veintiséis

5.3K 163 32
                                    




MONDAY (MAKATI~~GARCIA TOWERS)


Maaga pa lang nakahanda na sa pagpasok si Elaine sa office. Kasama ang kanyang alipores/bodyguards. Madame Lailah hired those men to protect her from being kidnapped since kilala na ng lahat na anak ito ng isa sa mga bilyonaryong negosyante na si Madame Lailah Reyes Clark. Gusto pa sana nitong magprotesta ngunit madame  Lailah really insists on that idea. Wala naman siyang magawa kundi ang pumayag na lamang.

CJ woke up even before the rooster crows at agad na pumunta ng shower room at halos ubusin ang sabon sa paulit ulit nitong pag gamit. She did it many times as she could to make sure she's really clean enough and smells so great when she enter her new office. Actually, para kapag maamoy siya ni Garcia tulo laway agad ito. She smirks upon having those naughty thoughts. After taking a shower, she goes straight to her walk-in closet. Matagal itong nakatayo doon upang maghanap ng kanyang isusuot sa unang araw na pag bisita niya sa Empire Estate and Makati Sun as Elaine Clark.

Talagang kailangan niyang paghandaan ang araw na ito sapagkat madami siyang kailangang baguhin, alisin at idagdag sa nasabing kompanya. At dahil sa kanya inihabilin ni Madame Lailah ang pagpapalago dito, siya na ang bahala sa kung anuman ang gusto nitong gawin sa nasabing company as long as mapanatili niya itong tangkilikin ng madla at magdadala ng madaming salapi sa greedy na babae.

Lingid sa kaalaman ng employees ng Makati Sun, sa gabi nila ito inayos. They changed the decor, nag lagay ng mga bagong picture frame at binago din ang magiging office ni CJ. Lahat naaayon sa gusto nito. Nang makita ni CJ ang nasabing video bigla itong napangisi ng nakaloloko na para bang may naglalaro sa isipan nitong plano na siya mostly ang matutuwa.

"God ano ba ang magandang isuot ko ngayon?" tanong sa sariling isipan habang nakaharap sa kanyang walk-in closet. "Hmmm, there you are baby...kailangan natin magpaka demure sa unang araw. Kasi kapag nagsuot ako ng labas dibdib baka hindi niya magawa ng maayos ang kanyang trabaho. "Welcome to my world Michelle Garcia. Let the love este drama begin." Matapos makapag ayos humarap ito sa malaking mirror at sinuri ang kanyang sarili. "Hell yeah.."

Mabilis itong lumabas ng silid at bumaba ng stairs

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mabilis itong lumabas ng silid at bumaba ng stairs. Biglang nagsitayuan ang kanyang driver at bodyguard.

"Aalis na po ba tayo ma'am?"

"Yes. Diretso muna tayo sa Empire Estate dahil may meeting ako with the board. Anyway, nakita mo ba si Mommy?"

"Tulog pa siguro mam. Andito pa naman ang kanyang sasakyan?"

Biglang sumulpot mula sa likuran ang kanilang kasambahay na si Angela.

"Ma'am, ito na po ang rice at adobo na manok." sabay abot nito sa amo. Napangiti naman si CJ/Elaine habang inaabot ang bag na may laman na pagkain.

"Thank you Angela. Oh please tell mommy na nauna na ako sa office ha."

"Yes po ma'am."

Naglakad na ito papunta sa harapan ng bahay kung saan naghihintay ang driver at ang mga bodyguards. Pinagbuksan agad ito ng door at ng masiguradong okay na ang lahat, nilisan nila ang mansion ng mga Reyes. Habang nasa sasakyan, pinag aaralan na nito ang gagawin niya sa meeting board. Since matalino ito, kaya parang ang dali dali lang sa kanya ang mga gagawin. Nasa utak na niya ang mga bawat hakbang na gagawin niya para sa company at sa pamilya Garcia.

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon