Kabanata 5

242K 4.8K 634
                                    

Kabanata 5

H E R A ' S P . O . V .

Katatapos lang ng meeting ni Boss Tyron sa isang client nito at bilang secretary ni Boss Sungit ay kasama rin ako sa kanilang meeting. Ako kasi ang tagasulat ng mga importanteng detalye sa mga pinag-uusapan nila. Ngayon alam ko na talagang pinapahirapan niya nga ako nang todo. Wala siyang awa.

Pinagsusulat niya ako imbis na bigyan na lang recorder para naman hindi na ako mahirapan. Aanhin ang technology kung hindi naman gagamitin? Kaloka itong si Boss Tyron. Ang daming pera pero ayaw bumili. Kuripot. Hindi naman ginagastos ang pera, itinatambak lang yata.

Mabuti pa iyong ibang secretary sa ibang departamento naming, gumagamit na sila ng voice recorder. Pinagbawal sa akin ni Boss Tyron na gumamit no'n, eh!

"Thank you for coming tonight, Mr. Choi, and thank you for giving us a chance to be your business partner in this project. Lubos ko pong ipapangako sa inyo na gagawin namin ang lahat para maging maganda ang kalabasan ng proyektong ito at hinding-hindi ka namin bibiguin," seryosong pahayag ni Boss Tyron dito.

Nakita kong tumango si Mr. Choi at pagkatapos ay ngumiti ito kay Boss Sungit. "I know that you are capable of this project. And you know that I trust you, right? So, I'm sure you can do this, so don't disappoint me, young man," nakangiting tugon ni Mr. Choi.

Napairap na lamang ako nang makita ko ang mukha ni Boss Tyron. As usual, walang makikitang emosyon sa mukha niya. Nananatili lamang siyang seryoso. Kahit yata may nakakatawa nang nangyayari sa harapan niya ay mananatili pa rin siyang walang reaksyon.

May bago na nga akong bansag sa kaniya, eh. Mr. Poker Face. Sarap niyang kantahan ng pokerface ni Lady Gaga.

"Pangako, Mr. Choi. You'll never regret your decision in choosing our company," sabi ni Boss Tyron.

"Oh, before I forgot, isa rin pala ang kapatid mo sa gustong makakuha ng project na ito. He always want to have an appointment with me. They want this project so bad pero ikaw ang gusto kong mag-manage ng project na ito at I want you to become my business partner as well. Ikaw lang kasi ang pinagkakatiwalaan ko at alam mo 'yan," nakangiting pahayag ni Mr. Choi.

Tumango si Boss Tyron bago sumagot. "Yes. I know that. At maraming salamat sa pagtitiwala sa akin, Mr. Choi," pagpapasalamat niya.

"Paniguradong magagalit na naman sa 'yo ang kapatid mo," tila seryosong sabi ng matanda.

Napatigil ako sa pagliligpit ng mga gamit ko nang marinig ko ang sinabi ni Mr. Choi. Napatingin ako kay Boss Tyron.

May kapatid siya? Bakit hindi ko ito alam? Pero agad akong may naalala. Seriously, Hera, tinatanong pa ba 'yan? Hindi naman kayo close para magkwento siya sa 'yo, 'di ba? Napairap na lang ako sa kawalan.

"I don't care about him," seryosong sabi nito sa kausap. Hindi naman nakalusot sa aking paningin ang pag-igting ng panga niya. Okay. Hindi sila close.

Nakangiti na tumango si Mr. Choi habang tumatayo. "Not in good terms?" tanong nito. "Yes," matipid na sabi ni Boss habang tumatayo rin. Napaismid ako. Hindi na ako magtataka. Masyado kasing masama ang ugali nito kaya pati siguro kapatid nito ay kaaway na niya.

"So, I have to go. Till we met again, Mr. Tyron Sandoval," pagpapaalam nito.

Bago umalis si Mr. Choi ay nagkamayan muna sila ni Boss.

Tatayo na sana ako para umuwi nang bigla siyang magsalita.

"Where are you going?" nakakunoot noo nitong tanong sa akin.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon