Kabanata 21
SPG
Kanina pa akong hindi mapakali nang upo dito sa salas. Dalawang oras ko nang hinihintay si Tyron pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nauwi. Napabuntong-hininga ako nang makita kong alas-nuwebe na ng gabi. Dapat ay kanina pa s’yang alas-siyete nakauwi. Nakailang tawag na ako sa kaniya pero hindi naman niya sinasagot.
Hindi ko maiwasang kabahan sapagkat ngayon lang s’ya na-late nang pag-uwi. May masama bang nangyari sa kaniya? Nag-aalala na talaga ako sa kaniya. Sana naman ay ayos lang siya.
Ilang minuto pa akong nag-antay sa kaniya. Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko sa sobrang antok na nararamdaman. Sa pag-aantay sa kaniya ay nakalimutan ko na ring kumain.
Hindi ko pinansin ang pagkulo ng sikmura ko sa sobrang gutom. Pinagsawalang bahala ko lang ito at itinuloy ko pa rin ang pag-hihintay sa kaniya.
"Nasaan ka na ba?" muli ko siyang tinawagan. Pero katulad ng mga nauna ay hindi rin niya ito nagawang sagutin.
Napahilamos ako sa mukha ko. Ngayon alam ko na ang nararamdaman ng ibang tao pag-nag hihintay sila sa mga asawa nila.
Napatingin ako sa kinaroroonan ng Tv. Wala na ang kumot na itinaklob ko dito kanina. Inayos ko na rin sa dati ang mga gamit na pinakialaman ko. Alam ko kasing magagalit siya sa akin pag nakita niyang pinakialaman ko ang mga gamit niya.
Napatakbo ako nang mabilis papunta sa pinto nang marinig ko itong bumukas. Nawala ang pag-aalalang nararamdaman ko ng makita ko s’ya. Nang makalapit ako sa kaniya ay naamoy kong amoy alak siya. Halata sa mukha niya na marami siyang nainom. Lasing na lasing ang Boss ko.
Napangiwi ako. Galing ba s’ya sa Bar?
Nilampasan niya lang ako. Ni hindi niya ako tinapunan nang tingin. Naiinis na sinundan ko s’ya. Nasa salas na kami ng harangan ko siya.
Hinawakan ko ang braso niya. Tinitigan niya lang ako sa mukha.
Maya-maya ay sinuri niya ang kabuuan ko. Hindi ko maiwasang mailang sa kaniya. Suot ko na naman kasi ang damit niya. Mas komportable kasing isuot. Nang maligo ako kanina ay naisipan kong i-try ulit ang mga damit na binili niya. Ang kaso nga lang ay nangati na naman ako. Kaya ayon, sa damit ni Boss ang bagsak ko.
Inalis niya ang pagkakatitig sa akin.
Lumipat ang paningin niya sa parte kung nasaan ang tv. Kunot-noo niya itong tiningnan. Napalunok ako. Naalala ko ang ginawa kong kalokohan kanina.
Yari.
Akala ko ay magagalit at pagsasabihan niya ako pero nanatili lang s’yang tahimik.
Tumikhim ako upang makuha ang atensyon niya. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti. Pagkatapos noon ay bumalik sa pagiging seryoso ang reaksyon niya.
"Uhm, saan ka galing?" mahinahong tanong ko. Napangiti ako nang ngitian niya ako.
Sana naman ay huwag niya na akong iwasan ulit. Namiss ko na kasi ang pagiging palabiro niya.
"Kina Hunter." walang reaksyong sagot niya. Napatango ako. Sa sinabi niyang iyon ay tsaka ko lang naalala ang sinabi ni James. Birthday nga pala ni Hunter ngayon.
"K-kumain ka na ba?" nauutal na tanong ko. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa sinabi. Tanga lang, Hera? Syempre kumain na yan. Galing siyang birthday-an diba? May masabi lang?
"Oo" matipid na sagot niya sa akin.
"K-kamusta ka?" mahinang tanong ko.
"Ayos lang." nanatiling siyang walang emosyon na pinapakita. Tanging kaseryosohan lang.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomanceThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...
