Dos

10.7K 319 53
                                    


Here's another update for CHELSEA GRAY...

Sa loob ng maraming taon sa campus na ito, hindi lang isang beses akong lumuha at nasaktan pero pinilit ko itong nilalabanan. Ayokong manakit ng kapwa ko kahit pa may mag udyok sa akin na gawin ang bagay na ikakapahamak nila.

Nangako din ako sa isang tao na iiwas ako sa anumang gulo.  Yung taong hinintay ko ng madaming taon pero ni anino niya hindi ko na nasilayang muli. Hindi ko alam kung nasaan na siya. Hanggang ngayon naghihintay pa rin ako sa kanyang pag babalik. Umaasa na balikan niya ako. Pero ewan mukhang malabong mangyari ang bagay na iyon. Hindi na siya nagpaparamdam pa simula ng lisanin niya ang Pilipinas. Ang dami naming pangako sa isa't isa. Ang saya saya pa namin noong magkasama pa kami bago niya lisanin ang bansang kanyang sinilangan. Sabik na sabik na akong makita siyang muli. Marinig muli ang kanyang tinig, yung paglalambing niya, pang aasar. It's been four years Michelle. Nakalimot ka na ba sa mga pangako mo sa akin??? May usapan tayo na babalik ka pagnagtapos ako.

Tandang tanda ko pa yung araw na aalis na siya naubos ko yata ang isang box ng tissue kaka punas ng luha at sipon naming dalawa.

Flashback

"Paano ba iyan aalis na ako ngayon. Huwag kang makalimot ha. Itong bracelet na ito ang magpapa alala sayo na may isa kang magandang kaibigan na nasa malayo at iniisip ka." isinuot niya ito sa mga kamay ko. "Yung pendant kapareho nito. Half ng heart sayo at ang half nasa akin. Kailangan suot mo iyan palagi ha."Panay punas ng luha nito Sa mata.

"Sure ka ba diyan na maalala mo pa ako? Baka naman pagdating mo doon nakalimutan mo na ako kaagad. Magtatampo ako sayo Michelle." nakapout pa ito.

"Grabe ka naman. Yun ba ang tingin mo sa akin? Baka ikaw nga ang hindi makaalala kasi busy ka na sa boyfriend mo. Naku ang bata bata mo pa kaya. Bawal ka pa mag boyfriend. Kapag bago ka gagraduate doon ka na mag boyfriend and hep, bawal makipag away. Sumbong mo sa principal. Hanggat kaya mo umiwas sa gulo umiwas ka. Do you hear me CJ?"

"Opo Nanay naririnig po kita. Hehehe!" Saka tinitigan ang kaibigan ng ilang segundo.

"Oh yang mga titig mo sa akin. Ilang oras na lang matutunaw na ako. Umamin ka nga, nagandahan ka sa akin ano? Crush mo ako no CJ. Ay hala she's blushing. Hahaha!" Tukso nito sa kaibigan. Lalo namang namula Si Chelsea. "Come on, promise hindi ako magagalit sayo. Sige na tell me."

"Ayoko!"

"Ito naman nahiya pa eh. Hoy ano? Crush mo ako? Di ba? Di ba???"

"Okay fine. Yes crush kita!" Sabay takip ng kanyang mukha dahil sa sobrang kahihiyan. Pilit naman inaalis ni Michelle ang kamay na nakatakip sa mukha nito.

"Hahahhaa! Bakit ka nagtakip ng mukha? Oiiii... Crush mo pala ako ha. Naku CJ ha kaya pala madalas mo akong tinititigan. Pero okay lang yun na magkaron ka ng girl crush."

Naputol ang kanilang kwentuhan ng May pumaradang sasakyan sa harap ng gate ng university. Sundo ni Michelle.

"Averi, let's go. Baka malate tayo sa ating flight." Her dad.

"Okay dad." Saka binalingan ang kaibigan.

"So I guess this is it CJ. Until we meet again? Promise babalik ako dito. Maybe kapag nasa huling taon ka na makaka attend ako ng graduation mo di ba?"

"Promise huhuhu balikan mo ako ha. Mamimiss kita Michelle."

"I'm going to miss you too CJ."

END OF FLASHBACK

Pasimple kong pinunasan ang butil na nahulog mula sa mga mata ko. Hanggang sa ngayon, sariwang sariwa pa rin sa isipan ko ang mga salitang kanyang binitawan, Ang mga pangako namin sa isa't isa. Yun na rin ang huling yakap ko sa kanya. At yung pangako niya sa akin na babalik siya hmm wala na yun. Itong bracelet na ito na never ko inalis sa mga kamay ko. Baka kasi bigla na lang siyang susulpot at ito ang una niyang itanong sa akin di ba. Hayss..Ito na lang ang tanging alaala ko mula sa kanya. Sobrang miss ko na siya. Nasaan ka na kaya Michelle?

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon