Kabanata 49

173K 2.9K 391
                                    

Kabanata 49

"Hera"

Napatigil ako sa akmang pagbaba sa kotse nang bigla akong pigilan ni Mr. Humpy.

Mas gusto kong tawagin si King Tyron na Kamahalan pero ipinilit niyang mas gusto niyang tawagin ko siyang Mr. Humpy. Wala naman akong magawa dahil iyon ang gusto niya.

"Hera" muli niyang tawag sa akin.

Kunot noo akong lumingon sa kaniya. Napansin ko ang bagay na nasa kamay niya. Hawak niya ang isang kulay green na tela na parang balabal. Inilahad niya ito sa akin ngunit hindi ko ito kinuha sa kaniya. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya.

"Aanhin ko iyang balabal?" nalilito kong tanong.

"Isuot mo." mahinang sagot niya.

Sandali akong tumingin sa labas upang tingnan kung mainit ba ang klima pero nang makita kong malilom ay lubos ang pagtatakang ibinalik ko ang tingin sa kaniya. Seryoso ang kaniyang reaksyon habang tinitingnan ako.

Nakalabing umiling ako. "Huwag na. Hindi naman masyadong mainit sa labas."

Sandaling dumilim ang ekspresyon ng kaniyang mukha pero kalaunan ay ngumiti siya ng tipid sa akin habang inilalahad niya ang balabal na hawak hawak.

"Isuot mo na. Sayang naman kung hindi magagamit. Ipinabili ko pa naman ito tapos hindi mo naman pala gagamitin." nangkokonsensya na sabi niya sa akin.

Umirap ako sa kaniya habang kinukuha ang balabal na nakalahad.
Sino bang may sabing bumili ka ng balabal tapos paghindi ko sinuot magtatampo ka. Gusto ko sanang sabihin 'yan ang kaso nga lang ay ayoko nang pahabain pa ang pag uusap namin dahil atat na atat na akong magpa-check up sa doctor.

Habang isinusuot ko ang balabal ay nakatingin lang siya sa akin. Nang matapos ko itong ilagay ay kagat labi ko siyang tiningnan. "Ano masaya ka na?"

Malawak siyang ngumiti sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Oo. Tara na?"

Tumango ako sa kaniya at pagkapos noon ay nauna na siyang lumabas sa kotse. Siya na ang nagbukas ng pinto at inalalayan niya akong bumaba.
Habang naglalakad kami papasok sa loob ng ospital ay naka-akbay siya sa akin. Minsan nga ay inaayos niya ang aking balabal tuwing may nakakasalubong kaming tao. Para siyang hindi magkanda-ugaga sa pag-iwas sa akin sa mga nakakasalubong.

Ano ba? Hindi ka mapakali ah? Para mo akong itinatago niyan eh. Gusto kong sabihin 'yan sa kaniya pero mas pinili ko na lang na manahimik. Baka kasi ayaw niya lang talaga na may makakita ng beauty ko. Takot siguro siyang maagawan.

Sus akala mo naman magpapaagaw ako. Ako pa? Eh mahal na mahal ko si Kamahalan. Asa pa akong humanap ng iba.

M

ahal mo pa ba talaga? Tanong ng isang parte ng pagkatao ko.

Napapairap na lang ako sa tuwing ginagawa niya iyon. Mas pinili ko na lang na hindi magrereklamo. Grabe lang at ang lakas ng trip niya.
Kulang na lang ay isubsob niya ako sa dibdib niya para lang hindi ako makita.

Sumakay kami ng elevator. Dadalawa lang ang sakay kaya naman naging madali ang pagsakay namin dito. Narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Tyron. Bumitaw muna siya sa akin bago niya pinindot ang floor no. 6. Matapos niyang gawin iyon ay ibinalik niya ang pagkaka-akbay sa akin.

Naging mabilis ang elevator kaya naman nakarating agad kami sa floor na pupuntahan namin. Lumabas kami at naglakad. Hinawakan ko ang aking tyan na sobrang laki na. Malakas ang aircon kaya medyo nilamig ako dahil manipis at naka-sleeveless ako. Nakasuot kasi ako ng pambuntis na bistida.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon