treinta y cinco

3.9K 128 36
                                    




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~





SA ISLA

Hawak na ni Chelsea ang kamay ni Lailah at pilit niya itong hinihila paakyat sa nasabing bubong ng biglang bumuhos ang malakas na ulan at may kasamang hangin na halos ikalipad din nila. Hirap man siya sa paghila sa matanda ngunit sinubukan niya pa rin itong iligtas sa kabila ng delikadong sitwasyon.

"Kumapit ka sa kamay ko!"utos niya sa babae at kumapit nga ito ng napakahigpit ngunit sa kabila ng utak ng matanda, meron itong ibang plano.

"Ahh. Bilis hindi ko na kaya."nag iinarteng turan ng babae. Natataranta naman si Chelsea sa paghila sa kanya.

"Ugh!Ooh! Ooh! Ooh!"habang hila hila ang matanda. Pareho na silang basang basa sa ulan. At dahil hindi naisip ni Chelsea na may ibang binabalak si Madame Lailah di niya napaghandaan ang ginawa nitong katarantaduhan laban sa kanya.

"Salamat sa tulong mo anak..." ngingisi ngisi niyang wika habang kumakapit ng mahigpit sa braso ni Chelsea. Napangiti na din si Chelsea at pansamantalang nawala sa utak niya na kaaway ang kanyang kaharap.Hinila nito si Laila upang makaakyat sa bubong ng walang ano ano bigla niyang hinatak si Chelsea sa braso at hinayaang mahulog mula sa bubungan at bumagsak sa kinaroroonan ng naglalakihang buwaya.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH" sigaw ni Chelsea...

"HAHAHAHAHAHA! Mamatay ka na!!! Babyyeee! AAAY AAAAAAAHHHHHHHHHH!" sigaw din ni Madame Lailah ng madulas ito sa inaapakang bubong dahil sa lakas ng ulan. Tuloy tuloy ang kanyang pagkahulog at dumiretso sa ilalim ng tubig. Si Chelsea naman, bumagsak sa likuran ng malaking crocodile at dahil sa matinding kabusugan hindi niya pinansin ang nakatulalang si Gorilla habang pinapanood kung paano gawing breakfast in pool ang katawan ni Lailah. Wala din siyang magawa dahil agad na sumisid ang crocodile ng bumagsak ito sa tubig at hindi napaghandaan ang pagsalakay ng payatot at gutom na crocodile. Naririnig pa ni Chelsea/Gorilla ang tunog kung paano kagat kagatin ng crocodile ang matandang may katabaan. Ilang minuto ang lumipas at unti unti nang naging banayad ang panahon ngunit patuloy pa rin ang ulan, nakatingala sa langit ang gorilla while sticking her tongue out para uminom ng tubig ulan.

Wala namang pakialam ang crocodile na may sakay ito sa kanyang likuran. Langoy lang ng langoy ang crocodile pabalik balik sa pool. Mula sa east part ng kalangitan makikita na ang unti unting paglabas ng haring araw.

"Paano na ako nito? Hindi ko alam kung paano ko ibalik sa normal ang pagkatao ko. Walang nakalagay doon sa binasa ko. Paano na si Michelle?" sambit sa isipan ng natutulalang si Gorilla. Dinala na ito ng buwaya sa gilid ng pool kaya umahon ito. "Ahh Ahh hooh hooh!" habang nakatanaw sa crocodile. (A/N nag thank you po si Gorilla.) Naglakad ito papunta sa chapel kung saan may iniwan siya doon. Sobrang tahimik na ng lugar at maamoy mo ang malansang amoy na nagmula sa dugo ng mga biktima. Hinagilap niya ang katawan nito. At nang makita niya, she kneeled down at pressed the wound with her warm hand. May sinambit siyang orasyon na siya lamang ang nakakaintindi at kayang magbigkas. After a minute, lumabas na siya at nagpunta sa may malalaking puno. Dito na siya umupo at napayakap sa sarili. Tumigil na ang malalakas na hangin at ulan. Naging kalmante na ito. Para bang nagsasabi na tapos na ang labanan. Maraming tumbang kahoy ang makikita sa isla.

Bigla siyang natigilan ng may marinig na sasakyang pandagat na dumating sa may kalayuan. Sumilip siya dito at may nakita siyang mga armadong mga kalalakihan. Biglang siyang nakaramdam ng takot kaya nagtago itong muli. Natataranta ito at hindi alam ang gagawin ngunit isang boses ang nakapukaw ng kanyang atensyon.

"CJ!!"

"Huh?!" sabay silip at hinanap ang pinagmulan nito. At nang masilayan ang mukha ng babaeng minamahal, gusto niya itong takbuhin upang yakapin ngunit pinigilan ang sarili sa dahilang naging kakaiba na ang anyo nito.

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon