Kabanata 39

157K 2.7K 216
                                    

Kabanata 39

"Tinatawag na yata tayo ni Sister Jonna." sabi ni Ate Shella kaya napalingon ako sa kaniya.

Pinag-igihan ko muna ang paglalampaso sa sahig at nang makuntento ako sa naging resulta nito ay tinulungan ko si Ate Shella na pigain ang hawak niyang mop.

"Hindi ko po narinig, Ate."

"Paano ay masyado kang nakatuon sa ginagawa mo pero teka, tapos ka na ba?" tanong ni Ate Shella sa akin. Tinanguan ko s’ya at ibinigay ko sa kaniya ang mop na bagong piga.

Si Ate Shella ay disi-otso anyos na samantalang ako naman ay walong taong gulang pa lamang. Kahit na sampung taon ang pagitan ng edad namin ay matalik ko s’yang kaibigan. Siya ang pinakamatanda sa aming lahat dito sa ampunan. Ka-close namin s’ya dahil madalas ay si ate shella ang nag-aalaga sa amin. Isa din s’yang ulila na kagaya namin.

"Natapos ko na pong linisin yung kabilang dako. Ikaw po ba? Kailangan mo po ba ng tulong? Gusto mo po bang tulungan na kita?" nang-aalok na tanong ko. Umiling siya at ipinagpatuloy ang pagpupunas ng sahig.

"Hindi na. Patapos na din ako eh. Salamat na lang, Hera." nakangiting pagtangi niya sa akin habang ipinagpapatuloy ang pagpupunas.

Sinuklian ko ang kaniyang ngiti pagkatapos ay pinanood ko s’ya sa kaniyang ginagawa. Nawala lang sa kaniya ang atensyon ko ng mapansin kong nagsilapitan sa aming dalawa ni Ate Shella ang iba pang bata na kasama namin sa bahay ampunan, may mga dala silang kaniya kaniyang panlinis. May tumabi sa akin at niyakap ako sa hita. Nang yukuin ko s’ya para tingnan ay napangiti ako.

"Ate gwanda, may tsokoilet ka pa b-ba? Pwide po bang makahingi ulet?" naglalambing na sabi ni Potcholoy.

Sobrang tambok ng pisngi niya na masarap pisilin at pangigilan. Kaya naman kada makikita ko s’ya ay pinipisil ko ng konti ang pisngi niya.
Apat na taon lang s’ya at isa s’yang malusog na bata. Sa madaling salita ay mataba s’ya.

Pinantayan ko s’ya ng tayo at inilapit ko ang sarili ko sa kaniya para bumulong.

"May isang piraso ng chocolate pa ako na nakatago sa ilalim ng unan ko. Ibibigay ko yun mamaya sayo. Huwag kang maingay ah. Baka kasi mahuli tayo ni Sister Marian at paniguradong pagnahuli niya tayo ay papaluin niya ako sa pwet." mahinang bulong ko kay Potcholoy na agad niya namang narinig.

Bumulong din s’ya pabalik sa akin. "Sige po, Ate Ganda. Pwonise po, choss my hirrt. Sekrit lang po natin yun."

Ginulo ko muna ang buhok niya bago ako umayos ng tindig. Ipinagbawal kasi ni Sister Marian ang chocolate kay Potcholoy dahil pag nasosobrahan ito sa matamis ay hindi ito makatulog sa gabi, at umaatungal s’ya ng iyak.

Kaya ko naman s’ya binigyan dahil humiling siya. Sino ba ako para tangihan ang isang super cute na bata na tulad niya. Tsaka dalawang piraso lang naman, hindi naman iyon agad makakasama sa kaniya.

"Sige. Secret na malupet natin ‘yun, ha?"

Masayang yumakap ulit s’ya sa aking hita. "Salamat po, Ate gwanda. Ang baet mo po talaga."

Nawala ang aking atensyon kay Potcholoy nang may tumawag sa akin. Nilingon ko s’ya at nginitian.

"Ate Hera, tawpos na ba kayong mag-linis ni ate Shella? Pina-shashabi po kashi ni Shister Jonna na maligo na daw po tayong lahat, dadating na daw po kasi ang mga bwishita." utal na sabi ni Claudine. Hindi ko maiwasang mapatawa ng mahina dahil sa sinabi niya at sa pagiging bulol niya. Isa din s’ya sa mga batang paborito ko.

Limang taong gulang palang kasi s’ya at medyo hindi pa s’ya tuwid magsalita kaya minsan ay siya ang madalas asarin ng mga kasamahan namin dito sa ampunan.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon