Kabanata 4
H E R A ' S P . O . V .
Apat na buwan na ang nakalilipas simula noong maging secretary ako ni Boss King Tyron Sandoval, at ang masasabi ko lang ay sobrang sama ng ugali niya, as in sobrang sama! Halos lahat na ng bagay ay ipinag-uutos niya sa akin. Naging instant alila niya lang naman ako dahil sa sobrang dami ng inuutos niya. Kahit nga hindi na sakop ng trabaho ko ay ipinapagawa niya pa rin sa akin at ang malala sa lahat ay pinapagalitan niya ako nang todo tuwing nagkakamali ako.
Katulad na lamang ng paglilinis ng opisina at bahay niya at ang malala ay ang pagiging tagaluto niya. Dinaig ko pa yata ang all around maid slash secretary. Minsan nga ay walang kwentang bagay pa ang iuutos niya sa akin. Hindi naman ako maka-angal dahil paniguradong matatanggal ako sa trabaho. Mahirap pa namang maghanap ng bago at saka nakakapanghinayang dahil malaki naman ang sweldo ko rito. Halos mamatay nga lang ako dahil sa sobrang pagod.
Napatunghay ako mula sa pagkakasubsob sa mesa nang biglang mag-ring ang intercom na nasa tabi ko. Napa-ungot ako habang nagkakamot ng ulo. Naiinis na iniuntog ko nang mahina ang aking noo sa mesa.
Speaking of that fucking boss, maghahasik na naman siya ng lagim. Habang nakasubsob ulit ay kinapa ko ang telepono at walang gana ko itong sinagot.
"Hello," mahina kong bati sa kabilang linya.
"Where's my coffee? Kalahating oras na akong naghihintay d'yan sa kapeng pinapatimpla ko sa 'yo pero hanggang ngayon, wala pa rin? Ano ba'ng ginagawa mo? Do you want to get fired? Ang bagal mong kumilos!" Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng sigaw niya sa akin.
Napangiwi ako dahil doon.
Napatuwid ako nang pagkakaupo nang maalala ko 'yong huling iniutos niya. Patay na! Nagpapatimpla nga pala siya sa akin ng kape. Yari ako! Naku, kaya pala parang may nakalimutan ako.
"Shit." Hindi ko maiwasang mapamura.
Anak ng tokwa! Beast mode na naman si Boss at ako ang may kasalanan. Mapapamura na nga sana ulit ako nang biglang magsalita si Sir Tyron sa kabilang linya.
"Minumura mo ba 'ko? Baka gusto mong tanggalin kita sa trabaho," nanggagalaiti niyang sigaw sa akin.
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa kaniyang sinabi kaya napatayo ako nang wala sa oras. Napalunok din ako dahil sa kaba.
"Hi-hindi po, Boss . . ." kinakabahang sabi ko. Napakagat ako sa aking daliri.
Isip, Hera. Umisip ka ng palusot.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomanceThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...