang minuto pa akong napatulala ng matagal dahil sa pag-iisip kay Boss Tyron. Hindi pa kasi siya natawag at nagtetext sa akin. Pa-tatlong araw niya na akong hindi ki-no-kontak. Kagabi pa ako hindi mapakali sa kakaisip na baka may nangyari na sa kaniyang masama. Sinubukan ko s’yang tawagan at i-text pero hindi niya naman sinasagot kaya maghapon na akong lutang sa pag-aalala sa kaniya.
Malalim na humugot ako ng hininga. Baka busy lang talaga siya. Ipinilig ko ang aking ulo para maalis siya sa aking isip. Kahit sandali lang. Ayoko munang mag-alala.
Napatingin ako sa damit na suot ko.
Ayos lang kaya ang suot ko? Baka mamaya pagtawanan ako ng mga tao sa bar.
Napabuntong-hininga ako sa naisip. Dapat talaga nagdala ako ng extrang damit eh. Para tuloy akong manang sa suot ko.
Kinuha ko na agad ang aking bag para umalis. Hahakbang na sana ako para maglakad nang bigla akong may naramdamang presensya sa likuran ko. Nanigas ako sa aking kinatatayuan. Bakit yata biglang lumamig dito?
Tutuloy na sana ako sa pag-lalakad ng bigla akong mapatalon sa sobrang gulat. Mayroon kasing humawak sa kaliwang balikat ko. Kinakabahang napalunok ako ng laway.
"Shit!" madamdaming sabi ko.
Wala naman akong napansing lumabas na tao sa elevator? Ibig sabihin may ano.. Shit! May mu-multo sa likod ko?
Nanigas ako sa aking kinatatayuan, halos panawan ako ng ulirat ng maramdaman ko ang hininga niya sa aking leeg. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.
Ayoko na! Nag-iisa lang ako dito sa taas. Natatakot ako.
Naiiyak na ako sa sobrang takot. Ramdam ko na ang panunubig ng aking mga mata kaya unti-unting nanlalabo ang paningin ko.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking bag. Kailangan kong makaalis dito. Bumilang ako ng tatlo sa aking isipan upang paghandaan ang pagtakbo.
Tatakbo na sana ako papunta sa elevator ng bigla siyang nagsalita.
"Boo, Hera." pananakot niya.
Tatakbo na sana ako paalis ng may napagtanto ako.
Boses ni Mich yun ah?
Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko ang nakangiting babae. Walang iba kundi si Mich. Malawak ang pagkakangiti niya sa akin, sa sobrang lawak ay halos mapunit na ang mukha niya sa pagkakangiti.
Ang takot na nararamdaman ko ay napalitan ng inis. Pinahid ko ang luha sa aking mukha pagkatapos ay hinampas ko siya ng aking dala-dalang bag. Napadaing naman siya sa sakit.
"Anak ka ng bwisit, Mich! Bakit mo ako tinakot? Gaga ka ba? Muntikan na akong mamatay sa sobrang kaba at takot." naiinis na sabi ko sa kaniya. Natatawang ngumisi lang siya sa akin.
"Ha? Teka? Tinakot ba kita?" painosenteng sabi niya.
Nagmaang-maangan pa talaga siya! Naiinis na inirapan ko siya at tsaka siya sinagot.
"Gaga! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot. Kainis ka! Akala ko may multo na sa likod ko. Muntik na akong atakihin sa puso sa sobrang takot.
"Haha! Eh kasi naman nakakaaliw kang takutin. Natatawa ako sa reaksyon mo.Para kang natatae. Hahaha!" pinanlakihan ko s’ya ng mata dahil sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomansaThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...
