CHELSEA POVHabang nag uusap usap ang lahat tungkol sa misteryosang babae, ako naman pasimpleng lumabas ng office na di nila namalayan. Mabilis kong hinagilap ang daan patungong elevator. Kailangan kong marating ang HR department. Bahala na kung magtaka sila kung ano ang ginagawa ko sa lugar na iyon. Ako na ang bahalang mag isip ng isasagot. Isa lang naman ang sadya ko sa lugar na iyon, ang alamin kung ano ang ginagawa ng babaeng madalas ako sundan. Sino ba talaga ang babaeng ito at ano ang ginagawa niya sa lugar na ito eh alangan namang maging reporter siya eh ayaw niya ngang ipakita ang mukha niya. Kahit saan ako magpunta nandun siya. Pati ba naman dito sa Makati nasundan pa ako. Aba eh malayo ang lugar namin. Nakakainis pa itong suot ko na maiksi. Leche naman kasi si Mam Michelle at ganito pang pinasuot sa akin na halos makita na ang singit ko. Hirap kaya maglakad kapag ganito ang kasuotan. Grrrrr!!!
Hay naku, para namang mahinhin kung kumilos itong elevator ng building na ito. Kung nag stairs ako malamang kanina pa ako nakarating. Narinig ko nang tumunog ang elevator kaya mabilis akong lumabas at lakad takbo akong pumunta ng HR department.
"Hello Miss Gray..." bati sa akin ng isang staff. Kumaway ako at ngumiti. Nagpalinga linga muna ako sa paligid. Busy busyhan ang lahat ah. Ano bang meron? Makapagtanong na nga lang.
"Excuse me Miss Collins, may nakita ka bang babae na nag apply ng work dito?" hindi naman nakasagot agad ang napagtanungan ko kasi nakikita kong kumunot ang noo niya sa tanong ko. Sinubukan Kong ilarawan ang hitsura ng taong Hinahanap ko Pero nada Wala siyang alam.
"Hindi ako aware sa bagong aplikante miss Gray, sorry po." paumanhin niya. "At saka di ba Miss Gray wala namang bakante eh bakit sila naghire ng tao?" Tanong niya sa akin. I just shrugged. Ano pa nga bang maisasagot ko eh wala din akong kaalam alam. Naalala ko si Angel yung nakilala ko na maganda din at mabait. Kaya nagpaalam na ako sa kanya.
"No worries Nicole. Sige ha aalamin ko na lang kay Angel." kaya binaybay ko ang corridor papunta sa office ni Miss Angel. She's nice actually. I was about to knock ng may marinig akong parang nagsasagutan.
"Totoo ba na may gusto ka sa kanya? Bakit Angel anong meron siya na wala ako ha?!"
"Pwede ba tigilan mo ako Karen. At wala siyang kinalaman dito. Kung magustuhan ko man siya well, mabait siya, matalino. Puso ko ang nagsasabi nun. Besides hindi ko naman pwedeng utusan ang damdamin ko kung sino ang mamahalin ko di ba?"
"That's bullshit! Matagal na kitang nililigawan! Angel naman eh. Kabago bago niya pa lang!"
Hala? Gosh! Yung seksi na kabarkada ni Bruno babae ang gusto? Ugh! Ano na ang gagawin ko ngayon. Kakatok pa ba ako?" Usal ko sa aking sarili. Aalis na sana ako ng may mahagip ang aking mga mata. Ang babaeng sumusunod sa akin lumabas ng nasabing room. Ano ang ginagawa niya doon Sa storage room? Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong alamin Kung Bakit siya nandito. Nakaisang hakbang pa lang ako ng bumukas ang pintuan. Si Angel. Nagtama ang aming mga mata. She smiled at me kaya ngumiti na rin ako. Pero ang babaeng nasa likuran niya halos hindi na maipinta ang mukha. Problema nito? I looked at Angel at sa babaeng parang maton, gosh scary ang mukha niya.
"Miss Gray, anong ginagawa mo dito? Is everything alright?" si Angel. I scratched my not-so- itchy head. Pinilit ko ding ngumiti sa kanilang dalawa. Hehe. Ako na kasi ang magaling mag interrupt ng moment. Muli kong nilingon ang nasabing room bakit parang may nakikita akong pula na lumalabas mula sa loob ng room. Bigla akong nanginig at kinakabahan. Napatingin ako kay Angel sabay turo sa nasabing silid. Nanlaki ang mga mata namin pareho.
"A-ano yung lumalabas m-mula sa loob? D-dugo ba yun?" Si Karen. Napatingin kami sa kanya na puno ng pagtataka.
"Dugo? Paano magkakaroon ng dugo diyan at saan galing yang kadami na dugo?" Tanong ko naman sa kanila.Nilapitan namin ang nasabing room. May iba pang lumapit sa amin na mga employees at napapatakip ng ilong at bibig. Ang lansa kasi...
BINABASA MO ANG
The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETED
Mystère / ThrillerMeet Chelsea a shy, loner and promdi girl who had a big crush to a famous journalist Michelle Garcia who works as a writer at Makati Sun Newspaper and with her striking looks and charismatic personality, she was noticed far and wide. Michelle was ex...