Kabanata 25
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Nang tiningnan ko ang orasan ay Alas-otso na ng umaga. Wala na si Boss, marahil ay nakaalis na s’ya. Paniguradong nasa airport na si Tyron papuntang London. Ngayon kasing umaga ang Flight niya. Hindi niya na siguro ako ginising dahil alam niyang pagod ako.
Dahan-dahan akong bumangon sa kama. Hindi na ako nag-abala pang mag-balot ng kumot sa katawan sapagkat nag-iisa lang ako. Wala na namang makakakita sa akin kaya hindi na ako nag-abala pang mag-taklob. Tumayo ako para pumunta sa Cr. Ramdam ko ang pagkirot ng aking pagkababae. Si Boss Tyron talaga kahit kailan. Walang awat! Malalim akong napabuntong-hininga.
Sinasabi na nga ba eh. Mahihirapan na naman ako sa paglalakad. Para na naman akong na-virginan. Ang laki naman kasi ang ano ni Boss Tyron. Umiiling na pumasok ako sa Cr.
Kalahating-oras ang itinagal ko sa banyo. Nakapaligo na ako at nakapagsipilyo kaya presko na ang pakiramdam ko ngayon. Pagkatapos magbihis ay biglang tumunog ang aking Cellphone, agad ko itong sinagot nang makitang si Tyron ang tumatawag.
"Hello?" paunang bati ko.
"Nakakain ka na ba?" tanong niya.
Kinilig ako sa tanong niya. Eii, Concern siya sa akin.
"Hindi pa. Bibili na lang ako sa daan at sa opisina na lang ako kakain." sagot ko sa kaniya habang nakangiti.
"Okay!" maikling sabi niya. Napalabi ako. Iyon lang?
"Ah? Nasaan ka na ba?" tanong ko habang nagsusuklay.
"Nasa airport pa ako, mamaya lang sasakay na ako sa eroplano. Hinihintay ko lang iyong piloto." malamyos na sabi niya. Tumango ako kahit hindi niya nakikita.
"Ah, ingat ka sa London huh? At tsaka kumain ka sa tamang oras para hindi ka malipasan ng gutom" pag-papaalalang sabi ko.
Hindi ko maiwasang mag-alala dahil pag nasa trabaho siya ay nakakalimutan na niyang kumain. Masyado kasi siyang workaholic. Pati pag-kain kinakalimutan.
"Worried, huh?" kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangisi siya. Naku, kilala ko na ang gagong 'to.
"Oo na. Kaya kumain ka ah? Huwag papalipas ng gutom." kagat labing sabi ko. Tumawa naman siya nang malakas.
"Yeah, Boss. Masusunod." ani niya. Kinilig ako sa narinig mula sa kaniya. Napangiti ako nang malawak.
Tinawag niya akong Boss. Bakit kinikilig ako?
Tumikhim ako para hindi mahalata sa boses ko ang kilig na nararamdaman. "Siguraduhin mo lang." tila nag babantang sabi ko.
"Oo, basta ba sinabi mo eh. Susundin ko talaga." seryosong sabi niya.
Bumilis ng todo ang tibok ng puso ko. Napakagat ako sa aking labi para pigilan ang kilig na nararamdaman.
Anak ng tokwa, Boss. Pinapakilig mo ako ng todo. Ikaw na! Ikaw na talaga ang mahilig magpakilig ng sagad sa buto.
Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa. Baka kasi mamaya ay akalain niyang may nangyari masama sa akin dito.
"Ehem, ene be Tyron kenekeleg eke seye." mabilis na sabi ko. Dahil sa kilig ay hindi ko napigilan ang sarili ko na magsalita. Sana lang hindi niya maintindihan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomanceThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...
