Kabanata 43
"Hindi ka pa ba papasok sa opisina? Magta-tatlong linggo ka ng hindi pumapasok sa trabaho ah?" may pag-aalalang tanong sa akin ni Mich habang nag-aayos siya ng mga dala niyang plastic bag.
Nagkibit balikat ako sa tanong niya. Pinagmasdan ko lang siya habang nag-aayos. Hindi ko maiwasang mapangiti ng tipid. Pumunta si Mich dito upang bisitahin ako. Umaga palang ay nambulabog na agad siya sa bahay ko. Ang mahimbing kong tulog ay nabulabog dahil sa pagkatok niya ng pagkakalakas at sa nakakarindi niyang sigaw.
Imbis na ako ang magalit ay siya pa iyong nainis sa akin. Nakakarinding sermon ang inabot ko sa kaniya nang pagbuksan ko siya ng pinto. Pinagsawalang bahala ko na lang ang pag-sesermon niya sa akin at binelatan ko na lang siya nang pabiro upang lalo siyang mamula sa inis.
Pinagmasdan ko lang siya habang nag-aayos siya ng kaniyang pinamili na mga junkfood. Inilagay niya ito sa lamesa.Hindi ko napansin na nahulog na pala ako sa malalim na pag-iisip. Binisita niya ako dahil nami-miss niya na daw ako. Tatlong linggo na akong lumiliban sa trabaho, at ilang araw niya na akong tinatadtad ng mensahe mula noong hindi ako pumasok sa opisina. Masaya ako. Sa kadahilanan na may tao pa palang nagmamahal at nag-aalala sa akin.
Nawala ang pilit na ngiti sa aking mukha nang maalala ko ang nangyari ilang linggo na ang nakakaraan. Bumalik ang lahat ng ala-ala at pati narin ang sakit na dulot ng mga sinabi niya. Sa tatlong linggo na iyon ay hindi parin maalis alis sa akin ang sakit na nararamdaman.
Simula noong araw na iyon ay hindi na ako muling pumasok pa sa opisina. Hindi ko siya kayang makita. Nasasaktan lang kasi ako eh! Baka sa sobrang galit ko sa kaniya ay mabugbug ko siya.
Muli akong napabalik sa realidad nang tumikhim si Mich at inulit niyang muli ang tanong niya sa akin.
Walang gana na umiling ako sa kaniya. Iniayos ko ang aking pagkakaupo sa upuang kahoy at pagkatapos ay tsaka ko siya sinagot."Ayoko nang pumasok. Siguro ay mag-reresign na lang ako." nang hahaba ang nguso na sagot ko sa kaniya.
Nakita ko kung paano nagsalubong ang dalawang kilay niya at inirapan ako ng todo. Hindi ko siya pinansin at nanghalumbaba na lang ako habang nakatingin sa kaniya.
"Gaga ka ba? Anong mag-reresign ka d’yan! Ang ganda ganda ng trabaho mo tapos iiwan mo. Kaloka 'to! Nasisira ang beauty ko sa'yo." eksaherada niyang sambit habang hinihimas ang kaniyang mukha.
L
ahat naman nang-iiwan at lahat naman nararanasan ang iwanan. Wala nang permanente sa mundo noh!
"Nasaan ang sinasabi mong beauty?" inaantok na pang-aasar na tanong ko sa kaniya.
Hinimas niya ang kaniyang mukha bago niya ako sinamaan ng tingin. "Nasa harapan mo na pero hindi mo makita! Kainis ka talaga! Naii-stress ang kagandahan ko!"
Gusto kong tumawa sa kaniya pero hindi ko magawa. Hindi ko kayang maging masaya dahil sa lungkot na nararamdaman ko. Ilang araw na akong ganito. Malungkot at walang gana. Para na akong nilalamon ng kalungkutan. Lagi na lang akong umiiyak na kahit na anong pilit kong maging masaya ay hindi ko magawa. Sobra na akong nagiging emosyonal nitong mga nagdaang araw.
Nakakainis! Ayoko ng ganitong pakiramdam. Pakiramdam ko ay sobrang babaw ng mga luha ko. Naiinis na talaga ako.
"Hahanap na lang siguro ako ng ibang trabaho." tinatamad na sagot ko sa kaniya. Pinikit ko saglit ang aking mga mata at humikab.
Napamulat lamang ako nang marinig ko ang paghampas niya sa aking lamesita. Naiinis na tiningnan ko siya. May balak ba siyang sirain ang gamit ko!
Hindi niya na lang pinansin ang nakakamatay kong tingin sa kaniya, at itinuloy niya ang pagsesermon sa akin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomanceThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...