Kabanata 31

176K 3.3K 276
                                    

Kabanata 31

Habang nagtitipa ako sa laptop ay nakaramdam ako ng presensya sa aking likuran. Hindi ko s’ya pinag-tuunan ng pansin dahil alam kong si Tyron lamang iyon, pero agad namilog ang aking mga mata sa gulat nang maramdaman ko ang kamay niyang naglalandas sa aking dibdib.

Huminto ako sa pagtitipa sa laptop ni Tyron at inalis ko ang kaniyang kamay na nasa loob ng aking puting t-shirt. Napairap ako sa kawalan dahil sa kaniyang pang-aabala.

Anak ng tokwa!  Pag-talagang manyak ang isang tao ang bilis bilis ng kamay.
Narinig ko naman ang pag-ungot niya na tila ba naiinis, pinagsawalang bahala ko na lang ang kaniyang reaksyon at muli akong bumalik sa ginagawa.

Isang pangungusap na lang sana ay matatapos na ako sa aking pag-ta-type pero inabala na naman niya ako sa pamamagitan ng pag-halik niya sa aking leeg kung saan malakas ang kiliti ko. Napapikit ako nang mariin dahil sa masuyong paghalik niya sa aking leeg at batok. Akala ko ba tumigil na s’ya kanina?

Nagtayuan ang mga balahibo ko at naramdaman ko ang unting-unting pagkabuhay ng init sa aking katawan. Habang hinahalikan niya ako sa leeg pababa sa batok ay itinuloy niya ang marahang paghaplos at pagpisil sa aking dibdib. Pinag-iigihan niya ang bawat paghaplos at paghalik na ginagawa, dahilan upang mawala ako sa wisyo.

Lalo akong napaungol nang sipsipin niya ng tatlong beses ang aking batok, madadala na sana ako sa masarap na sensayon pero bigla itong naudlot nang humalakhak siya nang mahina sa puno ng aking tenga. Tila ba binuhusan ako nang malamig na tubig nang tumawa siya. Lumayo ako ng konti sa kaniya para umiwas sa kaniyang halik.

Muntik na naman akong bumigay sa tukso. Kung hindi lang sana s’ya tumawa ay paniguradong madadala na naman ako.

"Boss naman!" mula sa pagkakaupo sa kama ay tumayo ako. Nilingon ko si Tyron at nakita ko ang nakakunot niyang noo habang nakatingin siya sa akin.

"What's wrong?" anas niya.

What's wrong daw? Aba't tinanong niya pa talaga! Nakapamaywang na pinandilatan ko s’ya ng mata.

"Hoy, Tyron! Tumigil ka nga muna sa kalandian mo. May ginagawa pa ako." nakasimangot na sabi ko. Tinaasan niya ako ng kilay at nakita ko ang munting ngisi na unting-unting gumuhit sa kaniyang labi.

"Tsk! I don't want to stop. Ikaw muna ang tumigil sa ginagawa mo. Just do it later, baby." nakalabing sabi niya kaya naman pinandilatan ko s’ya lalo ng mata.

Gusto na naman niyang makipag-landian sa akin. Hay nako naman!

"Ayoko nga! Boss naman! Tama na muna ang landian. Kailangan mo na 'to bukas, diba? Tsaka diba sabi mo tapusin ko na muna ito ngayon. E, bakit inaabala mo na naman ako?”
Nakita ko kung paano nagsalubong ang kaniyang mga kilay habang nakatingin sa akin. Grabe talaga s’ya! Kanina pangisi-ngisi pa s’ya tapos ngayon para na naman s’yang naiinis.

"Nagbago na ang isip ko. Ako na lang ang gagawa niyan mamaya."

Sinamaan ko s’ya nang tinggin. Para s’yang sira! Mas gusto niya pang unahin ang init ng katawan kesa sa importanteng trabaho.

"Let's have a quickie" seryosong sabi niya.

Napairap ako sa kawalan at tsaka s’ya pinanlakihan ng mata. "Boss, ipapaalala ko lang sayo na kakatapos lang natin kanina tapos hihirit ka na naman ng quickie? Aba naman, Tyron! Hindi mo na naman ba ako papalakarin? Tsaka tama na muna ang lambingan. Trabaho muna bago landi" mataray na sabi ko sa kaniya habang kinukuha ko ang laptop sa harap niya.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon