treinta y ocho

4.6K 165 126
                                    




"Minsan ka na bang nagmahal ineng?"

Michelle nodded sadly. Chelsea just came through her mind. But that woman is nowhere to be found. It's been so many years had passed but her memories remain the same. Alam niyang sa puso niya hindi nawala kahit minsan ang dalaga. Pahapon na at magkaharap sila ng matanda matapos nilang magwalis at sinunog ang mga duming naipon. Pinagmamasdan nila ang mga nasusunog na mga dahon. Pakapal na rin ang nasabing usok.Nasa kabilang puno naman ang nasabing gorilla at nakikiramdam lamang ito.

"Nasaan na ang taong minahal mo?"

"Patay na po eh. Ilang taon na ang lumipas."

"Talagang napakalupit ng mundo. Kung sino pa ang gusto natin yun ang kinukuha sa atin. At minsan binibigay tayo sa mga taong kahit sa panaginip hindi mo maisip na mahalin pero sa katagalan matutunan mo din silang tanggapin."

"Wow Lola ang galing niyo pong humugot!" Bulalas ni Michelle.

"Yang bibig mo ineng, ang bastos ng mga sinasabi."

"Po? Ano pong bastos? Wala po akong sinabing bastos... baka kayo po Lola ang nag iisip ng ganun."

"Sa tanda kong ito...Kayong mga kabataan lang naman ang mahilig sa mga kabulastugan. Maryosep kang bata ka! Bakit ang hilig mo manghugot!? Bakit mo kasi hinayaang makapasok?!"

"Ano po? Wala po akong pinasok?"

Nagtataka naman ang dalawang babae ng makitang parang kinikilit ang dambuhalang gorilla habang nakahilata sa ilalim ng puno ng bayabas. Naka crossed legs pa ang nasabing gorilla kaya tumayo si Michelle at dahan dahang nilapitan ang nakangising hayop.

"Sarap ng buhay mo no? Ano, wala ka nang balak na ibalik ako sa pamilya ko?" malditang tanong sa nakangising unggoy. Ngumuso naman si CJ kaya napa ewww si Michelle. "Asa ka! Hindi kita hahalikan kahit ikaw na lang ang natirang hayop sa balat ng lupa! Never!"

Dahil nabwesit si CJ sa kamalditahan ni Michelle, she got up and suddenly hugged her from behind. Carried her all the way to the big tree.

"Put me down!! Ano ba?! Put me down!"

Hindi natinag ang nasabing hayop. Pasan pasan na naman niya si Michelle at tumakbo ng mabilis papunta sa damuhan. Nakamasid lang mula sa kanyang bahay ang matandang babae at tuwang tuwa sa kanyang pinapanood.

"Stoooppp! Ano ba? I said put me down!"Dahil nga sabi ni Michelle put her down, walang ano ano, binagsak siya ng gorilla sa makapal na damuhan.

BLLAAAGGGG!

"Oh damn it! Bakit mo ako binagsak?! Bwesit ka!!"

"Haaa! Haaa! Hoo! Hoo!!"

"Don't touch me! Ughhhh! Grrrrrr!"

Muli na naman siyang inakap ng nasabing hayop. Hindi niya nakayanan ang bigat na nagmumula sa gorilla kaya napatumba ito at bumagsak sa ibabaw ng hayop. Nagkaron siya ng pagkakataon na matitigan ang mga mata ng gorilla.

"That eyes...yang ganyang klaseng tingin parang...parang nakita ko na...shit..."muli siyang tumingin sa nasabing hayop. Nakalimutan niya yatang nakapatong siya dito. "Bakit ganyan ka kung tumingin sa akin?"tanong niya sa gorilla. Pero instead na sumagot, kinabig ito ng gorilla palapit sa kanyang dibdib. Pilit naman siyang kumakalas sa mga yakap nito. But she's not that strong enough. Kaya hinayaan niya na lang na manatili sa ganung posisyon. Hindi nila alam kung gaano katagal siya sa ibabaw nito, ngunit hindi na niya ito pinansin. Ang pinagtataka niya ay ang mga kaweirduhang pinaggagawa ng hayop sa kanya.

"Aba, nakita niyo naman na may liwanag pa. Dito talaga kayo maglampungan sa labas ng bahay ko?"

"Lola!!" She took this opportunity to be free from the gorilla,dali daling bumangon si Michelle at pinagpag ang damit. Sumunod na ito sa matanda at muling nilingon ang gorilla. Sa kanya din ang paningin nito.

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon