Kabanata 47
Natapos na siyang magluto. Pinagmamasdan ko lang siya habang naghahain siya sa lamesa. Nawala ang atensyon ko sa kaniya nang maamoy ko ang mabangong ulam. Napatingin ako sa sinigang na hipon. Napalunok ako ng laway. Hindi ko na napigilan pa at kumuha na agad ako ng kutsara para kumuha ng ulam.
Hinipan ko ito at nang lumamig ito ng konti ay kinain ko na agad ang hipon. Habang abala ako sa pagkain ay narinig ko ang tawa ni King Tyron.
"Huwag puro ulam. Kumain ka din ng kanin." tumatawang sabi niya habang sinasandukan ako ng kanin.
Nang mapansin kong sobrang dami ng inilalagay niya ay pinigilan ko na agad siya. "Tama na. Baka hindi ko maubos ‘yan."
Nakangiti na tumigil siya. Umupo na din siya sa harapan ko at nagsandok ng kakainin niya. Iniiwas ko na ang tingin ko sa kaniya at ipinagpatuloy ko na ang aking pagkain.
Naging tahimik kami habang kumakain. Patapos na ako nang mapatingin ako sa kaniya. Namilog agad ang aking mga mata nang makita ko siyang kumakain ng hipon. Napatingin din ako sa kanyngang pinggan. Ang daming pinagbalatan ng hipon. Napasigaw tuloy ako sa sobrang takot.
"Hoy! Iluwa mo 'yan! Allergic ka sa hipon, diba! Bakit ka nakain niyan? Nababaliw ka na ba?" eksaherada kong sigaw habang inaagaw sa kaniya ang kinakain niyang hipon.
Naguguluhan naman siyang napatingin sa akin tapos ay nakita kong nanlaki ang kaniyang mga mata. Narinig ko ang mahina niyang pagmumura.
"Gago. Oo nga pala." mahina na sambit niya na hindi ko narinig.
"Ano..tinikman ko lang." nakangiwi na sagot niya habang nagkakamot ng batok.
"Tinikman? Baliw ka ba? May allergy ka dyan tapos tinikman mo? Paano kung atakihin ka ng allergy? Ano ba, Tyron! Mag-isip isip ka nga!" may inis sa tono na sigaw ko.
Nag-aalalang nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang kaniyang mukha upang tingnan ang kaniyang mukha pati katawan. Pinagmasdan ko nang maigi ang mukha niya. Wala naman akong napansin na kakaiba kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Inalis ko ang kamay ko na nakahawak sa kaniya at lumayo ako ng konti. Nakita ko siyang nakangiti ng tipid.
"Nag-aalala ka?"
Inirapan ko s’ya at pinanlakihan ng mata. "At talagang tinanong mo pa 'yan. Syempre nag aalala ako sa'yo. Paano kung hindi ka makahinga tapos mamatay ka? Sinong magiging ama ng anak ko?" mataray na tanong ko sa kaniya.
Nakita ko siyang ngumiti ng tipid. "Hindi ako mamamatay kahit kumain pa ako ng isang dosenang hipon."
"Bwisit ka! Isang dosena ka d’yan. Sabi mo nga sa akin dati ay isang hipon lang ang nakain mo tapos halos mamatay ka na. Mabuti na lang at hindi ka napuruhan ngayon! Sinuwerte ka lang. Sige kain pa! Nang mamatay ka na sa susunod." naiinis na angil ko sa kaniya.
Nagbiro pa siya. Hindi niya ba alam na lubos akong nag-aalala. Hindi na yata nag iisip si Fucking Tyron ngayon. Nagiging tanga na siya. Gusto pa yatang magpakamatay ng hudas na ito.
Tumalikod ako sa kaniya at naiinis na lumakad ako papunta sa sala. Nang makalayo ako sa kaniya ay narinig kong may ibinulong siya na hindi ko naintindihan.
"Muntik na."
"Anong binubulong mo d’yan?" sigaw ko habang lumalakad.
![](https://img.wattpad.com/cover/55740369-288-k350239.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomanceThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...