dieciocho

5K 138 3
                                    




"OH MY GOD!! SHE'S MY BESTFRIEND CJ!..."at kasunod na maririnig ay ang kanyang paghikbi...

Gulat ang makikita sa mukha ng tatlo dahil sa sinabi ni Michelle. Nagtataka silang binanggit niya ang katagang bestfriend dahil walang may nakakaalam tungkol dito maliban kay Miss Bruno. Hindi alam ng kanyang pinsan na dati nang magkakilala sina CJ at Michelle.

"Pakiulit couz, Miss Gray is your bestfriend?" tanong ng naguguluhnag pinsan nito at napapakamot sa kanyang batok. Michelle nodded at sinulyapan ang babaeng si Bruno.

"Yes she is. Bago ako pumunta ng ibang bansa naging kaibigan ko na siya. And I promised to her na babalikan ko siya for her graduation. And I did come back but not for her but because of our company. I forgot everything about her because of that freaked accident that took my parents lives."kwento nito.

"Kung ganun, tiniis niya ang lahat. She pretended that things will get back to normal lalo na sa pagiging magkaibigan niyo. Pero hindi mo siya naalala kaya sigurado akong nasasaktan siya. kaya din siguro ginusto niya na dito magtrabaho dahil sayo. Pero ito ang kapalit, ang bumalik ang alaala mo ngunit siya naman ang nawawala sa ngayon."

"Gagawin ko ang lahat makita ko lang siya cuz. Madami akong kailangang ipaliwanag sa kanya. At gusto kong humingi ng tawad sa mga nagawa kong kasalanan lalo na ang makalimutan siya. Baka kasi iniisip niya na nagbago na ako." Pasimple niyang pinunasan ang mga luha sa mata. "Tell me cuz, did I treat her right?"

"Um, minsan hindi eh. Tsk!" his short replied. Sumabad sa usapan ang tito nito.

"Ano pa ang mga naalala mo iha? Yung nangyari sa iyo dito sa Pilipinas naalala mo rin ba?"

"Tito bumalik ang alaala ko pero hindi po lahat. I tried so hard but nope."

"Huwag mo munang piliting alalahanin lahat. Just let the time do that for you." Biglang tumikhim si Sharon upang magpaalam na tatawag ng doctor. Isang pagtango ang naging sagot ni Michelle.

"B-Bes tatawagin ko lang si Dok. S-Sige po maiwan ko muna kayo." Pagkalabas ni Bruno muli silang nag-usap usap.

Naikwento nila sa dalaga kung bakit siya napunta sa hospital at sino ang kasama nito kaya sinisi niya ang kanyang sarili dahil sa pagkawala ng kanyang kaibigan. Nanlumo ito dahil sa pagbabalik ng kanyang alaala ngunit nawawala naman ang kanyang bestfriend at kasalukuyang pinaghahanap ng mga taga rescue.

"Wala ba talaga silang nakitang katawan ni CJ sa lugar kung saan nila ako natagpuan?" mangiyak ngiyak na tanong nito.

"Wala iha. Nagpadala din ako ng mga rescuers sa iba pang area at napag-alaman namin na may falls sa lugar na iyon at malakas ang agos ng tubig at maybe, tinangay ang kanyang katawan sa malayong lugar." sambit ng kanyang Tito na napapahilot sa kanyang noo.

"My god couz, masayang masaya ako na bumalik na ang alaala mo." excited na wika ni Kyle, ang pinsan niya. "Pero nalulungkot ako para kay Miss Gray. Naging kaibigan ko na din siya at hindi din basta basta ang mga pinagdaanan niya. Nating tatlo."

Lahat sila napalingon ng bumukas ang pintuan at pumasok si Bruno kasunod ang doctor at isang nurse. Agad na sinuri ang dalaga at nagpakawala ng ilang katanungan na sinagot niya naman ng diretso.

"Ano pa ang nararamdaman mo maliban sa pagkahilo?"

"Um, get weak so easily. Then um, feeling nauseas and light headed. Kapag nagbasa ako ang sakit ng ulo ko."

Tumango tango ang doctor ng marinig ang naging sagot ng dalaga. Matapos masuri at magbigay ng ilang mga instructions nagpaalam na ang doctor para tingnan ang ilan pa nitong pasyente. Naiwan namang napatitig si Michelle sa babaeng nasa harapan niya. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa.

 The Secret Behind Chelsea Gray's Name. COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon