Kabanata 45
"Mr. Humpy?" naguguluhan kong sambit.
"Teka, teka! Bitawan mo ako! Sa pagkakaalam ko ay hindi tayo bati" galit na sigaw ko habang inaalis ang pagkakayakap niya sa akin.
Bumitaw naman siya at umayos nang tayo. Galit na tiningnan ko s’ya habang siya naman ay naguguluhang nakatingin sa akin.
"Bakit mahal kong Hera? Hindi ka ba masaya na makita ako?" may lungkot sa tono na tanong ni King Tyron.
Eksaherada akong umirap sa kaniya at pagkatapos ay pinanlisikan ko s’ya ng mata. Masaya? Kung alam lang niya na sobra akong nasusura ngayong nakita ko siya.
"Tinatanong pa ba ‘yan, ha? Hindi ba obvious? Ayaw kitang makita! Kaya alis! Tumabi ka sa dadaanan ko kung ayaw mong masuntok kita dahil sa sobrang galit ko sayo. " mataray na sigaw ko.
Nakatingin lang siya sa akin na para bang wala siyang narinig na negatibo. Inirapan ko siyang muli at tinalikuran ko siya.
Papasok na sana ako sa bus nang bigla itong sumarado at biglang umandar ng mabilis.
Naiwan akong nakanganga habang sinusundan nang tinggin ang bus. "Aba'y bastos 'yun ah! Iniwan ako!"
Sinigawan ko yung bus sa sobrang inis ko.
Nang makita kong sobrang layo na nito ay nagpapadyak ako sa sobrang galit. Ano ba ‘yan! Bakit ba naman kasi ako bumaba ng bus. Nakakapangsisi nga naman talaga. Muli kong tiningnan si King Tyron upang singhalan. Pinanlisikan ko siya ng mata habang siya naman ay nakatingin lang sa akin. Iniiwas ko ang tingin sa kaniya at tumingala para pawiin ang inis na nararamdaman pero nang marinig ko ang pagtikhim ni King Tyron sa aking tagiliran ay muling bumalik ang pagka-inis na nararamdaman ko. Nagpapadyak ako sa sobrang inis.
"Malas! Wala naman akong balat sa puwet pero bakit ang malas ko!" inis na sinipa ko ang lata na nasa kalsada. Napalakas ang pagkakasipa ko kaya naman napakalayo ng inabot nito.
"Tara na?" malamyos ang tinig na tanong ni King Tyron.
Hindi ko siya pinansin at pinagmasdan ko na lang ang paligid.
Madalang ang sasakyan na nadaan dito kasi nasa may parte kami ng taniman ng bigas. Nasa probinsya na kami. Nang iginala ko ang aking paningin ay walang katao-tao sa paligid. Tanging kaming tatlo lang nina King Tyron. Susko! Paano ako makakaalis at makakatakas sa kaniya. Wala pa kami sa La Union. Siguro ay nasa probinsya kami na dinadaan papunta sa La Union.
Sumulyap ako kay King Tyron. Nang makita ko ang mukha niya ay mas nainis ako.
"Pagtalaga nga namang minamalas ka oh." gigil na sigaw ko.
Inirapan ko s’ya at naglakad palayo sa kaniya. Sumunod siya kaya mas lalo akong nabwisit.
"Mahal kong Hera, Saan ka ba pupunta?" tanong ni King Tyron sa akin habang kinukuha niya ang aking bag pack.
Inismidan ko s’ya at agad akong lumayo sa kaniya, dahilan para hindi niya makuha ang bag ko.
"Sa lugar kung saan wala ka!" sigaw ko sa kaniya.
Lumapit siya ulit sa akin para kuhanin ang back pack ko. Nakipaghigitan ako sa kaniya. Malakas siya pero dahil pursigido ako na huwag ibigay sa kaniya ang bag ko ay ginawa ko ang lahat para hindi niya ito makuha. Hahampasin ko sana siya nang bigla akong matigilan. Hindi nga pala ako sadista kaya naman hindi ko siya hahampasin.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomansThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...
