Kabanata 29
"Uuwi na si Sir Tyron sa Lunes. Naku! Para na naman tayong mga mababait na tupa. Hindi na tayo pwedeng makipagdaldalan sa oras ng trabaho. Bawal na din ang mag-suot ng dress dahil dapat corporate attire lang. Tsk! Daig pa natin ang may martial law sa sobrang dami niyang ipinagbabawal. Waaahh! Kaya lagi akong masaya tuwing umaalis siya para pumunta sa ibang bansa eh. Nagagawa natin ang mga bagay na gusto natin." mahabang pagrereklamong sabi ni Mich habang ngumunguya.
Napahinto ako sa pagsubo ng kanin nang marinig ko ang kaniyang sinabi. Napabuntong-hininga ako at napairap sa kawalan. Naalala kong linggo ang uwi ni Tyron, iyon ang sabi niya sa akin bago siya umalis. Ang bilis naman ng paglipas ng mga araw.
Nakakainis! Sabado na ngayon at paniguradong bukas na bukas din ay uuwi na siya. Ayoko pa s’yang makita o makausap dahil paniguradong pag nakita ko siya ay magkukumahog agad ako palapit sa kaniya. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya ay alam kong pag- humingi s’ya ng tawad ay bibigay agad ako. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara.
Magtatago muna ako bukas. Pag-pumunta s’ya sa apartment ko ay hinding-hindi ko talaga s’ya lalabasin.
Sinaktan niya ako kaya naman hindi ko siya papansinin. Bahala na sa lunes pag nakita ko s’ya. Aakto na lang siguro ako ng normal at hindi ko s’ya kakausapin lalo na kung hindi tungkol sa trabaho ang kaniyang sasabihin.
"Hoy! Hera, patay na yang manok na ulam mo bakit gigil na gigil ka pa d’yan?" nahihiwagan na tanong ni Jerry.
Umismid lang ako sa kaniya at tsaka ipinagpatuloy ulit ang aking pag-kain.
"Badtrip pa yang si Hera. Huwag mo yang kausapin baka mamaya pag nainis yan sayo ay ikaw ang tusukin niyan ng tinidor at kutsara." naiiling na sabi ni Mich kay Jerry."Bitter parin ba s’ya? Broken hearted parin si Hera? Ilang araw na ang lumipas oh! Move on, move on din naman pag may time." pang-aasar ni Jerry sa akin. Napatingin ako sa kaniya.
Naiinis na pinanlakihan ko s’ya ng mata habang itinataas ko ang aking kamay na may hawak na tinidor.
"Wala akong oras para mag-move on pero may sapat na oras ako para tusukin ka ng tinidor na hawak ko ngayon." mataray na sabi ko.
Itinaas ni Jerry ang kaniyang dalawang kamay pagkatapos ay mabilis s’yang tumayo.
"Tapos na akong kumain. Mauna na ako sa inyo ha? Bye!" dali-dali na pamamaalam ni Jerry tsaka s’ya tumakbo palabas ng cafeteria.
"Gago din talaga ang isang 'yon. Ang galing mang-asar." sabi ni Mich kaya napabalik sa kaniya ang aking tingin.
"Oo nga! Ang galing galing mang-asar pero takot naman pag-pinagbabantaan ko." nakaismid na sabi ko.
Lagi kasi itong tumatakbo paalis pag-alam niyang galit na ako. Akala niya siguro ay itutuloy ko ang planong pananakit sa kaniya. Pero asa pa s’ya ayokong makasuhan no.
"Mukha mo kasing tototohanin ang banta mo eh." tumatawa na sabi niya.
"Tototohanin ko lang ang banta ko pag nagdilim na ang paningin ko sa sobrang galit dahil sa gagong 'yun." nakangusong sabi ko.
Tumawa lalo nang malakas si Mich. "Oo nga pala. Sasama ka ba ulit sa amin bukas? Mag-ba-bar ulit kami."
Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ko at Itinutuloy ko ang naudlot kong pag-kain.
"Ayoko ng malasing no! Sobrang sakit ng ulo ko noong gumising ako kinabukasan." nakangiwi kong sabi sa kaniya. Natatawang tumango s’ya.
"Hindi ka lang sanay."
"Anla basta! Ayokong sumama. Maghapon na lang akong tutulog bukas." at magkukulong ako sa loob ng apartment ko para hindi ko makita ang Fucking Tyron na iyon.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomanceThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...