Kabanata 6

220K 4.1K 101
                                    

Kabanata 6


What's happening to me?

Tulala akong pumasok sa loob ng CR. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ako nagkakaganito tuwing kaharap ko si Sir Tyron.

Nasapo ko ang aking dibdib. Nararamdaman ko kasi ang bilis nang tibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang mag-alala.

Nagkakagusto na ba ako sa kan'ya?

'Huwag naman sana.' naiiling na sabi ko. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin.

Hindi ko maiwasang mag-alala. Paniguradong todas ako pag-nagkagusto ako sa lalaking iyon.

Sa kangkungan ako pupulutin pagnagkataon. Napanguso ako.

"Ano ba, Hera? Sinong may sabing nagkakagusto ka sa kaniya? Kinakabahan ka lang kaya ka nagkakaganiyan. Kaloka 'to. Tsaka asa ka pang magkagusto ka doon. Eh may pagka-monster 'yun eh." pangungumbinsi ko sa sarili ko.

"Are you talking to yourself?" sabi ng isang babae.

Napatingin ako sa repleksyon noong babae sa salamin.

"AAAHHH" sigaw ko. Hindi ko maiwasang mapasigaw nang malakas. Nagtaasan ang mga balahibo ko sa katawan. May multo akong kasama sa banyo.

At ang malala pa ay kinakausap niya ako. Nanginginig na napahawak ako sa lababo. Nakasuot siya ng sobrang puting damit na may mantsa ng dugo. Babaeng may tuwid at mahabang buhok. Sa sobrang puti ng kaniyang balat ay para na s'yang si Snow White. At higit sa lahat ay may nagkalat na parang liquid eyeliner sa mukha niya.

Napalunok ako. Bakit sa lahat ng tao ay ako pa talaga ang napili niyang pakitaan.

Namutla ako nang nagtangka s'yang lumapit sakin. "W-wag, wag kang lalapit sakin."

"Why are you screaming?" naguguluhang tanong niya.

"Mu-multo k-ka" namumutla kong sabi.

"W-what? Sinabi mo bang multo. Nasaan? Waahh! Takot ako doon." namumutlang sabi niya na siyang nakapagpakunot ng noo ko.

Seriously? Takot siya sa kalahi niya?

Agad naman akong nabato sa kinatatayuan ko nang bigla siyang lumapit. Sisigaw na sana ako pero dinambahan niya ako nang yakap.

"Please lumabas na tayo. Ayokong makakita ng multo. Takot ako doon." naiiyak na paliwanag niya.

Para akong binuhusan nang malamig na tubig noong niyakap niya ako.

Bakit hindi siya tumagos?

"T-tao ka?" Tanong ko sa kaniya.

Napahinga ako nang maayos. Akala ko multo. Bakit ba naman bigla bigla siyang nasulpot. Tapos ganoon pa ang itsura niya. Sinong hindi matatakot sa lagay na iyon.

"Oo naman" humihikbi niyang sabi. Iyong nararamdaman kong takot kanina napalitan ng hiya.

Napagkamalan ko pang multo.

"Ah. Haha. Pasensya na ah. Akala ko kasi multo ka eh." Nahihiya na sabi ko habang nagkakamot ng ulo.

Humiwalay naman siya sakin.

"Ganun ba." sabi niya.

Tinitigan ko lang siya. Hindi ko maiwasang tanungin s'ya kung bakit ganun ang ayos niya.

Nakakaawa kasi siyang tingnan. Para kasi siyang pulubi sa sobrang gulo ng itsura niya.

Napailing ako sa aking naisip. Kanina multo ngayon naman ay pulubi. Grabe Hera! Ang dami mong iniisip.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon