Kabanata 15
Naiinis na hinubad ko ang dress na suot ko. Nakailang sukat na ako ng mga damit dito sa fitting room pero kahit isa ay wala pa rin siyang nagugustuhan. Madaming mga damit ang pinakuha niya sa sales lady, puros mga uso at bagong labas na design.
Hindi ko na nga mabilang kung ilang mga damit ang dala dala ng mga sales lady sa labas. Pati ang mga damit na isinukat ko na ay hindi ko na din mabilang-bilang.
Grabe! Nakaka-pagod din pala ang pagpapalit palit ng damit.
Sampung sales lady ang nakapila sa labas at lahat sila ay may mga dalang damit. Correction, madaming damit halos hindi na nga sila magkanda-ugaga sa pag-dadala ng mga ito.
Nanggigigil na sinuot ko ang high waisted na short pati narin ang kapartner nito, ang Croptop na damit. Napanguso ko ang makita ko ang sarili ko sa salamin.
Bakit mukha akong maganda? Ay charot lang. Ang totoo ay bakit mukha akong mataba. Hindi naman ako ganitong kataba dati ah. Medyo payat ako dati. Ngayon ay nagkakaroon na ako ng laman. Hindi na ako mukhang butiki sa kapayatan.
Nakakataba ng konti ang pagkain na ipinapa-lamon sa akin ni Boss tuwing nag-di-date kami ay este nakain pala sa labas. Assuming ka, Hera. Hindi nga pala date 'yun.
Grabe, parang ayoko na yatang lumabas dito. Nakakahiya ang suot ko. Huhubarin ko na sana ito nang biglang may kumatok sa pinto.
"Ma'am, kung tapos na daw po kayong magbihis sabi ni Sir Tyron" sabi noong sales lady sa labas. Napairap ako sa kawalan.
Bwisit 'yang si Boss T. Kanina pa siya ah. Excited ba s'yang makita ako. Kanina niya pa akong pinabibilis.
Kanina ko pa siya napapansin. Pagpapasok ako sa loob ng fitting room dapat wala pang dalawang minuto ay lalabas na agad ako. Ano ako may magic? Isang snap lang ng daliri ko ay nakapagpalit na agad ako ng damit. Grabe s’ya! Ang hirap kayang mag-hubad at mag-suot ulit ng panibagong damit.Pabalya kong binuksan ang pintuan. Mabuti na lang at walang nakahara sa pinto kung hindi ay baka may bukol na ang kung sino man na matamaan noon. Ang lakas kasi ng pagkakabukas ko eh.
Paglabas ko ay namataan kong sa akin nakatitig ang mga sales lady. Lahat sila ay naka-nganga sa akin.
Naguguluhang tiningnan ko sila. Ano ba ‘yan. Hindi ba bagay ang suot ko sa mukha kong panget. Paniguradong pinagtatawanan nila ako sa isip nila.
Naiinis na sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking mga kamay. Kasabay noon ang pag-singhap ng mga sales lady. Napanguso ako.Ano ba talagang problema nila? Hindi ba talaga bagay sa akin itong suot ko. Hindi parin maalis sa akin ang mga matang nakatingin sa akin. Nakakailang.
Napalabi ako. Hindi ko mapagtanto kung anong klaseng tingin ang ipinapakita nila. Kung humahanga ba sila o nasusuka sa akin.
Plano ko na sanang bumalik sa loob ng fitting room para magbihis ulit pero bigla akong natigilan. Narinig ko kasing bumulong yung isang sales lady sa katabi niya. Ito iyong sales lady na nagbigay sa akin ng damit na ito.
"Grabe, ang ganda talaga ni maam at ang sexy sexy pa niya. Nakakainggit. Sana ganyan din akong kaganda't ka-sexy. Bagay sila ni Papa Ty." kinikilig na sabi niya.
Hindi ko maiwasang matuwa sa narinig. Kahit hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi niya ay napasaya parin niya ako sa papuring narinig ko. First time to. Siya lang ang kaunaunahang pumuri sa akin. Magpapakain ako ng burger.
Pero hindi natuloy ang plano kong pag-ngiti nang marinig ko ang isinagot ng katabi nito. Kahit na bulong lang ang sinabi nito ay narinig ko parin ang kanilang pinag-uusapan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
Storie d'amoreThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...