treinta y seis

4.6K 164 77
                                    




MANILA PHILIPPINES

Philippine Airline flight 143 just landed. Michelle got up and took her small luggage out of the compartment. She is now getting off the said airlines.And paglabas na paglabas niya ng plane, Right away she could feel the hottest temperature of the Philippines.

"Great! Para na naman akong nasa oven nito."She uttered while walking the hallway to get her other stuffs from the baggage area. After a while she's now heading out. Panay paypay niya ng kamay sa kanyang sarili. Nagpalinga linga ito para makahanap ng taxi. Muli na naman siyang naglakad at tumawid sa kabilang kalsada at doon nakakita ito ng cab. Matapos masabi sa lalaki ang kanyang destination, mabilis na siyang pumasok dahil hindi niya kinaya ang sobrang init.

"Finally I'm back. Ilang buwan din akong nawala sa lugar na ito pero hmm ganun pa rin. Wala pa ring pinagbago. Parang kilan lang nangyari yung madilim na kahapon. Hays CJ, masaya ka na bas a pinuntahan mo? Kung pwede ko lang patayin yung buwaya na kumain sayo ginawa ko na eh. Lintik siya, inunahan pa ako sa pagkain sayo. Hayop! Walang puso!" ngitngit niya sa kanyang isipan.

"Uy, masama ang loob dahil pagkain na niya kinain pa ng iba..." sambit ng mahadirang utak niya.

"Tumigil ka!" bigla niyang sabi na ikinatigil ng driver.

"Mam may kailangan po ba kayo?" malumanay nitong tanong sa kanya habang nakatingin sa mirror. Napapahiyang sumagot si Michelle sa nasabing driver. Kakamot kamot pa siya sa kanyang ulo.

"Ay hehehe...sorry manong may ka textmate kasi ako kaya ganun. Pwede na po kayo magdrive."

"Ganun po ba mam. Sige po."

Muling nagmaneho ang pobreng driver samantalang gusto nang manabunot ng buhok ni Michelle at ang kaaway ay ang isipan niya. Napasandal ito sa upuan at muling naalala ang babaeng nagpagulo sa utak niya.

"God, miss na miss na kita CJ. Gusto kitang dalawin pero hindi ko alam kung saan ka puntahan dahil wala ka naman sa cemetery. I don't know if you were in heaven or purgatory. For sure not in hell. Masyado ka nang hot para painitin pa lalo ang hell. Kaya between heaven and purgatory ka na lang. Kailangan ko na ba talaga mag move on at tuluyan ka ng alisin sa systema ko? Please gimme a sign naman oh."

"Ma'am andito na po tayo."

Napabalikwas ang dalaga at nang magmulat ng kanyang mga mata nasa harapan na siya ng bahay ng kanyang tito ang ama ni Kyle. Lumabas na ito ng taxi at binigay ang kanyang bayad. Inabot ito ng taxi at tinulungan na buhatin ang dalawang malalaking luggage papunta sa harapan ng kanilang pintuan.

"Thank you sa tulong po Manong."

"Walang anuman po mam." Sabay alis ng driver. Siya naman nag doorbell at bumukas ang pintuan at bumungad ang babaeng nakataas ang kilay nito. Nakasuot ng sexy mini skirt at magulo ang buhok. Amoy kaagad ni Michelle ang dahilan nito.

"Will you open the door a little bit so I can get inside..." si Michelle.

"And who are you?" the woman asked raising her eyebrows. Michelle smirked at her. Hindi niya ito pinansin Basta na lang ito pumasok saka sinadyang banggain at dire-diretso na umakyat sa taas.

"KYLE GARCIA!!" sigaw ni Michelle habang nasa stairs. Agad na bumukas ang pintuan at iniluwa ang lalaking topless at naka boxer short. Mabilis itong hinila ni Michelle at dinala sa kanyang kwarto. Nakita ito ng babae kaya mabilis siyang humabol at pilit na binuksan ang pintuan ngunit naka locked na ito.

"Open this damn door!! Kyle sino ang babae na iyan ha??!!"

BOOGGG! BOOOOOGG!

"Kyle kapag nasira niya ang pintuan ko lagot ka sa akin."

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon