Kabanata 36

160K 2.8K 215
                                    

Kabanata 36

Nagkandarapa ako sa pagtakbo para magtungo sa pintuan. Ilang katok pa sa pinto ang narinig ko bago ako makarating dito.

Inihanda ko muna ang aking malawak na ngiti at binuksan ko  ang pinto. Bumungad agad sa aking harapan ang sobrang gwapong mukha ni King Tyron. Mas lalong lumawak ang pagkaka-ngiti ko nang makita ang dala niyang isang pirasong rose na kulay pula.

Ang bilis naman niyang bumalik. Iisang oras pa lang ang nakakalipas mula noong umuwi s’ya sa condo niya upang kuhanin ang kaniyang dadalhin na mga gamit.

"Kamahalan, ang bilis mo ah! Nagmadali ka sigurong makabalik dito. Sus, namiss mo yata agad ako eh." pambungad na sabi ko sa kaniya.

Tumingin lang s’ya sa akin pagkatapos ay inayos niya ang kaniyang magulong buhok. Napanganga ako ng kaunti sa kaniyang ginawa.

Ang hot niya talaga!

"Yeah?" matipid na patanong niyang sabi.

Ang aking naka-awang na labi ay napalitan ng pag-nguso dahil sa kaniyang itinugon.

Sus, tinotopak na naman yata. Ang tipid na naman niyang magsalita.
Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto upang papasukin s’ya. Napaismid naman ako nang magtuloy-tuloy lang s’ya sa pag pasok sa loob ng aking apartment. Grabe talaga sya! Ni-hindi man lang niya hinintay na sabihin kong 'Pasok ka'. Hay nako! Masyado s’yang feel at home sa bahay ko.

"Tyron" mahinang tawag ko sa kaniya. Kunot-noo niya akong nilingon kaya napangiwi ako.

Akala ko naman i-aabot niya sa akin yung rosas pero ang hinayupak nilampasan lang ako. Nakalabing ibinaba ko ang kamay kong nakalahad.

"Why?" nalukot ang mukha ko dahil sa maikli niyang sagot.

"WALA" madiing sabi ko habang iniirapan s’ya.

Hindi talaga marunong makiramdam ang taong ito. Nakalimutan niya bang ibigay 'yung rosas o talagang nangti-trip lang talaga s’ya.

Ibigay mo na kasi sa akin. Nahiya ka pa. Gusto kong sabihin iyan pero nahiya ako. Baka kasi isipin niya na atat na atat na akong makuha yung rosas. Muling nanulis ang nguso ko sa naisip.

Kinuha niya agad ang aking duffel bag na nakapatong sa may upuan. Walang kahirap hirap niya itong binitbit na para bang wala itong laman.

Grabe! Halos mamaluktot na nga ako sa pagbuhat nun dahil sa sobrang bigat nang dala kong mga damit pero binuhat niya lang ito ng walang kahirap hirap. Anak ng! Parang bulak lang iyong binitbit niya. Edi s’ya na! Siya na ang malakas.

Marami akong dalang damit kaya naman punong puno na ang duffel bag ko. Nadala na kasi ako dati noong wala akong kadala-dala na damit. Mahirap na! Baka mamaya ay ibili na naman ako ni Boss Tyron. Ayoko noon noh. Nakakahiya! Mas maigi na iyong madaming dala at laging handa!

M

abilis niya akong nilapitan at walang ano anong hinawakan niya ako sa kamay. Nahigit ko ang aking hininga dahil sa gulat. Napatingala ako sa kaniya at tinitigan s’ya sa mukha. Napansin ko ang pagkislap ng asul niyang mga mata. Napalunok ako nang hindi oras.

Shit! Bakit ganiyan s’ya makatingin? Parang sabik na sabik s’ya ah? Napakagat labi ako habang umiiwas nang tingin sa kaniya. Doon ako tumingin sa isang piraso ng rosas na hawak niya.

Ayos din s’ya ah. Ang daming bitbit. May rosas at bag tapos hawak pa yung isa kong kamay. Hindi man lang nahirapan. Ibigay mo na kaya sa akin yung rosas.

Napabalik ako sa realidad nang bigla siyang tumikhim. Muli akong napatingala sa kaniyang mukha.
Hinalikan niya muna ang aking kamay pagkatapos ay binitawan niya ito at ibigay sa akin ‘yung rosas. Malawak akong napangiti sa kaniyang ginawa.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon