Kabanata 14

194K 3.9K 306
                                    

Kabanata 14

Malawak ang mall na pinuntahan namin. Sa sobrang lawak ay halos hindi mo na malilibot ang buong mall sa isang araw lang. May mga rides din na pwedeng sakyan ng mga bata at mga matatanda.

Maraming mga tao ang namamasyal sa mall kaya napahigpit ang kapit ko sa tuxedo ni Boss dahil baka mamaya ay maligaw ako. Paniguradong hindi na ako makakalabas dito.

Maraming tao ang nakatingin sa aming dalawa. Wari'y pinagmamasdan ang bawat galaw namin. Karaniwan sa mga tumitingin sa amin ay mga babae. Kada lumalampas kami sa kanila ay lagi silang nagbubulungan. Minsan nga ay nakikita kong iniirapan ako ng mga babaeng nakakasalubong namin at tsaka sila tatawa na para bang nang-i-insulto. Gusto kong umiwas o kaya magtago pero hindi ko magawa.
Naiilang ako dahil hindi ako sanay sa ganitong senaryo. Lalo na't medyo takot din ako sa tao. Pero medyo nawawala ang kaba ko dahil hinawakan ni Boss ang aking braso. Kaya kahit papaano ay nakakakuha ako ng lakas ng loob para lumakad.

Mabagal akong lumakad kaya nasa likod niya ako. Sa sobrang bagal kong maglakad ay nainis na yata siya kaya niya ako kinaladkad.

Napansin kong patungo kami sa isang boutique kung saan maraming mga damit na mamahalin. Napangiwi ako nang makitang isang kilalang store ng mga damit ang aming pupuntahan. Ito 'yung mga damit na sinusuot ng mga sikat na artista.

Naku, parang alam ko na ang mangyayari. Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin pero mas hinihigpitan niya pa lalo ang pagkapit sa aking braso.

Huwag niyang sabihing diyan niya ako ibibili ng damit. What the heck. Ayoko ng branded. Susme. Hindi ko keri 'yan.

"Boss, huwag d’yan. Mahal d’yan." nag-aalangan na sabi ko sa kaniya. Hindi naman niya ako pinansin at nagdere-deretso lang siya sa paglalakad. Halos kaladkarin niya na nga ako.

Ano ba, nasisira ang beauty ko sa pagkaladkad mo. Hindi na ba uso ang Holding Hands While Walking? Ano ‘yun? Kaladkaran na ang uso. Kaloka.

Gustong gusto kong sabihin iyan pero hindi ko na lang sinabi. Baka mamaya ay barahin niya pa ako.

Dahan dahan lang o dahan dahan. Dahan dahan lang.

Kakantahin ko na sana iyan kaya nga lang naihiya na agad ako. Hindi ko na lang ginawa baka kasi mamaya bigla nalang magka-delubyo. Wala pa naman akong talent sa pag kanta. Baka paltukin lang ako ng kamatis dito at pagtawanan pa nila ako.

"Teka, Boss huwag d’yan. Mahal diyan eh wala nga po kasi akong pera. Hindi ko afford ang bilihin diyan." tumigil siya sa paglalakad para harapin ako.

"May sinabi ba akong ikaw ang gagastos. Huwag kang mag-alala ako ang magbabayad ng lahat ng bibilhin mo. Alam ko namang wala kang pera." mapanghusga na sabi niya.

Aba't ang sama ng ugali niya ah!
Tumalikod naman agad siya pagkatapos niyang sabihin 'yun.

Napaismid ako sa sinabi niya. Ipinamukha pa niya sa akin na wala talaga akong pera. Sa inis ko sa kaniya ay inambahan ko siya ng suntok habang nakatalikod siya.

"Naku! Naku, Boss ayokong magka-utang na loob sa iyo no. Baka mamaya pag-ibinili mo ako n'yang mga damit na mamahalin ay bigla mo na lang bawiin pag nagalit ka o kaya naman baka mamaya, ipahubad mo 'yan sa akin pag beastmode ka sa pagmumukha ko. Huwag na uy! Mas pipiliin ko na lang maghubad kesa naman magsuot ng damit na branded oh" napalingon siya sa akin. Tingin na hindi makapaniwala.

"Really, Ms. Buencamino? Mas gugustuhin mo pa talaga ang walang damit na suot? You're unbelievable. Branded na ngang damit ang ibibili ko sayo pero ayaw mo pa" kunot noong sabi niya.

Pinanlakihan ko siya ng mata. Nang mamaliit talaga siya! Feeling ko ay pinapalabas niya pang hindi ko afford bumili ng branded.

Psh! Branded branded ka d’yan.
Hindi ako magsusuot ng ganiyang damit, magkamatayan na. Hindi naman sa choosy ako at maarte pero hindi lang talaga ako sanay na magsuot ng mga mahahalin at branded na damit. Nangangati at namumula kasi ang balat ko. Sanay kasi ako sa mga damit na nabibili lang sa divisoria at ukay. Ganito talaga siguro pag kinalakihan mo na ang isang bagay. Doon ka lang nagiging komportable sa nakasanayan.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon