treinta y cuatro

3.9K 134 85
                                    




"Alisin mo ang takip sa  iyong ulo!"sigaw ni Madame Lailah. Then may lalaking lumapit kay Chelsea  ngunit lumipad na ang kutsilyo nito na tumama sa kanyang dibdib.  Nahintakutan naman ang ilang kasaping kulto. "SINO KAAA!?" muling sigaw  ni Madame Lailah.

"Bakit mukhang takot ka  yata? Ako ang harapin mo, hindi yung mga taong walang kalaban laban  sayo." sambit nito. "At kayo...sunod sunuran kayo sa utos niya. Pera  niyo lang ang gusto niya sa inyo! Hindi totoo ang lahat ng pangako niya  sa inyo!"

"MAMAMATAY KAAAA!!!"  sigaw ni Madame at tinanguan ang mga kasama niyang mga kalalakihan. Pero  lahat ng lumaban kay Chelsea isa isang bumulagta sa sahig. Dito na  inalis ni Chelsea ang takip sa kanyang ulo.

"E-Elaine?"

"Hindi ako si Elaine..." sagot nito kay madame Lailah.

"Traidor ka!!!" sigaw ni  Madame. "Nandito ka pala para iligtas ang mga kaibigan mo pwes hindi na  mangyayari yun." mabilis na kinuha ni Madame Lailah ang kutsilyo at  tinusok sa dibdib ni Sharon.

"SHARRRROOOONNNNN!!" ang  sigaw ni Michelle kaya napatingin sina Madame Lailah at Chelsea sa  kanya. Maging ang mga tao nagulat din at napalingon kay Michelle.

"Oh. Sorry, wala na ang asawa mo..." pang aasar niya sa umiiyak na si Michelle.

"Wala na siyang asawa, nawalan ka din ng anak..."

Nagulat naman si Madame Lailah sa kanyang sinabi.

"What did you say?"

"I am not Elaine Clark  in fact you just killed your own daughter. Sharon is the real ELaine  Clark madame Lailah. Siya ang nawawala mong anak. Pinatay mo ang sarili  mong anak."

Nanlaki ang mga mata ni  Madame Lailah. Mabilis niyang pinulsuhan si Sharon ngunit wala na itong  buhay. At dahil sa sinabi ni Gray may tiningnan ito na siyang  magpapatunay kung totoo nga na anak niya ito. Nang tingnan ang birth  mark sa likod,nanlilisik ang mga mata ni Madame Lailah.

"AAAHHHHHHH ELLLAAAIIIINNNNEEEEE!!!"

She gritted her teeth in so much anger nang mapag alaman niyang si Sharon pala ang kanyang anak. Nanlilisik ang mga mata niya na tiningnan ang ngingisi ngising si Gray na nakatalukbong ang ulo gamit ang hoodie ng damit na kagaya ng kay Black Lady na ina niya. Isa ding lider ng mga kulto na pumapatay upang maghiganti. Sandaling natahimik si Madame Lailah at pinakikiramdaman ang paligid. Muli niyang binalikan ang katawan ng anak niyang si Sharon pero wala na ito doon kaya napakunot ang kanyang ulo. Chelsea is just watching all her movement from afar. Alam niya ang mga nangyayari dahil sa lakas ng kanyang pakiramdam. Alam niya din kung nasaan ang anak nitong si Sharon. Si Michelle naman nanginginig sa takot dahil sa sama ng tingin sa kanya ng mga tao sa paligid. Dahan dahan siyang umaatras papunta kay Gray ngunit bigla siyang natigilan ng may tumayo sa kanyang dadaanan. Ilang beses siyang napapalunok. Gusto niyang tumakbo para makalapit kay Chelsea ngunit hindi siya makadaan dahilan sa may mga taong humarang sa kanyang daraanan.

"Subukan niyong saktan ang babae na iyan, dadanak ng dugo dito at yun ang dugong manggagaling sa inyong lahat!" turan ni Chelsea na kahit nasa kay Madame Lailah ang paningin, makikita niya pa rin sa gilid ng mga mata ang kinaroroonan ni Michelle.

Walang nagsasalita. Maging si Madame Lailah nag iisip din ng paraan upang makaganti. Nakikiramdam lang si Gray sa susunod na magaganap. Naging malikot na nag kanyang mga mata. Nasa kay madame ang kanyang paningin ngunit nakikiramdam din siya sa maaring mangyari kay Michelle. Nagulat siya ng sumigaw si Madame Lailah.

"You're a traitor!" sigaw ng galit na galit na madame Lailah habang nililibot ang mga paningin sa paligid upang hanapin ang anak ngunit hindi niya pa rin ito makita kita. Napangisi si Gray.

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon