Kabanata 11

196K 4.1K 107
                                    

Kabanata 11

Dahan-dahan kong iniayos ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang araw na ito. Ang araw kung saan makakasama ko sa kwarto ang aking boss. Gusto kong magtalukbong ng kumot pero hindi ko magawa. Baka kasi mapagkamalan niya akong umiiwas sa kaniya.

Kanina ko pa pinipilit ang sarili ko na tumulog pero hindi ko kaya. Mag-a-alas onse na ng gabi pero mulat na mulat parin ang aking mga mata. Parang buhay na buhay ang sistema ko ngayong gabi. Hindi ko na rin maramdaman ang pagod na nadarama ko kanina sa byahe.

Sinilip ko si Boss sa kaniyang kinauupuan. Nakaupo siya sa upuan na gawa sa kahoy ng narra. Busy siya sa kaniyang mga papeles na pinipirmahan.

Mahigit dalawang oras na siyang nakatutok sa ginagawa pero hindi pa rin siya tumitigil para matulog.
Napabuntong hininga ako. Kinakabahan ako kay boss. Baka mamaya pag nakatulog ako ay bigla na lang niya akong halikan at pagsamantalahan ngunit asa pang mangyari iyon.

Kahit na sobrang sungit niya ay may pagka-maginoo din naman siya. Hindi siya 'yung tipo ng lalaki na namimilit, baka nga siya pa 'yung pinipilit ng mga babae eh.

'At tsaka asa ka pa naman, Hera. Kahit gustuhin mo. Hinding hindi ka pagsasamantalahan ni Boss Sungit. Hindi ka kasi niya type no. Trip ka lang niyang halikan dati' kontrabidang tugon ng mahaderang isip ko.

Napatitig ako sa labi niya. Naaalala ko na naman 'yung kissing scene namin. Napalunok ako. Bakit yata nag-iinit 'yung pakiramdam ko. Lalagnatin yata ako.

Napasulyap ulit ako sa labi niya. Letse! Ang kissable talaga ng lips niya. Mahalikan ko pa kaya siya? Napailing ako.

Ano ba 'yan! Kung ano-ano na ang naiisip ko. Nang-aakit na naman ang mga mapupula niyang labi. Nakaka-miss ang halik niya. Waaahh! Ano ba naman itong mga naiisip ko.

Patawarin mo po ako, Lord.
Masyado na yatang nagiging malumot ang utak ko. Bakit ba naman kasi sobrang gwapo niya. Nakakainlove talaga siya.
Napaiwas ako nang tingin noong mapansin ko na lumingon siya sa gawi ko. Napapikit ako nang mariin. Nahuli niya akong nakatitig sa kaniya.
Nakakahiya. Siguradong alam nito na pinag-nanasaan ko siya.

Pa-simple akong tumagilid nang higa para makaiwas sa tingin niya. "Bakit hindi ka pa natutulog? " mahinahong tanong niya.

'Pinagmamasdan pa kasi kita para sa pag tulog ko ay ikaw ang laman ng panaginip ko.' alintana ko sa isip ko.

"Ay boss hindi kasi ako sanay matulog sa ibang bahay. Namamahay po kasi ako eh" maikling palusot ko.

"Ah gan'un ba. Okay" walang pakialam na sagot niya bago bumalik sa kaniyang ginagawa.

Napangiwi ako. Ganoon na lang 'yun. Hindi na ulit nagtanong. Grabe, napaka-boring niyang kausap. Kung ito ang magiging asawa ko sa future, for sure sobrang tahimik ng magiging anak namin. Mana mana lang kasi iyan.

"But you should sleep. Alam kong pagod ka sa byahe. You need to rest para naman may lakas ka sa trabaho bukas" concerned na sabi niya.

Oh my. Concern siya sa akin. Napangiti ako. Nag-aalala na siya sa akin. Kinikilig talaga ako.

Kinagat ko ang aking labi. Pilit kong pinipigilan ang kilig na aking nararamdaman. Ayokong mahuli niya ako na kinikilig sa kaniya. Malaking kahihiyan 'yun sa trabaho. Awkward tingnan. Charot!

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon