veintitrés

5K 166 46
                                    


Masayang nag iimpake ng gamit ang dalaga ng may marinig siyang parang nagkakagulo sa labas. Pasimple itong sumilip sa bintana at nakita niyang may hila hilang tao ang isang lalaki. Nakita niyang lumabas si Lailah at napasulyap sa kanyang kinaroroonan kaya nagkubli ito sandali sa takot na makita siya nito. Muli itong sumilip at nakita niyang nag uusap ang lalaki at si Lailah na parang nagbibigay ng instruction base na rin sa mga kilos at buka ng bibig.

"Sino kaya yang taong hila hila niya? New recruit o baka may nagawang kasalanan kaya paparusahan ng kamatayan?" Tanong nito sa isipan. Mabilis niyang ni locked ang pintuan at pumasok sa ilalim ng kama. "Nasaan ka na ba mousey?"sambit nito. Hindi niya kasi nakausap ang dalaga ng ilang oras na kaya nagtataka ito. Madalas niya kasi ito dalhan ng makakain sa kanyang silid. Nang makapasok sa butas, dahan dahan siyang naglakad papunta sa isang pintuan at maingat na bumaba sa may staircase malapit sa mga silid na pinagkukulungan sa mga bihag. Dito sila kinukulong until they die due to starvation.

She waited for few minutes until she heard different voices. Kumubli muna siya sa mga gilid gilid. Sumilip Ito at nakita niya ang lalaki at ang hila hila nito at ang isa pang lalaki ngunit bumalik ito sa taas. Muli itong nagkubli. Ramdam niya ang tension at ang mabilis na pintig ng puso dahil sa sobrang kaba. Pumikit ito at nakiramdam habang nagtatago. Narinig niya ang boses ng mommy Lailah nito.

"Ikaw na ang bahala sa babaeng iyan. Huwag mong hayaang mabuhay yan. Malaki na ang nagawa niyang kasalanan kaya mas mabuti pang mawala siya sa mundo."Nahintakutan naman ang dalaga na nasa likuran ng wall. "Aalis muna ako. Huwag niyong ialis ang paningin kay Elaine. Baka kasi makita niya ang lugar na ito."

"Nasaan siya ngayon?"

"Nasa kanyang silid dahil aalis siya ngayon para magbakasyon. Kinontak ko na ang may ari ng hotel. Sila na daw bahalang magbantay sa kanya. Kailangan kong asikasuhin ang ating mga kawan para may papasok sa salapi sa atin. Sige na at aalis na ako. Kailangan mong tapusin yan ngayon."

"Masusunod madame."

Nang umakyat sa taas si Lailah, nagpupumiglas ang babae kaya natanggal ang takip sa mukha nito at tamang tama naman na sumilip si Elaine. Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita. "Mousey?" Sambit niya sa kanyang isipan. Muli itong nataranta kaya pumasok ulit ito sa iba pang pintuan at nakita niya ang mga gamit sa pagpatay sa mga biktima. Naramdaman niyang may papalapit na mga footsteps kaya nagkubli ito sa mga kagamitan. She saw the guy opened the cabinet where they kept all the sharpest tools they used for killing or torturing their victims. He picked up the shiny axe and returned to the other room. When Elaine is alone, she hurriedly opened the cabinet and grabbed the sharpest knife and quickly went back into the room where they do the killings and stuff like that. Dahan dahan siyang naglakad kung saan nakita niyang nakahiga ang dalaga sa isang table.

"Kung nakaligtas ka sa kamatayan mo noon, ngayon sisiguraduhin ko sayong wala ka nang ligtas." Wika ng lalaki habang tinatali ang kamay at paa ng babae sa isang mahabang table made of wood. Then kinuha niya ang kumikintab na axe. "Now say a little prayer lady because this is the last time you'll see the light. Hahaha!" He laughed like an evil. Then he raised his hand and ready to chop off the head of the woman when he heard the voice of the woman.

"Don't you dare hurt her..."

"Huh?!" Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. Nakita niya ang galit sa mga mata ni Elaine. Hindi niya alam na may hawak na patalim sa kanyang likuran si Elaine. "W-what are you doing here E-Elaine? You are supposed to be inside your room packing your things."

"Answer my question..." walang emotion na sambit nito. Hindi naman maka sagot ang lalaki. Nagpalipat lipat ang kanyang tingin sa dalawang babae. Pero dahil kailangan niyang sundin ang amo or else he'll face his own faith...death. Mabilis niyang tinaas ang kamay upang gawin ang pinag uutos ng amo.

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon