Kabanata 30

177K 3.1K 559
                                    

Kabanata 30

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Dahil nga wala akong Tv at cellphone sa bahay para mapaglibangan ay ginugol ko na lang ang aking oras para gumawa ng mga gawaing bahay.

Hindi ko alam kung anong oras ang dating ni Boss Tyron dito sa Pilipinas kaya minabuti kong huwag munang lumalabas ng bahay. Baka kasi saktong paglabas ko ay dumating siya. Edi, pag nakita niya ako paniguradong mabubulilyaso ang plano kong magtago.

Saktong ala-una ng hapon nang may kumatok sa pintuan. Bigla kong naramdaman ang malakas na pagtambol ng puso ko. Kinakabahan na bumangon agad ako sa pagkakahiga sa sofa pagkatapos ay dahan-dahan akong nagtungo sa may pintuan.

'Anak ng tokwa! Nandito na yata si Boss Tyron' mahinang pagkakausap ko sa sarili ko.

Dahan-dahan ang ginawa kong pag lalakad dahil kailangan kong maging maingat sa pagkilos para hindi mahalatang may tao sa loob at nandito ako. Marahan kong idinikit ang aking tenga sa pinto. Pilit kong pinakikinggan ang nasa labas.

"Hera" sigaw ni Boss Tyron sa labas. Namilog ang mga mata ko. Hinawakan ko ang aking bibig para mapigilan ang pag singhap.

Nandito na nga siya. Shit! Alam niya bang nagtatago ako? Lalabasin ko ba? Pero tange ka Hera, nagtatago ka nga sa kaniya diba?

"Baby, are you there? Hera!" malakas na sigaw niya habang kumakatok sa pinto.

Mahina akong napadaing dahil sa lakas ng pagkakakatok niya. Napalayo ako ng konti sa pinto pagkatapos ay hinawakan ko ang aking tenga. Ang sakit ng tenga ko! Halos mabasag ang ear drum ko sa sobrang lakas ng pagkakakatok niya ah! Nakaka-pangsisi talagang inilapat ko ang aking tenga sa pinto.

"Hera!" nasasaktang napabuntong-hininga ako.

'Sige! Sumigaw ka pa d’yan hanggang sa mapaos ka! Asa ka pang lalabasin kita d'yan!' naiinis na sabi ko sa aking isipan.

"Hera, open the door. Let's talk please!" nagsusumamong sabi niya.

'Tse! Let's talk ka dyan! Humanap ka ng kausap mo! Huwag ako.' gustong-gusto kong sabihin 'yan sa kaniya pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Masisira ang plano kong magtago sa kaniya eh.

"Apo, sino bang hinahanap mo d’yan? Ay si Hera ba kamo ang hanap mo?" narinig kong tanong ni Lola Rosa.
Nawala ang pangamba ko nang marinig ko ang boses niya. Feeling ko nabunutan ako ng tinik sa pagdating ni Manang Rosa. Hulog talaga s’ya ng langit. Sana talaga ay mapaalis niya ang gago na iyon.

"Si Hera." tipid na sabi ni Tyron.

"Ay iho, ang pagkakaalam ko kasi umalis siya. May pupuntahan yata! Bihis na bihis pa nga. Siguro ay makikipagdate iyon. May kasamang gwapong lalaki pero mas gwapo ka." mahinahong sabi ni Manang. Mahina akong napatampal sa noo. Si Manang Rosa talaga.

"What?" pansin ko sa boses niya ang pagkainis.

'Tsk! Suplado talaga ang isang 'to kahit sa matanda. Tipid ding magsalita.’

"Umalis kamo siya. Makikipag-date daw. Ang sweet pa nga nila noong umalis eh. Kitang-kita ko na hinalikan noong lalaki si Hera. Nakakainggit nga eh." hinawakan ko ang aking bibig para pigilin ang pagtawa ko.

The Billionaire's SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon