Kabanata 16

189K 3.3K 118
                                    

Kabanata 16

Walang pag-aalinlangan na nag-lakad ako patungo sa kinaroroonan ng Bata. Madami na ang tao sa mall kaya sinisikap kong hindi mawaglit sa paningin ko ang mag-ina na hinahabol ko. Hindi ko ininda ang mga taong nakakabangaan ko sa sobrang pag-mamadali.

Kailangan kong makausap ang batang iyon. Dahil alam kong siya lang ang makakapagturo sa akin kung sino ang lalaking nagbigay ng mga bulaklak na ito. Malakas ang pakiramdam ko na nandito pa siya sa mall. Gusto kong malaman kung sino ba s’ya at bakit parang kilalang kilala niya ako?

Malapit na akong makalapit sa mag-ina nang biglang may tumawag sa akin. Hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Nang makalapit na ako sa kanila ay tinawag ko agad sila.

Lumingon silang mag-ina. Ngumiti sa akin 'yung batang lalaki. Masigla itong kumaway sa akin. Binilisan ko pa ang paghakbang ko. Wala pang isang minuto ay nasa unahan ko na sila.

Hinihingal na lumuhod ako sa harapan nila. Inilapag ko ang dala kong bulaklak para mahawakan ko ang magkabilang balikat ng bata.

"Hey kiddo. May itatanong lang ako sayo. Ayos lang ba?" ngumiti lang siya sa akin at tsaka tumango. Sinuklian ko ang ngiting ibinibigay niya sa akin.

"Itatanong ko lang sana sa'yo kung sino ‘yung nag-utos sa'yo na ibigay ito sa akin? Pwede mo ba s’yang ituro? Nandito pa ba s’ya sa mall? Anong suot niya? Pwede mo ba s’yang i-describe sa akin." Sunod-sunod na tanong ko sa bata. Tumango lang siya sa akin bilang pagpayag.

Magsasalita na sana siya nang biglang may nagsalita sa likuran ko. Hindi ko s’ya nilingon nanatili ang mga mata ko sa bata. Kilala ko na ang boses ni Boss kaya alam kong s’ya ang nasa likuran ko. Hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin. Galit parin ako sa ginawa niyang pang-iiwan sa akin.

Hinihintay kong magsalita 'yung bata pero nakatingin parin ito kay Boss. Nakakunot ang noo ng bata, tila naguguluhan.

“It’s not you.” Mahinang sabi noong bata habang umiiling.

Naguguluhan man ay ipinagsawalang bahala ko na lang ang sinabi niya.

Kinuha ko ang atensyon niya. Bumalik ang mga mata nito sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.

"Andito pa ba s’ya sa mall?" mahinang tanong ko dito.

"Opo. Nakita ko pa po kasi s’ya matapos ko pong ibigay sa iyo ‘yung bulaklak. Nag-okay sign pa nga po s’ya sa akin eh." magalang na sagot niya. Lumingalinga ito sa paligid para maghanap.

Nagulat na lamang ako nang biglang may humila sa akin patayo. Iniharap niya ako sa kaniya. Ang una kong nasilayan ay ang kaniyang mukha. Bakas dito ang pinaghalong galit at inis. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa akin pero kahit galit siya hindi mo mapagkakaila na gwapo parin s’ya. Napaismid ako.

Ano ba naman 'yan. Kahit galit siya at nakabusangot ang kaniyang mukha ay gwapo parin s’ya. Nasaan ang hustisya? Pag gan’yan ang mukha ko ay lagi na lang akong pinagtatawanan. Ang panget ko daw kasi pag ganu’n ang reaksyon ko. Kaya naaalibarbaran sila sa akin. Tinitigan ko s’ya sa mga mata niya. Yung mga mata niyang nanlilisik na masarap tusukin ng toothpick.

Napangisi ako sa naisip. Ang sama talaga ng ugali ko. Tatalikuran ko na sana ulit s’ya para tingnan ‘yung bata pero ikinulong niya na agad ako sa mga bisig niya. Namula ako sa ginawa niya.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon