Tres

8.3K 268 72
                                    








Pumunta na ang dalaga sa soccer field kung saan madami na ang mga tao. Halos walang pumapansin sa kanya dahil naka pang graduation outfit na ito. Hindi ito namukhaan ng lahat dahil sa nag iba ang kanyang mukha. Nilibot ang paningin na parang may hinahanap ang mga mata. Nakita niya ang kanyang mga kaklase. Ang grupo ni Bruno naroon na kasama ng kanilang mga parents. Gusto niyang maiinggit pero anong magagawa niya dahil bata pa siya ng parehong mawalan ng magulang. Nagkibit balikat na lamang ito. Muli itong naglakad papalapit sa kanilang upuan. Nakita niyang parang may pinagkakaguluhan at ng tingnan niya ito nagulat ang dalaga. Si Michelle Averi dumalo sa kanyang graduation? O baka may ibang dahilan kung bakit siya nandito. Yumuko itong muli at binasa ang kanyang speech. Hanggang sa tinawag na ang lahat ng magtatapos upang pumunta sa linya kasama ng mga magulang. Mabigat ang loob na tumayo ang dalaga. Hinanap ang kanyang lugar dahil alphabetical naman.

Panay lang ang yuko niya. Nagulat ito ng may tumayo sa kanyang gilid si Misis Duterte.



"You don't need to check the ground Miss Gray. Malinis na yan. " biro ng kanilang librarian.

Ngumiti naman si Chelsea sabay sulyap sa babaeng ilang taon niyang hinintay. Nagtaka naman ito ng mapansing sa kanya din pala ito nakatingin. Binawi lang ng mahuli ni Chelsea ang kanyang panakaw na mga sulyap. Napangiti sa sarili ang dalaga. Nagsalita na ang emcee ngunit parang lutang sa kanyang sarili ang dalaga dahil nag eenjoy siyang makipag titigan kay Michelle. Nagmartsa na ang mga ito papunta sa kanilang upuan.Nang makarating sa kani kanilang upuan, nanatili lang silang nakatayo para sa first part ng programa. Panay ngiti naman si Chelsea sa dahilang di niya alam. Lumilipad ang kanyang utak. Nagulat pa ito nang nagpapray ang lahat kaya agad agad na binuksan ang hawak hawak na program at nagbasa.


🙏🏼Heavenly Father,

Surround those who are graduating with your grace.

Bless them with hope so that they move into the future with eager and open hearts.

Help them to put the knowledge, skills, and insights gained through their education to use for the good of all humankind.

Inspire them to believe in the goodness of life even when faced with challenges and difficulties.

As they commence with their lives, may they grow even more grateful and wise.

All of this we ask in the name of Jesus, your beloved Son. Amen.🙏🏼


After ng prayer pinaupo na silang lahat. at matapos ang unang part ng program naupo ang lahat at nakinig sa speech. Pero hindi si Chelsea dahil malayo ang isipan ng dalaga. Hindi niya nga namalayan kung nasa akong part na sila ng program dahil ang isipan niya nasa taong pinapangarap. May naalala lang kasi ito tungkol sa nakaraan.



FLASHBACK

Nasa may burol kaming dalawa. Bitbit niya ang kanyang gitara. Syempre dinala niya dahil kung hindi magtatampo ako sa kanya. Pagdating namin sa tuktok ng burol, binuksan ko yung baon namin.

"Chelsea ang sarap naman nitong adobo. Alam mo talaga favourite ko. Chicken adobo!" excited na turan ng dalaga at panay subo nilang dalawa.

"Huh?Saan ang chicken adobo?" nagtatakang tanong ni Chelsea sa kasama.

"Ayan. Di ba adobo yan?"

"Hala. Hahahaha! Oo adobo pero hindi chicken." sabay subo nito ng kanin gamit ang kamay. Napatigil naman sa pagkain si Michelle. Tumaas ang malditang kilay.

"Kung hindi yan Chicken eh ano pala?"

"Nanghuli ako ng palaka kahapon at pagkatapos may nahuli akong bayawak. Ayan niluto kong parang  adobo."

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon