Kabanata 12
Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata pero agad ko rin itong ipinikit nang masilaw ako sa liwanag na nanggagaling sa may bintana. Kinusot kusot ko ang mata ko para makapag-adjust ang paningin ko. Nanlaki agad ang mga mata ko ng mayroon akong naalala.
Teka, kailan pa ba ako nagkaroon ng bintana sa kwarto ko? Ang pagkakaalam ko'y sa salas lang mayroong bintana ang apartment na tinitirhan ko.
Napabalikwas ako nang bangon. Hindi ko ito bahay. Nakidnap yata ako. Sisigaw na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan sa may kanang bahagi ng kwarto.
Napatakip ako ng bibig dahil sa sobrang gulat. May lumabas na sobrang gwapo at sobrang kisig na nilalang. Isa siyang greek god. Isang greek god na habulin ng lahat ng kababaihan at pati beki.
Napakagat labi ako. Imbis na iiwas ko ang tingin ko ay mas pinag-igihan ko pa ang pagtitig sa kaniya. Ang gwapo gwapo niya. Napalunok ako nang hindi oras nang makita ko ang pag galaw ng mga muscle niya sa braso.
Mas lalo siyang naging hot sa pagpupunas ng buhok niya. Grabe! Sobrang yummylicious ng boss ko.
Napatingin ako sa may abs niya.
Oh to the M to the G.
Nakakagutom ang 6-packs abs niya. Nakikisama pa sa hotness niya ang ilang butil ng tubig na tumutulo sa dibdib niya pababa sa puson.
Hindi ko napansing nasa ibabang bahagi na ng katawan niya ako nakatingin. Napalaki ang mga mata ko sa nakita.
P-putragis. So-sobrang l-laki n-ng n-nasa pagitan ng mga hita niya. Sobrang umbok ng boxer shorts niya. Napalunok ako. Napakasikip ng boxer niya kaya bakat na bakat ang isang halimaw na nasa loob nito. Para bang galit na galit at gustong makawala. Napanganga pa ako lalo nang bigla itong nagkaroon ng tent sa gitna.
"Potek! Lalabas na siya" madamdaming sigaw ko.
"What the fuck are you saying?" naguguluhang tanong niya.
Napaiwas ako nang tingin. Pa-inosente effect. Ang epic ko talaga lagi.
Hindi ko maiwasang kagatin ang aking ibabang labi. My gosh, Boss. Pwede bang paki-alis sa paningin ko ang halimaw na nanunuklaw. Pati narin ang abs mo. Nakakasilaw masyado.
"Hey, Ms. Hera. Are you okay? Mukhang na nanaginip ka pa yata. Kung ano ano ang sinasabi mo" umalis agad ako sa kama nang makita kong palapit siya.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagpupunas niya sa abs niya gamit ang towel. Napabalik lang ulit ako sa realidad nang mapansin kong naglalakad ulit siya palapit sa akin.
Waaahh. Kahit pinagnanasaan ko siya. Hindi ko pa rin keri na makita ang pinakatatago niyang ari-arian. Mahalay lang talaga ako sa utak pero hindi sa gawa.
"Teka lang, Boss. Huwag kang lalapit." tuloy tuloy lang siya sa paglapit sa akin. Para bang walang narinig.
"Pakiusap, Boss! Huwag mo akong lapitan. Ayoko pang makakita ng halimaw na nakatago sa banga. Please, Boss paniguradong mahihimatay ako pag nakakita ako ng isang halimaw." walang prenong saad ko.
"What? Are you crazy? Bakit bawal kitang lapitan, and what are you talking about? Bangga, what’s that?" natatawang sabi niya.
"At ano bang halimaw ang pinagsasasabi mo? Walang halimaw dito. Multo ang meron" seryosong sabi niya.
Namutla agad ako sa sinabi niya. Multo? Anak ng tokwa. May Mumu dito sa bahay niya. Dito sa tinitirhan niya? Sa hotel niya? Sa mismong tinutulugan ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomantiekThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...
