Kabanata 42

146K 3.4K 603
                                    

Kabanata 42

Ilang oras na ang lumipas pero hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa lugar kung saan niya ako iniwan na luhaan at nasasaktan. Gustuhin ko mang umuwi ay hindi ko magawa. Madalang ang sasakyan na nadaan sa parteng ito, at halos lahat ay punuan. Tsaka wala akong pamasahe, sapagkat naiwan ko ang aking bag sa kaniyang kotse. Tinamaan nga talaga ako ng kamalasan ngayong araw na ito.

Napabuntong hininga ako. Kahit papaano ay umaasa parin ako na babalikan niya ko. Kahit alam kong hinding hindi niya gagawin. Sino ba naman ako para balikan niya? Isang hamak na sekretarya niya lang naman ako. Isang hamak na parausan at laruan niya lang. Mas mahalaga kasi sa kaniya 'yung babaeng mahal niya, kesa sa akin na pampalipas oras lang niya.

Sa naisip ko ay lalo akong napaiyak sa sobrang sakit. Ilang taon na ba akong nagpapaka-tanga para sa kaniya? Isa't kalahating taon? Sa sobrang tagal ay hindi ko na matandaan. Nakakainis lang isipin na nagpakatanga ako sa kaniya kahit alam kong walang kami, at ngayon ay lubos akong nagsisisi na minahal ko siya, at higit sa lahat ay lubos akong naghihinagpis dahil ibinigay ko sa kaniya ang lahat. Ang katawan ko, at ang puso ko.

Naniwala kasi ako sa mga mabubulaklak niyang salita, sa mga pag-aalala at pagseselos na kaniyang ipinapadama. Akala ko totoo. Iyon pala ay umasa ako sa mali. Naniwala ako sa mga kasinungalingan niya, kaya nahulog ako sa kaniya ng sobrang lalim na hindi ko na alam kung magagawa ko pa bang makaahon.

Napahagulhol lalo ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Grabe, pati ba naman ulan ay dinadamayan ako sa pighating nararamdaman ko, at sinasabahayan ako sa aking kalungkutan. Sumikip ang dibdib ko sa sakit. Mas lalo kong isinubsob ang mukha ko sa aking tuhod. Patuloy akong umiyak habang dinadamdam ang sakit na may halong pag-hihinagpis.

Dinama ko lang ang bawat patak ng ulan na tumutulo sa aking katawan. Hindi ko alintana ang panginginig na nararamdaman. Wala na akong pakialam kung magkasakit man ako, alam ko naman kasi na walang mag-aalala sa akin, at higit sa lahat ay walang nagmamahal sa akin.

Lalo tuloy akong nasasaktan. Pakiramdam ko ako yung pinaka malas na tao pag dating sa buhay pag ibig. Naging mapagbigay, Nagpaabuso sa kabaitan, at higit sa lahat ay nasaktan ng sobra sobra.

Ilang beses ko nang nasabi sa sarili ko ang mga katagang ito ngunit hinding hindi ko talaga maiwasang sabihin ng paulit-ulit.

Ang tanga tanga ko talaga! Sobrang tanga ko!

Bakit ba sa dinami dami ng tao sa mundo. Doon pa ako napamahal sa taong alam kong hinding hindi ako kayang mahalin. Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Dapat ay hindi na lang puso ang pinairal ko kundi ang utak para hindi ako humantong sa ganitong pangyayari. Nasasaktan at lumuluha.

Nagdasal ako. Nakiusap ako sa panginoon na sana ay alisin niya ang lahat ng sakit at pighating nararamdaman ko. Na sana ay bigyan niya ako ng lakas para malampasan ang sakit sa aking damdamin na nakakamatay. Lubos kong ipinagdasal na sana ay maging maayos na ang lahat.

Na sana ay bigyan niya ako ng sign kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagmamahal ko sa kaniya at ang pagpapakatanga ko, o titigil na lang dahil iyon ang makakabuti.

Pero habang nagdadasal ay napaisip ako. Hindi ko maiwasang mapahikbi dahil sa napagtanto. Madiin kong ipinikit ang aking mga mata.

Taimtim na nagdadasal habang nakasubsob sa aking tuhod at lumuluha. Lubos akong nagsisisi at paulit ulit na nanghingi ng tawad sa kaniya.

Bakit ngayon ko lang ulit siya nilapitan? Bakit nakalimutan kong alalahanin ang Diyos na laging nasa tabi ko. Lubos akong nagsisisi na nakalimutan ko siya simula noong madaming nangyari na magaganda at masasaya sa buhay ko. Nahihiya ako sa kaniya sapagkat tsaka ko lang siya naaalala tuwing may problema ako.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon