Once

7.2K 216 34
                                    

WHAT YOU ARE ABOUT TO READ CONTAINS EXPLICIT LANGUAGE, ADULT THEMES AND MAY NOT SUITABLE FOR READERS UNDER 18.
Reader Discretion is Strongly Advised✌🏻️✌🏻✌🏻...

.......
Nakayakap ito Sa kanya habang tinatakpan ang kanyang bibig. Nagpadausdos sila at kumubli sa likurang bahagi ng kinakalawang na sasakyan. Tinatanaw nila ang babaeng dahan dahang naglalakad papunta sa kanilang kinaroroonan. Ramdam ni Chelsea ang panginginig ng katawan ni Michelle. Maging ang pintig ng kanyang puso halos nakikipaghabulan sa karera.

"Ssshhhh! Don't make some noise." Habang papalapit Ang mga yabag, lalong lumiit ang kanilang chance na makatakas. Para hindi sila makita ng babae, yumuko ang mga ito.

Nagpalinga linga naman ang babaeng holding a knife dripping with blood. Dahil hindi niya makita ang dalawa nilisan niya ang area at pumunta sa kabilang eskinita.

Sumilip sina Michelle and Chelsea at tanaw nila ang papalayong babae. Nagsimula na silang naglakad ng dahan dahan. Pinilit nilang huwag lumikha ng ingay. Magkahawak kamay silang patakbo, then hide, then start running. Silip dito, takbo, silip,takbo.

Dahil may kadiliman, naapakan ni Michelle ang isang lata na lumikha ng malakas na tunog. "Fuck!" napamura ito dahil sa lakas ng tunog.


"Sssshhh...Bilisan mo, hindi tayo pwede magtagal dito...Kahit anong mangyari huwag kang bumitaw sa mga kamay ko ha. Kumapit ka lang." si Chelsea.. Hila hila niya pa rin ang boss habang tumatakbo sa may mga nakatambak na mga junk. Iba't ibang amoy na ang kanilang nalalanghap. Napapaduwal naman si Michelle dahil sa masamang amoy. Tinatakpan na niya ang kanyang ilong.

"Where are we?" pabulong niyang tanong sa kasama. Isang pag iling ang isinagot nito sa kanya.

"Nakita mo yung puno, tatakbuhin natin yun? Natandaan ko na sa di kalayaun andun na ang daan papuntang kalsada. Kaya Kailangan marating natin Yun."

"What? Ang taas ng heels ng sapatos ko..mapapahamak lang tayo... If you want iwanan mon a lang ako at iligtas ang sarili mo." Nagulat naman si Chelsea.

"No I can't do that. Kahit anong mangyari Michelle walang iwanan. Naririnig mo ba ako? Kaya humanda ka na,tatakbuhin natin yun. Kailangan makalipat tayo ng pwesto sa lalong madaling panahon. Dali na Wala na tayong oras."sumilip itong muli. Nang masigurong wala ang babae, hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ng boss at tinakbo nila ang malaking punong kahoy. Kahit hirap sa kanyang kasuotan si Michelle pinilit nitong bilisan ang kanyang pagkilos.

Halos habulin ang kanilang mga hininga dahil sa kakatakbo at ang kabang nararamdaman ng makarating sila sa malaking puno. Kapwa sila humihingal.

"Ma- haahhh...masakit angg haaahh...binti ko!" Hingal at impit ni Michelle. Napasulyap sa kanya si Chelsea.

Pareho silang nagulat ng may makitang dugo sa mga binti nito.

"Nasugatan ka. Wait lang."kinagat at sinira ang sariling damit upang makakuha ng pantali sa sugat ng boss. "Tiisin mo Ang sakit." Tinalian niya ito at pilit pinapakalma Ang dalagang nakangiwi dahil sa matinding kirot.

Napapapikit si Michelle dahil sa matinding sakit ng kanyang sugat. Hindi niya alam Kung saan at paano niya Ito nakuha.Pareho silang natigilan ng may marinig na parang napuputol na mga sanga at ang pag ingay ng mga tuyong dahon. Inakap ni Chelsea si Michelle sabay takip sa kanyang mga bibig.

Ramdam ni Chelsea ang bilis ng pintig ng puso ng kasama dahil sa matinding kaba at takot na nadarama sa mga oras na iyon. Halos pigilan nila ang kanilang mga paghinga. Sabay silang sumilip at halos mapasigaw si Michelle ng makita ang taong akay akay ng babae... Michelle's cousin na si Kyle.

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon