Kabanata 18

203K 4K 333
                                        

Kabanata 18
SPG


Mahigit tatlong oras na akong naghihintay dito sa opisina ni Boss Tyron. Inip na inip na ako. Walang minuto ang lumipas na hindi ako mapakali sa iisang tayo. Halos nalibot ko na nga ang bawat sulok ng opisina niya. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko, kung uupo ba ako o tatayo. Para akong bulateng inasinan na hindi mapakali.

Sinulyapan ko ang wall clock na nasa may harapan ko. Alas-kuwatro na ng hapon. Nakakainis. Kung bakit ba naman nag-shut down na iyong walang kwenta kong cellphone, wala tuloy akong mapaglibangan.

Pabagsak na umupo ako sa sofa. Walang pagdadalawang isip na humiga ako dito at dahil nga wala akong hiya itinaas ko na rin pati ang mga paa ko.

Si Boss kasi iniwan niya akong tulala kanina. Nagmukha tuloy akong tanga. At tsaka bakit ba s’ya ganu’n. Pinapaasa niya ba talaga ako. Anak ng tokwa't baboy oh. Akala niya ba ay hindi ako naasa sa sinasabi niya. Ano ba yan, sawang sawa na akong ma-hopia ah.

Sa sobrang pagkaburyo ay umupo na lang ako. Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis na nararamdaman.

Huminga ako nang malalim. Ano bang problema ko? Bakit yata nawawala ako sa tamang katinuan? Hindi ako mapakali sa isang tabi, pati ba naman ang isip ko ay hindi rin matahimik sa kakaisip kay Boss. Umamin lang naman siya sa akin na nagseselos s’ya tapos ganito na agad ang epekto niya sa akin. Grabe, paano na lang kaya kung pagsinta naman niya sa akin ang kaniyang aaminin. E'di for sure, baka sa mental institution na ang bagsak ko.

Hay naku! Hera, umasa ka na naman. Hopia pa more.

Napalabi ako nang hindi oras. "Ganito ba talaga pag nagmamahal? Kahit maliit na bagay binibigyan ng kahulugan? Kinikilig kahit walang dahilan. Napapangiti sa maliit na bagay? Lumalakas ang pintig ng puso pag- nagkatitigan. Minamahal na talaga kita Boss Sungit."

Napakagat ako sa labi para mapigilan ang aking pag ngiti pero halos pagbagsakan ako ng langit at lupa ng biglang mag-sink in sa utak ko ang aking sinabi. Napahawak ako sa bibig ko pagkatapos ay nanlalaki bigla ang mga mata ko.

Teka, sinabi ko bang minamahal ko na s’ya?

Oh Shit. Mahal ko na nga ba s’ya?

"Mahal ko na si Boss?"mahinang bulong ko.

Unti-unti kong inisip kung may nararamdaman ba akong kakaiba nitong mga nagdaang buwan at halos manlumo ako sa naalala.

"Oh, shit!"

Madalas nga akong makaramdan ng mga hindi pangkaraniwan bagay tuwing kasama ko s’ya. Iyong palaging siya ang iniisip ko tapos pag nakikita ko s’ya ay tumitigil ang mundo ko. Sa tuwing magsasalita siya ay napapatulala ako at tsaka parang may mga paru-paro na nagliliparan sa aking tiyan pag nakikita ko s’ya.

Bolta-boltahe ding kuryente ang nararamdaman ko tuwing hinahawakan niya ako. Bumibilis lagi ang tibok ng puso ko tuwing nandiyan siya sa tabi ko. Napatayo ako mula sa pagkakaupo ng may na-realize ako.

“Oh my gosh, Mahal ko na si Boss" impit na sigaw ko. Napasabunot ako sa aking buhok. Nang-gigigil na kinurot ko ang pisngi ko.

Anak ng tokwa! Malas ba ako? Bakit sa lahat ng tao ay sa kaniya pa tumibok itong puso ko. Todas, paniguradong masasaktan lang ako sa kaniya. Kasi naman eh hindi kami pwede. Bakit s’ya pa? Bakit ba kay Boss Tyron pa tumibok ang pihikan kong puso. Anak ni Goku nga naman oh. Bawal kami. Cannot be kung baga. Boss ko s’ya tapos secretary naman niya ako. Sabi nga ng iba, LANGIT s’ya at Lupa ako. Ano ba naman yan, hirap na nga ako sa buhay tapos pinahihirapan pa ako ni kupido.

The Billionaire's SecretaryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon