Kabanata 37

173K 3K 286
                                        

Kabanata 37


Humampas sa akin ang malakas na hangin. Iniharang ko ang aking braso para malabanan ko ang hangin na tumatama sa aking mukha.

Nasa rooftop kami ng kompanya ni Boss Tyron kung saan naroroon ang helipad. Nilingon ko si Boss Tyron para sana kausapin s’ya pero may kausap pa pala s’yang lalaki na naka-suit. Hindi ko na lang itinuloy ang pagtatanong sa kaniya. Pinagmasdan ko na lang silang dalawa. Ibinigay ni boss sa lalaking iyon ang lahat ng gamit namin, agad namang nagtungo sa helicopter yung lalaki para ilagay ang aming mga bag.

Lumingon sa akin si Boss at hinawakan ang aking kamay. Hinapit niya ako palapit sa kaniya upang akbayan.

"Sumakay na tayo sa Leopard ko." may kalakasang sabi niya sa akin.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ang Leopard palang sinasabi niya kanina ay helicopter. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko, nakipag-talo ako sa kaniya ng dahil lang sa Leopard na ito. Bakit ba naman kasi ang gaga ko kanina? Dapat pala ay itinanong ko na lang sa kaniya, imbis na nakipagtalo ako.

Nauwi tuloy sa away ang kagagahan ko pero malay ko bang Leopard ang pangalan ng helicopter niya. Akala ko mga pet lang ang pinapangalanan, pati pala ari-arian at bagay meron na.

"Sige!" pabalik na sigaw ko sa kaniya.

Malakas kasi ang hangin at 'yung tunog noong helicopter kaya naman hindi kami masyadong magkaintindihan, kinakailangan pa naming sumigaw para lang marinig namin ang isa't isa.

Inalalayan niya ako sa pagsakay sa helicopter. Pagkapasok ay umupo agad kami, kinuha niya agad yung seatbelt para ikabit sa akin. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang inaayos niya yung parang headphone sa ulo ko.

"Ano ‘yan?" tanong ko sa kaniya.

"You need this para magkaintindihan tayo." seryosong alintana niya pagkatapos niyang ikabit sa akin ang bagay na iyon ay sinimulan na din niyang ayusin ang sarili niya.

Nang makatapos si Boss Tyron sa paglalagay ng seatbelt ay nag-bigay na agad s’ya ng Go-signal para umalis.

Hindi ko inaasahan ang biglang pag-andar ng helicopter kaya impit akong napasigaw at napahawak ako nang mahigpit sa hita ni Boss Tyron nang maramdaman ko ang bigla nitong pagtaas. Mas nakakahilo ang isang ito kesa sa eroplano.

"Tyron" nahihilong sambit ko.

"Why? Are you not feeling well?" may pag aalalang tanong niya. Ipinikit ko ang aking mga mata at tumango ako sa kaniya.

Ramdam kong lumapit s’ya sa akin at niyakap niya ako pagkatapos ay inihilig niya ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Nanuot sa aking ilong ang mabangong amoy niya.

"Nahihilo ako" mahinang sabi ko. Mas hinigpitan niya ang pagkakayapos niya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko.

Malalim s’yang bumuntong hininga. "Just tell me if you need some plastic bag." mahinahong pagpapaalala niya.

"Sige, mamaya ka na lang maglabas ng plastic bag pag masusuka na ako. Pag hindi naman umabot yung plastic, sa dibdib mo na lang ako susuka." matamlay na biro ko sa kaniya.

"Hera!" may inis sa boses na singhal niya.

Rinig ko ang naiinis niyang paghugot ng hininga kaya napatawa ako ng konti. Hindi talaga s’ya mabiro. Laging pikon at mabilis magalit. Lalo naman akong naliyo nang tumawa ako kaya mas lalo ko pang isinubsob ang mukha ko sa malapad niyang dibdib.

"Don't talk and just sleep. We still have 2 remaining hours in this ride." may awtoridad na utos niya sa akin.

"Mabuti pa nga" mahinang pagpayag ko sa suhestyon niya.

The Billionaire's SecretaryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon