Kabanata 38
"Welcome back, Your Highness." sabay sabay na bati ng mga empleyado sa resort habang nakangiti.
Sila agad ang bumungad sa amin pagkapasok palang namin sa resort. Sampung empleyado ang nakapila sa aming harapan at nakayuko sila habang nabati sa amin ng magandang araw. Pagkatapos noon ay may isang babeng lumapit sa amin, nag-bow muna s’ya sa harap ni Boss at akmang sasabitan s’ya ng bulaklak sa leeg nang bigla niya itong patigilin. Muli namang yumuko yung babae at humingi ng tawad. Mabilis namang nakalapit sa akin yung babae at nilagyan niya ako ng kwintas na bulaklak sa leeg. Nakangiting nagpasalamat ako sa kaniya na s’yang sinuklian niya din ng ngiti. Sinundan ko s’ya nang tingin, at bumalik lang siya sa dati niyang tayo.
Nilingon ko si Boss na nakatayo lang sa tabi ko habang nakahalukipkip. Walang mababasang emosyon sa mukha niya at tanging ka-seryosoham lang ang makikita dito.
Hindi pa ba ako masasanay, eh halos lahat naman ng tao ay sinusungitan niya. Sa akin lang naman yata siya may paki-alam at nagpapakita ng kaniyang ngiti, kasalawan, at kamanyakan.
Sinitsitan ko s’ya para makuha ko ang kaniyang atensyon. Hindi nga ako nagkamali dahil agad s’yang lumingon sa akin.
"Bakit hindi mo tinanggap? Ang sama ng ugali nito." may kahinaang saad ko sa kaniya.
"I'm allergic to flowers." sabi niya at nagsimula na s’yang lumakad kaya sumunod naman ako sa kaniya.
Napasinghap ako sa ipinaalam niya. Hindi ko alam na allergic pala s’ya sa bulaklak ngunit agad nangunot ang noo ko nang may maisip.
May allergy pala s’ya sa bulaklak pero bakit hindi ko alam?
Teka, diba binigyan niya ako kanina ng bulaklak? Niloloko niya ba ako? Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang may naalala.
"Allergic ka pero binigyan mo ako kanina ng rose." naguguluhan na saad ko.
"Except roses. I'm not allergic to that flower." tila walang pakialam na paliwanang niya.
May ganon pala?
"Ah ganun ba... Eh bakit hindi mo sinabi sa akin na allergic ka pala sa ibang bulaklak?"
Buti na lang hindi ko s’ya binibigyan ng bulaklak. Balak ko pa sana s’yang ibili ng bulaklak para ilagay sa kaniyang condo at ilalagay ko sana sa kaniyang flower vase na walang laman.
"You're not even asking, so why bothered to tell you." pilosopong sabi niya.
Napaismid naman ako sa isinagot niya. Umiral na naman ang pagiging masungit niya.
"Edi wow!" may konting inis na bulong ko.
Hindi niya yata narinig ang sinabi ko kasi hindi niya naman ako sinagot.
Hindi ako mapakali sa tabi niya dahil may gusto akong itanong sa kaniya. Kinagat ko ang aking kuko sa daliri habang nag iisip.Itatanong ko ba, o huwag na lang?
Malalim na hininga ang pinakawalan ko nang mapagpasyahan kong itanong sa kaniya ang bumabagabag sa akin.
Nilakasan ko na ang loob ko sa pagtatanong.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomanceThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...