Kabanata 33
Nag-iwas ako nang tingin kay Boss Tyron nang magtama ang aming mga mata. Muli kong ibinalik ang atensyon sa harapan at pinilit kong pinapakinggan ang sinasabi noong lalaki na s'yang nagsasalita sa unahan. Marami s'yang ipinapaliwanag kay Boss Tyron at pati na rin sa ibang board members na kasama namin dito sa conference room pero kahit isa ay wala parin akong maintindihan.
Hindi kasi pumapasok sa aking utak ang kaniyang mga sinasabi sa kadahilanan na iba ang tumatakbo sa isip ko. Sino pa ba? Edi si King Tyron Sandoval. Siya lang naman ang nakakapagpabaliw sa akin eh. Siya lamang ang nag-iisang lalaki na laging tumatakbo sa isip ko.
Nakapwesto kami sa may dulong bahagi. Kung saan kitang kita namin ang lahat ng board members ni Tyron. Mahaba ang lamesa kaya naman may kalayuan ang pagitan ng bawat isa pwera na lang sa aming dalawa ni Boss. Wala namang nakakapansin na medyo malapit ang upuan namin sa isa't isa marahil ay busy lang talaga sila sa pakikinig.
Nasa tabi ako ni Tyron kaya naman nagagawa niyang himasin ang aking hita na nasa ilalim ng lamesa. Pasimple niya itong ginagawa kaya naman hindi kami napapansin ng ibang taong kasama namin dito sa conference room. Lahat ng board members ay taimtim na nakikinig sa lalaking patuloy na nagsasalita.
Pinigil ko ang kaniyang kamay na humahaplos sa aking hita at kinuha ko ito para hawakan. Pinagsiklop ko ang aming mga kamay. Pasimple akong tumingin sa kaniya at nakita ko siyang nakangisi habang naka-tingin sa unahan na kunwari ay nakikinig.
Eiii. Magka-holding hands kami sa ilalim ng lamesa. Kinikilig ako. Malanding sabi ng utak ko.
Nakangiting napailing ako. Pagkatapos ko s'yang tingnan ay muli kong ibinalik ang tingin sa unahan. Sakto namang sumulyap sa pwesto namin iyong lalaking nagsasalita at kinausap si Boss Tyron. Bumaling ako nang tingin sa katabi at nakita kong wala na ang nakapaskil na ngiti sa kaniyang mukha at napalitan na agad ito ng seryosong reaksyon.
Ang galing talaga ni Boss magpalit ng reaksyon. Ang bilis.
"Mr. Sandoval, May gusto po ba kayong idagdag sa plano tungkol sa pagpapatayo niyo ng resort sa Palawan? May iba pa po ba kayong gusto?" magalang na tanong noong lalaki.
Napansin kong nagtinginan sa direksyon namin ang lahat ng board members. Bigla akong naramdaman ng panlalamig. Napalunok ako dahil baka may makapansin na magkahawak kami ng kamay pero para akong nabunutan ng tinik nang makita kong wala naman silang nahahalatang kakaiba sa amin. Hay salamat naman.
Tumikhim muna si Boss Tyron at tsaka nagsalita. "I don't have any questions. Malinis naman ang pagkaka-paliwanag mo, but i just want to clarify some things." seryosong sabi ni Tyron na nakakunot noo.
Tumingin ako doon sa lalaki ay nakita ko kung pano siya nanigas sa tayo niya. Pansin ko rin ang pagtulo ng pawis sa noo niya kahit na sobrang lakas ng aircon dito. Siguro ay kinakabahan s'ya ng todo. Sino nga bang hindi kakabahan kung kasama mo sa isang kwarto ang ruthless niyong Boss. Kung hindi lang kami close nitong si Tyron, paniguradong manginginig ako sa kaba pag nakasalamuha ko s'ya ng matagal.
Napangiwi ako. Halos lahat yata ng empleyado niya ay takot sa kaniya. Dahil pag may nakakasalubong kaming empleyado ay yuyuko agad sila at babati kay Boss pagkatapos noon ay nagmamadali na silang umalis.
"Ano po 'yun, Mr. Sandoval?" nakangiwing tanong noong lalaki. Halata sa kaniya ang kaba.
"It's about the materials that we're going to use. Bakit mumurahin ang gagamitin natin kung pwede namang mamahalin?! Hindi porket mura at maganda ang kalidad ay iyon na lang. I don't want that shit! I want my resort to be the best! Palitan niyo ng mahal ang mga materyales, iyong maganda ang kalidad. At higit sa lahat, Ayokong tinitipid niyo ang pondong ibinigay ko! Gusto kong gastusin niyo ang lahat ng pera sa resort na ipapatayo ko! Don't fucking dare to corrupt my money again, Mr. Alonzo! Do that again and i'm sure sa kulungan ka babagsak. Do you understand that?" nagtatagis na bagang sabi ni Tyron habang ang ibang tao naman ay nagtinginan kay Mr. Alonzo na nanlaki ang mga mata.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomanceThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...