Ocho

6.7K 203 20
                                    


Hindi malaman ni Michelle kung alin ang kanyang dadamputin upang takpan ang nakahubad na katawan. Mabilis niyang pinulot ang Nahulog na tuwalya at binalot ang medyo basa pang mala porselanang katawan na parang perpekto sa pagkaka hubog. Halos hindi makatingin ng diretso sa kasamang nakagat yata ng ahas dahil nakanganga lang ito. Tinapunan naman ito ni Michelle ng isang nakakamatay na tingin. "Anong nakita mo?"walang ka emosyon niyang tanong. Natauhan naman Si Chelsea at kumurap kurap.

"I...uhm....I saw a.picture of a..two active volcanoes near the...um(gulp) lost paradise." nauutal na sagot ni Chelsea. Michelle gave her a puzzled look. Naningkit ang mga mata nito.

"What volcano are you talking about?" She asked and sounded like she's not so happy about Chelsea's answer.

"Oh yun yung nabasa ko bago...bago mawalan ng ilaw." Alibi niya.

"You were sleeping earlier." Mabilis na sagot ni Michelle. Kaya lalo itong nagtaka sa naging kasagutan ni Chelsea.

"Oo pero nagising ako ng maramdamang masyadong malambot ang higaan ko at Ang bango so naisip ko nasa ibang lugar ako. Kaya bumangon ako saka nagbasa muna about mother natures I mean natures of wonder." Esplika nito pero ang mga mata nasa dibdib ng kausap. Michelle sat on the chair and crossed her legs. Napatitig naman Si Chelsea sa mga binti nito pero agad ding binawi ang mga tingin at ibinaling Sa ibang bagay ang attention.

"Ganun ba? Nasaan naman ang binabasa mo? At saka kanina pa kita napapansin, why are you staring at my chest and legs?? Pinagnanasaaan mo ba Ako?" Diretsahang tanong nito sa kaharap. Chelsea blink twice. Naghanap na naman siya ng isasagot sa dalaga. Napansin niya ang mini library ng dalaga. Saka nginuso niya iyon na sinundan naman ng tingin ni Michelle ang tinuturo nito. Medyo nakumbinsi naman ito. Muli pa rin niyang hinintay ang Sagot ng dalaga.

"Um...Siguro naiinggit na hindi ganun kaganda legs ko, hindi din ganun kalaki ang dibdib ko." Sagot din niya sa babaeng nakatitig sa legs niya paakyat sa kanyang dibdib. Siya naman ang nagtanong sa malditang kaharap.

"Bakit ganyan ka din makatingin na parang nakahubad na ako sa paningin mo? Naku, mam Huwag mo akong paglawayan kasi Wala akong abs, dibdib ko nga diko alam kung likod pa rin ba ito o harapan. Promise magsisisi ka dahil look walang laman." Sabay uga uga sa dibdib kahit anong pilit niyang inuuga ang mga ito. Nanlaki naman ang mga mata ni Michelle sa nakikita. For Chelsea this is nothing dahil she thought Michelle is a woman and she's not into a girl thingy ngunit ito ang malaking secret ni Michelle na wala pang nakakaalam. "Yung legs ko naman, hmmm, I wasn't blessed to have those long legged like yung sa mga model. Ang gaganda talaga di ba. Ay nga pala mam Michelle, anon a ngayon ang plano mo sa pinuntahan nating lugar?"

Parang natauhan naman ang nasabing boss.

"Yeah with that, kailangan nating magmatyag sa lugar. Are you okay with that CJ? Madalas mo akong makakasama nito kapag pumayag ka. Ikaw na ang bahala sa mga pag ooberba, ako ang mag take ng mga photos na makakatulong sa ating ibabalita. Kailangan natin ng accurate at makatotohanan na pagbabalita. Ayoko ng imbento lamang. What do you think?" litanya ni Michelle. Tatango tango naman si Chelsea in agreement.

"Kailangan natin mag-ingat. According sa mga tao na nakausap ko, pagsapit ng kabilugan ng buwan doon na siya umaatake. So kelan ang full moon?" tanong ni Chelsea. Mabilis naman na naghanap ng calendar si Michelle kahit nakatapis lang ito ng towel sa katawan. Sumunod naman si Chelsea paglabas ng kwarto ni Michelle at sinundan ito sa kusina. Pagdating sa dining table, they were both sat on opposite side, magkaharap ang mga ito. Saka tiningnan kung kelan ang full moon.

"Sh*t! Sa Friday na? Meaning 3days from now. Kailangan na nating ihanda ang mga gagamitin natin." Sambit ni Michelle.

"Ano naman ang dadalhin natin doon? Kumakain ba siya ng bayawak na adobo? Palakang adobo? Hmmp, kutsilyo? O di kaya bawang..." si Chelsea.

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon