Ilang weeks pa ang lumipas, nakasanayan na rin ni Michelle ang buhay probinsya. Sa umaga, tumutulong na ito sa pag aalaga ng mga pananim at mga alagang hayop ni Lola na binili ni Michelle sa kabilang bayan. Lalo pa silang pinaglapit kasama ng babaeng hindi naman nagsasalita pero nagsesenyas lamang ito kapag may gustong sabihin. Naging masaya naman ang kanilang mga araw sa tuwing magkasama sila. Natuto din maglaba si Michelle sa ilog at manghuli ng mga isda. Pati ang kumain ng mga kakaibang pagkain nasubukan din niya. Pinakain ba naman siya ng ginatang kuhol(sabi nila masarap daw yun) adobong palaka na halos masuka suka siya noong una. Hanggang sa natuto na din ang dalaga. Pero hindi na iyon nangyari dahil paminsan minsan itong pumupunta ng bayan para makapamili ng mga needs nilang tatlo.Panay din ang tawagan nilang magpinsan at ng kapartner sa restaurant na si Sharon Bruno kasama ng kanyang live in partner na si Silver Swanigger isang half german. Sila na ang nagmanage sa restaurant dahil parating wala si Michelle. Uuwi ng Manila then babalik naman agad sa Palawan. Gusto niyang magpatayo ng branch ng Chelsea gourmet sa Palawan.
She shared her ideas to her business partner Sharon and her cousin Kyle and they both agreed with her ideas. Lalo tuloy siyang naexcite na itayo ang panibagong branch ng kanilang restaurant sa Palawan. Kaya pagbalik niya ng Puerto Prinsesa agad agad na pumunta sa lugar na gusto niyang pagtayuan. Then Michelle walked around the town and finally found a great location where to put their new branch. Nakipag negotiate sa kanilang town mayor about her business and nagawa niya naman ang mga nirerequire na mga documents. Wala pang isang linggo nakahanap na ito ng mga construction workers. Hanggang sa pinasimulan niya nang ipagawa ang bagong venture niya sa palawan. Kaya halos pabalik balik na lamang ito ng Manila-Palawan-Palawan- Manila. May ilan na din siyang kakilala sa nasabing lugar. At dinadalaw niya naman ang dalawang babaeng naiwan sa may pinakasulok na lugar sa Balacbac. Nagtataka naman ang mga tao sa tuwing napapadaan siya sa nasabing kalye dahil hindi nila inakala na may nakatira pala sa masukal na bahagi ng lugar na inakala ng lahat mga kakahuyan lamang ang naroon.
"Hello ganda... buo na naman ang araw ko dahil nakita kita.."biro ng isang binata na nakatambay sa tindahan, shirtless at umiinom ng soda at pumapapak ng boy bawang. Napangiti na lamang si Michelle sa kanya at maging sa ilang nakatambay din doon na nag aabang ng bus papunta kung saan.
"Naku, Mar Posadas, maligo ka muna bago mo ligawan yang si Michelle. Tingnan mo nga oh, para ka lang anino kapag tumabi ka sa kanya."biro ng may ari ng tindahan na kakilala na rin ni Michelle.
"Hahaha luko ka talaga."wika ni Michelle habang namimili ng kanyang gustong bilhin. "Uy, pabili ako niyang chippy ha tapos yung tamarind candy tapos dagdagan mo ng coke."
"Ito Mitch may tinapay akong bagong deliver, oks na oks para sa Lola mo..." naikwento kasi ni Michelle na kasama niya ang kanyang lola na kahit anong pilit nito na lumipat ng lugar eh tumanggi dahil sa kanyang mga alagang hayop at pananim.
"Ay sige padagdag na lang ako niyan." sabay ngiti niya sa tindera na ang pangalan ay Mariel Olivia Alba. (ex ng kakilala ko ito)
"Chelle, pwede ba kaming dumalaw sa inyo mamaya?" tanong ni Mar Posadas sabay puppy eyes kaya hindi napigilan ni Michelle ang matawa.
"Paano ba iyan, strict ang lola ko at saka...engaged na ako..."sagot nito at napangiti. Nagkunwari namang nasaktan ang lalaki sa kanyang sinabi kaya nagtawanan ang mga nakikinig sa kanila. Naging kaibigan na rin ng dalaga ang ilan sa mga taga roon.
"Uy Michelle ikaw pala. May binibenta akong mga manok baka gusto mo bumili."alok ng isang ginang sa kanya at dala dala nga niya ang nakataling limang manok. Nalilito tuloy si Michelle kung paano niya bitbitin ang mga iyon. Ilagay sa plastic? isasako? Napangiwi naman ito sa kanyang naisip.
![](https://img.wattpad.com/cover/69408878-288-k649038.jpg)
BINABASA MO ANG
The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETED
Misterio / SuspensoMeet Chelsea a shy, loner and promdi girl who had a big crush to a famous journalist Michelle Garcia who works as a writer at Makati Sun Newspaper and with her striking looks and charismatic personality, she was noticed far and wide. Michelle was ex...