KIDNAPPERS
Matapos makuha si Michelle, dinala nila ito sa isang malayong bayan ng Laguna. Malayo ito sa kabihasnan.
"Bayog, sigurado ka ba na malaki ang ibabayad sa atin ng nag utos na kidnapin siya?"
"Gag*! Tingin mo magpapaluko ako? Kailangan bayaran tayo ng malaki. Aba! Hindi madaling pasukin ang parking lot na yun dahil sa dami ng CCTV na nakapalibot sa parking." Sagot ng nasabing si Bayog.
"Madami nga kuya. Kumaway pa nga ako sa may camera hehehehe..." si Casper ang 18 years old na may deperensiya sa pananalita at isip.
Nanlaki ang mga mata ng dalawang nasa front seat.Kapwa nagkatinginan.
"ANO! Bakit mo yun ginawa? Nakuuu! Sabi ko sayo Bayog Huwag mo ito isama sa mga lakad natin." Siya naman ang pinaka lider nila, si Pulgas. Napahilamos ito sa mukha. "Paano kung may nakaka kilala sa kanya, litsi naman Casper hindi ka talaga nag iisip. Sigurado na nasa newspaper na tayo niyan o kaya sa tv."
"Talaga kuya nasa tv na tayo? Yeheyyy! Artista na ako!" at napapadyak niyang reaksyon.
"Bobo!. Ay naku! Kung pwede lang kita bigyan ng upper cut ginawa ko na eh." Inis na wika nito.
MEANWHILE
Mabilis na hinablot ni Chelsea ang gamit at patakbong lumabas ng opisina papuntang parking lot. Habang pababa ito sa stairs tinawagan ang bodyguard.
"Meet me at the parking lot, hurry up!"
Pagkababa ng tawag. Seryoso itong nagpaikot ikot sa stairs pababa since paikot ang style ng nasabing hagdanan. She didn't care what she's wearing at that moment dahil ang mas mahalaga sa kanya Ay ang kaligtasan ni Michelle. Pagkalabas ng pintuan, dumiretso agad ito sa sasakyan ni Michelle. Nakita niya ang umiiyak na si Sharon then they heard a siren 🚨 from the patrol car na nagsidatingan.Si Sharon ang agad na nilapitan ng mga police since ito ang nakita nilang umiiyak.
"Sir, huhuhu... Hanapin niyo po si Michelle..Please lang po sir." Pakiusap ni Sharon.
"Miss kailangan namin mahiram ang nasabing cctv para mapag aralan ang kaso ng pagkidnap sa kaibigan niyo." wika ng police. Sumabad si Miss Clark.
"Hi Officer, you can ask our guards. Nasabihan ko na sila na bigyan kayo ng copy ng cctv. Mauna na po ako."
"Miss, you cannot leave the area while we are doing our investigations. May mga ilang katanungan lang po ako para sa inyong dalawa." sambit ng nasabing police officer. Tumango lang ang dalaga at nagsimula na silang mag conduct ng interview. Sinabi naman ni Miss Gray kung ano ang kanyang nasaksihan at nalalaman. Sinunod si Sharon Bruno and as usual sinabi niya din dito ang kanyang alam.
"Sige mga miss, balitaan na lang namin kayo kung sakaling may update na kami tungkol kay Miss Garcia. Mauna na po kami."
Pagkaalis ng tatlong police, hinarap ni Miss Gray ang bodyguards at driver.
"Mauna na kayo sa bahay, may hahanapin lang ako..."
"Pero ma'am..."
"Sundin niyo na lang ang pinag-uutos ko para walang magiging problema. Nagkakaintindihan ba tayo dito?"
"Yes po ma'am."sagot agad ng bodyguard. Isang sharp look ang pinakawalan niya kay Sharon at sumakay sa kanyang sasakyan. She quicky start the engine and basta nalang ito pinasibad. Samantala, umalis din agad si Sharon at tinawagan ang pinsan ni Michelle na si Kyle.
"Hindi ko alam! Huhuhu. Tatlong lalaki ang dumampot sa kanya dito sa parking lot..." sumbong niya sa pinsan ni Michelle. "Something happened between her and that stupid Gray. Hindi ko alam ang..ang kanilang pinag awayan. Nakita ko lang siya na tumakbo palabas ng office ni Gray. I tried na habulin siya pero mas nauna siyang nakarating sa parking lot kaya nakita ko na lang na kinakaladkad siya ng tatlong lalaking armado ng baril."
BINABASA MO ANG
The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETED
Mystery / ThrillerMeet Chelsea a shy, loner and promdi girl who had a big crush to a famous journalist Michelle Garcia who works as a writer at Makati Sun Newspaper and with her striking looks and charismatic personality, she was noticed far and wide. Michelle was ex...