Kabanata 3

267K 4.9K 154
                                    

Kabanata 3


H E R A ' S P . O . V .

"HEY HERA, ARE YOU OKAY?" tanong sa akin ni Mich.

Tumango na lang ako sa kaniya.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay pwede na akong malunod. Pero teka, nagtatakang nilingon ko si Mich. Akala ko ba ay umalis na siya, bakit nandito na agad siya? Grabe, ang bilis naman niya. Akala ko ba ay may kukunin siya sa HR Department?

Si Mich ay isa sa mga empleyado ng Sandoval Corp. Sa HR Department siya nakatoka kaya kami nagkakilala. Si Mich kasi ang na-assign para tulungan ako sa unang araw ko rito. Siya rin ang nagligtas sa akin kanina sa kahihiyan.

Speaking of kahihiyan, hinding-hindi pa rin talaga ako maka-move on sa nangyari kanina. Grabe lang. Nakakahiya nang bumaba sa lobby at baka mamaya ay may nakakakilala pa rin sa akin. Baka pagtawanan pa ako roon.

Napabuntonghininga na lang ako. Mabuti na lang talaga at dumating si Mich. Salamat sa tagapagligtas ko.

"Bakit yata ang bilis mo? Si Flash ka ba?" nakahalumbabang tanong ko. 

Natawa naman siya sa aking sinabi. "Hanla, masyado kang patawa. Tumakbo lang ako kaya ako mabilis. Tsaka ten minutes na kaya akong nawala. Malalim kasi ang iniisip mo kaya hindi mo siguro namalayan ang oras," natatawa niyang sabi.

Napalabi na lang ako. Umayos ako sa pagkakaupo nang bigla siyang may ipinatong sa mesa ko.

"Iyan na nga pala ang schedule ni Sir Tyron para sa araw na ito at na nand'yan na rin 'yong mga number na tatawagan mo para sa mga importanteng kliyente. Nakasulat na rin d'yan 'yong mga appointment at meeting niya para sa mga susunod na araw," nakangiting sabi niya.

Binuklat ko agad 'yong folder. Napalunok ako sa nakita ko. Totoo ba ito? Halos mapuno ng sulat 'yong mga papel. Punong-puno ang schedule sheet niya, oh. Tapos 'yong mga number ng kliyente niya, tatlo pa. Ano 'yon, kapag hindi makontak 'yong isa ay may reserba.

Napailing ako. Grabe, sobrang haba talaga ng listahan niya.

Mapapasabak yata ako rito, ah.

"Hera." Napatingin naman ako kay Mich. "Bakit?" naguguluhan kong tanong.

"Kailangan ko nang bumalik sa trabaho ko. 7:56 a.m. na, eh. Iyan lang kasi ang pinagbilin sa akin ni Sir Matt. Bye, kita na lang tayo mamaya. Tsaka, padating na rin siguro si Sir." Tumango na lang ako sa kaniya at nagpasalamat.

Wala pang tatlong minuto nang umalis si Mich ay may bigla namang lumabas sa elevator. Naglalakad na siya papunta sa akin nang mamukhaan ko siya. Napatayo ako nang wala sa oras mula sa kinauupuan ko noong masilayan ko ang gwapo niyang mukha. "Si-Sir . . ." nauutal na sabi ko.

Napatingin naman ito sa akin kaya agad akong napalunok. Iyong tingin niya na sobrang seryoso at nakakatunaw. Tingin na sobrang makalaglag panty sa sobrang intense. Napakagat- labi ako.

Dire-diretso lang siyang naglakad patungo sa pintuan ng opisina niya. Hindi man lamang niya pinansin ang pagtawag ko sa kaniya. Dire-diretso lang siya na parang walang narinig.

Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto ng opisina niya ay napaupo agad ako nang wala sa oras. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko. Grabe lang, ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba.

Para siyang isang mamamatay tao. Sobrang nakakatakot ang aura niya, pero hindi ko maipagkakaila na sobrang gwapo niya. To the highest level. Tsaka ang napansin ko lang sa kaniya ay iba ang aura niya noong nagkita kami kanina sa lobby. Maloko pa nga ang itsura niya noon, hindi tulad ngayon na para siyang mangangain ng tao. Iyong mabagsik na aura niya, wala naman akong naramdamang ganoon kanina.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon