Kabanata 7
Tahimik akong bumalik sa upuan para kumain ulit. Napansin ko na may mga bagong order ng pagkain. Namamangha na napatingin ako kay Boss. Ang takaw naman ni Sir Tyron. Ang dami na nga ng i-ni-order niya kanina tapos um-order pa ulit siya nang madami. Hindi naman halata sa katawan niya na matakaw siya.
Pinasadahan ko nang tingin ang mga pagkain. Nagutom tuloy ako ulit. Ang sarap naman kasi ng pagkain dito, pero ang lubos na nakapukaw ng aking atensyon ay iyong leche plan. Halos magningning ang mata ko dahil sa excitement na nararamdaman. At last makakatikim na ulit ako ng pinaka-paborito kong dessert. Ilang taon ko na ba itong hindi natitikman ulit? Tatlong taon na. Kaya ganito na lang ang pagka-excite ko. Hindi kasi ako makabili nito kasi ang mahal ng presyo.
Isang daan ang dalawa.
Dali-dali kong kinuha ‘yung buong leche plan. Hindi ko na muna tinapunan nang tingin si Sir Tyron. Wala munang pakialaman. War muna kami.
Isang subo ko pa lang ay halos mag lumpasay na ako sa sahig. Ang sarap sarap naman kasi talaga. Nagmamadali kong kinain iyong leche plan hanggang sa maubos. Wala akong pakialam kahit wala na akong poise kung kumain. Ang mahalaga lang sa akin ay maubos ko ang leche plan na ito. Wala akong pakielam kung mag-mukha na akong patay-gutom.
Sinaid ko ang bawat sulok ng pinggan ko. Pati kutsara ay hindi ko na pinatawad. Dinilaan ko ito para masaid ko ang lasa ng leche plan. Siguradong mapagkakamalan ako ni Boss Tyron na patay gutom ngunit wapakels ang peg ko. Wala akong pake sa iisipin niya. Basta makakain ako ay sulit na.
Nakakatatlong dila pa lang ako sa kutsara nang biglang nagmura si sir Tyron. Naguguluhang napatingin ako sa kaniya.
"What the fuck are you doing woman?" nabitawan ko ang kutsarang hawak ko dahil sa sobrang gulat.
Grabe siya kung makasigaw, akala mo ay sobrang laki ng kasalanan ko sa kaniya.
"Kumakain po?" inosente kong sagot.
Ano bang ginagawa ko? Nakain diba? Tiningnan ko siya, halos mamula siya sa galit. Mabilis din ang ginagawa niyang paghinga? Iyong para bang may pinipigilan.
Iginala ko 'yung paningin ko. Lahat ng tao ay sa amin nakatingin dahil sa ginawang pagsigaw ni Boss. Tumungo ako dahil sa hiya.
Muli akong tumingin sa mga tao at tumikhim ako. Nagsi-iwas naman nang tingin ang mga taong naka-mata sa amin.
"Fuck! Are you seducing me?" seryosong saad ni Boss.
Hindi makapaniwala na tinuro ko ang sarili ko. Nahulog ang pangga ko sa sinabi niya.
Ako? Inaakit siya? Nagpapatawa ba siya?
"Se-seduce?" naguguluhang sambit ko.
Mukha ba akong nang-aakit? Nakain lang naman ako ah. Masyado na yatang madumi ang utak ni Boss.
"Boss, Asa ka naman. Nakain lang ako dito oh. NAKAIN LANG. Hindi kita si-ne-seduce ah. Masyado ka naman yatang assuming. "
"Seriously? I'm not assuming." kunot noong saad niya. Napalabi ako nang hindi oras dahil mukhang ipinamumukha niya pa sa akin na ako ang sinungaling.
"Kumakain ako ng leche plan, Boss. Dinidilaan ko lang naman iyong kutsara sa lahat ng sulok diba? At tsaka taas baba kong sinasaid ang lasa ng leche plan para naman hindi sayang. Try mo boss siguradong masasarapan ka din." inosente kong sagot.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomanceThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...