Kabanata 8

216K 4.7K 197
                                    

Kabanata 8

Naka-halumbaba lang ako sa lamesa ko ngayon. Wala kasi akong masyadong gagawin dahil wala si Sir Tyron. May pupuntahan daw siya ngayong araw, at dahil wala s'ya ay may pagkakataon akong magpahinga.

Sa wakas makakapag-day off ako ngayon kahit isang araw lang. Nandito man ako sa trabaho, atleast parang rest day ko kasi walang mag-uutos sa akin.

Tiningnan ko agad ang relo ko. Alas-nuwebe palang ng umaga pero gusto ko na agad umuwi. Isang oras pa lang akong nandito pero gusto ko nang matulog ulit.

"Ano ba ‘yan! Nakakabagot naman dito. Kung pwede lang na umuwi nang maaga e'di sana naghihilik na ako ngayon sa kama." nakalabi kong sabi sa sarili.

Dahil sa wala akong magawa, ang pinagtripan ko na lang gawin ay ang pag-gagawa ng eroplano gamit 'yung mga papel na nakakalat lang sa lamesa ko. Hindi na naman gagamitin 'to kaya no problem.

Hindi pa ako nakakagawa ng sampung eroplanong papel ay itinigil ko na din agad ito.

Sinabunutan ko ang sarili ko. Mukha akong bata sa ginagawa ko ah! Ang boring.

Kung pwede lang akong umuwi pero wala namang magbabantay dito kasi wala si Boss kaya wal--teka teka wala si Boss kaya pwede akong umuwi. Walang taong makakapansin na umuwi ako dahil wala namang napunta dito sa taas at paniguradong hindi naman ako isusumbong ng mga katrabaho ko. Kaya hindi malalaman ni Sir Sungit na umuwi ako sa oras ng trabaho.

Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at mabilisan kong isinabit ang bag ko sa aking balikat.

Matapos iyon ay excited akong tumakbo papuntang elevator. Pakanta-kanta pa nga ako habang hinihintay na tumaas 'yung elevator. Habang naghihintay ay pangiti-ngiti ako.

Bakit ngayon ko lang naisip 'yun? Ang slow ko talagang mag-isip pero ayos lang 'yan, maganda pa rin naman ako.

Habang naghihintay ako ay madami na agad akong naisip na gagawin mamaya. Maglilinis muna ako ng apartment at tsaka magluluto ng masarap na tanghalian at pagkatapos noon ay matutulog na agad ako hanggang gabi.

Paniguradong nagningning ang mga mata ko sa sobrang excited. Sa wakas makakabawi narin ako ng tulog. Ilang araw na ba akong walang tulog dahil d’yan sa mga pinagagawa ni Sir Panget, marami na kaya hindi ko na mabilang.

Naputol ang pag-iisip ko dahil sa tunog ng elevator. Hinahanda ko na ang sarili ko dahil excited na akong pumasok sa loob kahit nakasarado pa. Hinihintay ko itong bumukas.

Dahan-dahan itong bumukas pero halos mahulog ang panga ko dahil sa lalaking nakasakay dito. Napaatras pa ako nang hindi oras dahil sa tingin na ibinibigay niya sa akin.

Tokwang may taoge nga naman.
Minamalik mata ba ako o talagang si Sir Tigre Sungit itong nasa loob ng elevator.

Siya nga! Paktay!

"S-sir h-hehe" napalunok ako. Todas!

"Where do you think you are going huh?" malamig ang boses na tanong niya.

Napangiwi ako at napasabunot ako dahil sa inis. Tumalikod agad ako bago ko s'ya sagutin.

"Ah! H-haha saan nga ba?" nakatalikod kong sagot habang nag-iisip ng magandang palusot.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon