Kabanata 19

198K 3.8K 207
                                        

Kabanata 19

"Shit, Shit. Hera, ang tanga tanga mo talaga." nanggigigil na sinabunutan ko ang buhok ko.

Ilang minuto na ang lumipas simula noong mahuli kaming dalawa ni Tyron sa isang bagay na kahiya-hiya. Kanina pa akong hindi mapakali pero itong si Boss Tyron ay parang wala lang sa kaniya.

Tahimik lang s’yang nakatitig sa akin. Pinagmamasdan niya lang ako habang nakatayo siya. Ang bawat pag-galaw ko ay sinusundan niya lang nang tingin.

Sa totoo lang ay nababarino na ako sa pagiging kalmado niya. Kanina pa ako hindi mapakali at salita dito ng salita pero s’ya naman ay nanatiling cool lang. Mukhang hindi big deal sa kaniya ang nangyari kanina ah. Ang sarap niyang hampasin.

Hindi ko maiwasang kabahan. Natatakot na akong lumabas dito sa opisina niya. Baka mamaya ay naipagsabi na nu’ng lalaking iyon ang nakita niya. Naku, paniguradong kakalat ito sa buong sulok ng kompanya. For sure, wala pang ilang minuto ay kalat na iyon. Katulad na lamang ng isang virus na sobrang bilis ang pagkalat. Anak nang tokwa. Wala na talaga akong ihaharap na mukha sa kanila.

"Nakakahiya ka, Hera. Sobrang nakakahiya. Waahh" madamamin kong sigaw.

Gustong-gusto ko nang magtago sa sobrang kahihiyan na nararamdaman. Ayan kasi eh. Ito tuloy ang napala ko sa sobrang kalandian ko. Sana talaga ay lamunin na ako ng lupa. Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila.

Nanghihinang napaupo ako sa sofa kung saan nangyari ang kahindik-hindik na bagay. Yumuko ako para iumpog ang ulo ko sa armrest ng sofa.

"Nakakahiya. Please naman lamunin na sana ako ng lupa ngayon." mahinang bulong ko.

Uulitin ko pa sana ang pag-uumpog sa ulo ko nang bigla akong pigilan ni Boss Tyron.

"Stop it, Hera. Stop hurting yourself. Masasaktan ka lang sa ginagawa mo. Just don't mind him wala naman iyon sa kaniya. Mas malala pa nga ang nakita kong ginawa niya dati. Kalimutan mo na lang ang nangyari. Okay?" seryoso pero mahinahon niyang sabi. Nilingon ko s’ya. Hindi ko maiwasang taasan siya ng kilay.

Kalimutan? Nagbibiro ba siya? Naku, naiinis ako. Ganun na lang ba iyon, kunwari nakalimutan ko na tapos pakikitunguhan ko s’ya na parang walang nangyari. Pinapatawa niya yata ako.

Nakapamaywang na nilapitan ko si Tyron. Naiinis na ipinadyak ko ang paa ko.

"Ha? Ganun na lang iyon? Kakalimutan na lang ang nangyari. Aba naman, Boss. Nahuli tayong nag-momolmol este nagma-make out tapos sasabihin mong kalimutan na lang na parang walang nangyari. Para ka pong sira. Nakakahiya po iyon. Isang kakahihiyan para sa akin iyon kasi babae po ako. Ang Unfair naman sa part ko kasi para nadin akong nabastos. Nakitaan ako eh. Buti ka pa at parang wala lang sayo iyon. Lalaki ka kasi eh." naiinis na sabi ko.

Napapikit ako nang mariin. Wala akong pakialam kung masabihan akong OA. Sino bang babae ang hindi magiging ganito ang reaksyon kung mangyari sa kanila ang ganito. Aba, konserbatibo parin naman ako. Kahit naman nilandi ko si Boss, dapat sa kaniya lang ang katawan ko no. Siya lang dapat ang makakakita at makakahawak. Kung bakit ba naman hindi ini-lock ni Boss Tyron ang pinto. Ang ogag niya. Pintuan lang hindi pa magawang i-lock.

Nanatili lang na nakatayo si Tyron sa harapan ko. Seryoso lang s’yang nakatingin sa akin pero hindi mapagkakaila na natutuwa siya sa reaksyong ipinapakita ko. Kahit seryoso siya ay kitang kita parin sa mga mata n’ya ang pagka-amuse.
Napaismid ako. Talagang tuwa pa s’ya sa akin.

"Nakakainis ka. Kasalanan mo ito eh. Kung bakit ba naman hindi mo ini-lock iyong pinto. Simpleng bagay lang hindi mo pa nagawa. Naku, nakakainis ka talaga." nginisian niya lang ako. Halos mangngitngit lalo ako sa inis dahil sa nakita.

The Billionaire's SecretaryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon