Kabanata 41
Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalakad ako palabas sa elevator. Alam kong gusot na ang folder na hawak ko dahil sa kagustuhang pigilan ang panginginig ng aking kamay.
Habang kausap ko kanina si Mich ay pinipigilan kong itago ang lahat ng emosyon na nararamdaman ko. Tahimik lang ako na nakaupo sa tabi niya. Imbis na makinig sa sinasabi niya ay iba ang tumatakbo sa aking isip. Tungkol kay Tyron. Tungkol sa kanilang dalawa ng mapapangasawa niya. Totoo ba ang sinabi ni Mich?
Ayokong maniwala pero wala naman akong makitang rason upang mag sinungaling siya sa akin. Hanggang sa matapos kaming kumain ni Mich ay iyon lang ang gumugulo sa isip ko.
Kinakabahan na tiningnan ko ang double door ng opisina ni Tyron. Sarado ito. Taliwas sa dapat na ayos nito. Ayaw na ayaw ni Boss Tyron na sarado ang pinto dahil gusto niya itong nakabukas para makita ako pero sa ngayon ay sarado ito.May nagbago. Alam ko at ramdam ko.
Parang may unting-unti na pumiga sa puso ko. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilan ang sakit na bumabalot sa aking puso. Kung kanina ay kaya ko pang itago ang lahat ng sakit na nararamdaman ko, pero ngayon ay hindi na. Hindi ko na kayang pigilan ang emosyon ko. Hindi ko na kayang pigilan pang itago ang sakit at pangamba na nararamdaman ko. Ikinuyom ko ang palad ko kasabay nang paghugot ko ng malalim na paghinga. Kasunod noon ang pag alpas ng luha sa aking mga mata.Bakit ba ako naiyak? Bakit ko ba s’ya iniiyakan? Lalaki lang naman siya ah. Lalaki lang. Marahan kong pinunasan ang luhang tumutulo sa pisngi ko gamit ang isang kamay, ngunit punasan ko man ito ay tuloy tuloy lang sa pagdaloy ang mga luha ko. Pilit kong pinipigilan pero hindi ko magawa. Masakit eh. Masakit sa puso.
Ramdam ko ang kirot at lakas ng kabog ng puso ko na tila nasasaktan. Ganito ba talaga pag nasasaktan? Parang pinipiga ang puso sa sakit, gustong sumigaw para maibsan ang nararamdaman. OA mang pakinggan pero iyon talaga ang nararamdaman ko.
Nakagat ko ang ibaba kong labi habang naglalakad patungo sa aking lamesa. Ipinatong ko sa lamesa ang folder na hawak ko at pagkatapos ay nanghihina na napaupo ako sa silya.
Magkasama pa kaya sila sa loob?Anong ginagawa nila? Hindi malabong may ginagawa silang kakaiba sa loob. Mag-kasintahan sila eh. Eh kami ngang dalawa na walang label gumagawa ng milagro. Paano pa kaya silang dalawa na magkarelasyon. Sila 'yung magkasintahan eh. Pero kami? Anong meron sa aming dalawa? Wala lang?
Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ko ang masakit nitong pagkirot. Para itong pinupunit sa sakit. Ramdam ko, at mas masakit pa ito noong una. Iba na kasi ngayon eh. Totoo na may iba talaga siya, at ang malala ay ako pala yung extra.
Masakit malaman na mayroon siyang iba at ang katotohanang walang kami. Walang kami. Mas lalong nasaktan ang puso kong naghihinagpis. Muling tumulo ang mga panibagong luha sa aking mga mata.
Tama, bakit ko nga ba kinalimutan na walang kami? Wala siyang sinabi. Hindi siya nanligaw. Ni-hindi rin niya tinanong sa akin kung kami na ba. Wala siyang nilinaw sa relasyon namin. Wala kaming label at hindi kami mag-kasintahan. Walang namamagitan sa amin kundi init ng katawan lang. Laro lang kasi sa kaniya eh. Trip lang siguro niyang paglaruan ang nararamdaman ko dahil wala siyang magawa, at siguro na mimiss niya lang ang kalinga ng kasintahan niya kaya niya ako pinatulan.
Sino nga ba ang papatol sa isang tulad kong sekretarya lang? Sa isang babaeng tulad ko na mahirap lang, dahil malabo. Malabong magustuhan niya ako nang higit pa. Malabong mahalin niya ako.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomanceThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...