HERE'S ANOTHER UPDATE... Thank you for all the support guys.✌🏻️
Napatulala naman si Chelsea nang makaharap ang nakangiting dalaga habang inaabot sa kanya ang panyo. Hindi ito makapaniwala na yakapin siya ng dating kaibigan. Nakatitig lang ito sa mga kulay brown na mata ni Michelle. Bumalik lang sa kanyang katinuan ang dalagang si Chelsea when Michelle snapped her finger."Hey okay ka lang ba talaga? I was talking to you. Is everything alright Miss?"
"Gray. Chelsea Gray." natahimik si Miss Garcia ng ilang segundo waring iniisip kung saan silang dalawa nagkita.
"Oh I remember. Yung sa school na summa cum laude. Hahaha sorry about that. So what brought you here?" Hindi naman malaman ng dalaga kung ano ang isasagot. Nagpalinga linga sa kinaroroonan ng kasamang lalaki. Sinundan naman ng tingin ni Michelle ang direction ng kanyang tinitingnan. "Are you with my cousin? Nililigawan ka ba niya?"
"Noo! I'm not into guys i mean I'm not into him kasi friend lang kami ng cousin mo. Ano... uhm... si-siya kasi ang nagdala sa akin dito para sana ano... uhm mag apply sana ng trabaho."
"Oh really? So gusto mo mag work dito? Bakit dito mo gustong magtrabaho?" nahihiyang napatango si Chelsea.
"Para makasama ka." ito ang nasa isipan ni Chelsea. "Pangarap ko na ang Makati Sun noon pa. Kaya nagbabakasakali lang naman ako at kung sakaling hiring pa sana kayo."
Michelle stared at her for a moment. Then she cleared her throat at kinausap ang dalaga.
"Sige ganito iwan mo sa akin ang resume mo at tatawagan ka na lang ng secretary ko okay ba yun?" napatingin sa kanyang relos. "By the way I'll go ahead may meeting pa kasi ako. Just wait for my cousin and he'll be right with you."nakangiting sambit ni Michelle.
"Sa-salamat ma'am Michelle, see- see you." naeexcite nitong sabi.
Halos di mapuknat ang mga ngiti ng dalaga dahil makakasama niya nang muli ang kanyang dating kaibigan. Naglalakad na ito sa pasilyo ng building ng may makabangga ito.
"Oopp sorry miss." sabay dampot sa nahulog na mga gamit. Pag angat ng kanyang mukha habang inaabot ang mga nahulog na gamit ng taong nakatayo sa kanyang harapan,napanganga na naman ito. "Ito na ang gamit mo, pasensiya na ulit." Natulala ito sa babaeng wagas ang mga ngiti.
"Isara mo yang bibig mo miss baka mapasukan ng masamang espiritu. Hehehe." sabay abot sa kanyang mga nahulog na gamit mula kay Chelsea. Napayuko naman ang nahihiya at namumulang dalaga.
"Aww. You're blushing." Aalis na sana si Chelsea ng pigilan ito ng bagong kakilala."Hey wait." sabay hawak sa kanyang mga braso."Bago ka lang ba dito?"
Napatitig ito sa mga mata ng dalaga. Maging si Chelsea napatitig din sa kausap.
BINABASA MO ANG
The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETED
Mystery / ThrillerMeet Chelsea a shy, loner and promdi girl who had a big crush to a famous journalist Michelle Garcia who works as a writer at Makati Sun Newspaper and with her striking looks and charismatic personality, she was noticed far and wide. Michelle was ex...