Kabanata 23
"Hera, Makikisuyo naman oh, pakibigay kay Sir Tyron. Kailangan na kasi itong mapapirmahan." sabi ni Isaac habang ipinapatong niya sa lamesa ang mga dala-dalang folder.
Napahinto ako sa aktong pag-subo nang makita ko kung gaano kadaming folder ang inilapag niya.
Ako pa talaga ang magbibigay? Hindi niya ba alam na mabigat ‘yan para sa aming mga babae, paniguradong hindi ko iyan kakayanin. Baka pagbinuhat ko ang mga folder na iyan ay malaglag na agad mga ito sa sobrang lampa ko.
Napabusangot ako nang hindi oras. Sa sobrang dami niyan paniguradong aabutin si Boss ng madaling-araw bago matapos 'to. E'di hindi na naman makakatulog ang bebe ko? Ilang araw na siyang puyat eh. Pero ang unfair lang dahil kahit kulang siya sa tulog, mukhang fresh parin. Umaapaw parin sa kagwapuhan at walang nababawas sa pagiging greek god na taglay niya. Kahit may eyebags ay gwapo parin, hindi tulad ko na pag-puyat ay mukhang naka-drugs.
Naiiling na napatingin ako sa kaniya.
"Ikaw na lang ang magbigay niyan kay Boss. Ang bigat niyan oh, baka nakakadalawang hakbang palang ako patakan na agad ang mga papel niyan." nakangusong paliwanag ko.
Bigla namang pumungay ang kaniyang mga mata. "Eh! Pakiusap naman oh. Ikaw na ang magbigay, Hera. Alam mo namang laging beast mode sa akin si Sir Tyron eh at tsaka malakas ka sa kaniya, kayang kaya mong mapapirmahan ang mga ito." pagsusumamo niya.
Nagulat ako nang tumabi siya sa akin at hinawakan ang kamay kong may hawak na kutsara. Mabilis ko naman itong inalis. Nananantsing talaga ang isang 'to. Galawang hokage ang hayop. Inirapan ko siya at pinanlakihan ng mata.
Laging beastmode sayo? Eh pano ba naman hindi masusura sayo si Boss. Lagi kang lapit ng lapit sa akin at para kang aso na laging nakabuntot. Lagi ka ding nagpapapansin sa akin. KSP talaga ang lalaking ito. Hindi Kulang sa pansin kundi Kulangot sa pader. Epal kasi 'to.
"Ano ba, Isaac. Bitaw nga! Para kang sira! Abala ka sa pag-kain ko! Tsaka, ikaw na ang magbigay niyan kay Boss. Busy ako." naiinis na lumipat ako ng upuan at muling sinimulan ang pag-kain ng tanghalian. Medyo malayo ako sa kaniya kaya naman nakakain ulit ako nang masigla.
Nasa second floor ako ng building kung saan nandoon ang cafeteria namin. Kakaunti na lang ang mga taong nakain dito sa cafeteria kaya naman wala ng masyadong napapatingin sa pagtatalo namin kanina.
Ala-una na kasi ng tanghali. Late na akong natapos sa aking ginagawa kaya naman ngayon lang ako nakapag-lunch pero mukhang hindi yata ako makakatapos nang mabilis kasi may asungot na naman sa tabi ko. At tsaka kailangan ko pang bumili ng pagkain ni Boss para naman hindi siya malipasan ng gutom. Niyayakag ko kasi siyang kumain pero tinanggihan niya lang ako. Kailangan niya pa daw tapusin ang kaniyang ginagawa.
Si Isaac ay isa ring empleyado dito sa kompanya ni Boss Tyron. Sa Finance Department siya naka-destino kaya naman lagi kung iniiwasan na mapadaan doon. Baka kasi makasapak ako ng hindi oras sa sobrang beast mode sa kaniya. Masyado kasi s’yang papansin sa akin at lagi niya akong inaasar kaya kada nakikita ko siya, nakabusangot na agad ang mukha ko.
Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko na agad ang aking pinagkainan. Tumayo na agad ako para bumili ulit ng pagkain ni Tyron. Naglakad na ako patungo sa tindera at nang makalapit dito ay itinuro ko agad ang paboritong ulam ni Tyron. Ang kare-kare.
Matapos ibigay sa akin noong tindera ang i-styro na pinaglalagyan ng ulam at kanin ay nagbayad na agad ako at umalis.
Malawak akong napangiti nang mapansing wala na ang asungot sa paligid. Masiglang naglakad ako papunta sa pinto. Nang makalabas ako sa sliding door ay napamura ako sa gulat. Nakatayo kasi si Isaac doon habang naghihintay. Nawala ang ngiting nakapaskil sa mukha ko.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secretary
RomanceThe Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad ni Hera Buencamino sa kaniyang buhay ang magkaroon ng maayos na trabaho para matustusan ang kaniyang pang-araw-araw na gastusin. Hindi niya...
