Special Chapter

195K 2.9K 154
                                    

Special Chapter

Limang taon na ang lumipas. Limang taon na din kaming kasal ni King Tyron. Sa ilang taon na iyon ay masasabi kong masaya ang naging pagsasama namin. Hindi man perpekto ngunit puno naman ng tawanan at saya. May konting iyakan, tampuhan, selosan, at sigawan ngunit mas lamang ang saya, kilig, kulitan, at lambingan. Walang perpektong pamilya. Ang lahat ng pamilya ay may masaya at kalungkutan na pinagdadaanan.

Masaya ako at alam kong masayang masaya din si Tyron. Masaya ang pagsasama naming dalawa. Kontento na ako sa buhay ko, may apat na mababait na anak at isang mapagmahal na asawa. Wala na akong ibang mahihiling pa.

Napatigil ako sa pagkuha ko ng isang box na pancake sa grocery stall nang may humigit sa damit ko. Nakangiting yumuko ako at tiningnan ang isa sa aming mga anak.

"Mommy." nakanguso na tawag ni Tatum.

Inilagay ko muna ang hawak ko sa cart bago ko siya muling pinag tuunan ng pansin. Lumuhod ako para mapantayan siya at pinisil ang mataba niyang pisngi.

"Ang cute cute talaga ng anak ko. Manang mana sa akin. Bakit baby ko? May gusto ka bang ipabili?" dahan dahan siyang tumango at bumulong sa akin.

"Mommy, I want ice cream. Vanilla flavor." nagpapaawa na sabi niya.

Matamis na naman. Ang hilig niya talaga sa matatamis. Gusto niya laging kumakain ng chocolate at candy. Medyo nagiging chubby na s'ya at minsan ay masyado siyang active at hyper. Pag napadami ang kain niya ng matatamis ay hirap siyang makatulog sa gabi kaya minsan ay pinagbabawalan ko na siya.

"Mom please, ice cream lang po." nakanguso niyang pagpipilit.

Nakangiti na tinaasan ko siya ng kilay. "Weh? Ice cream lang.. pero bakit may dala kang chocolate?" Sabi ko habang tinuturo ang dala niya.

May hawak siyang limang piraso ng tobleron. Napailing ako sa nakita. Ang hilig niya talaga sa matamis. Ang laki pa noong kinuha niyang chocolate tapos lima pa. At gusto pa talaga niyang mag-ice cream.

Nakita niyang tumahimik ako kaya ngumiwi s'ya at maya maya ay nagpacute. "Mom, please. Chocolate at ice cream lang po talaga."

Kayang kaya naman naming bilhin 'yun pero hindi naman lahat ng gusto niya ay dapat masunod. Matatamis masyado ang gusto niya at kadalasan ay madaming sakit ang makukuha doon pag nasobrahan. Mas mahalaga parin ang kalusugan, at iyon ang inaalala ko.

Nag-isip ako habang tinitingnan siya. Nakanguso siya at nag pupuppy eyes. Napangisi ako sa nakita. Ang hilig niya talagang magpa-cute.

Inilagay ko ang hintuturo ko sa ulo ko at nag isip. "Uhmm....." Kunwari ay nagdadalawang isip ako.

Napansin kong naiiyak na siya. "Mommy, please. Last na po ito."

Ganito siya eh. Nagda-drama din pag hindi nasunod ang gusto. Manang mana sa akin.

Mapang asar na ngumiti ako sa kaniya. "Sige na nga. Pero bawasan mo ang chocolate mo. Tama na ang tatlo. Masama ang sobra sobra tapos bigyan mo ang mga kapatid mo, ha."

Masayang tumalon siya at sumigaw. "Aye! Aye captain."

Inilagay niya agad 'yung ice cream at tatlong chocolate sa big cart. Pagkatapos ay tumakbo agad siya doon sa lagayan ng mga chocolates at ibinalik 'yung ibang kinuha niya.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon